One Shots

Chivalry Is Dead

Nagising ako sa sikat ng araw na nagmula sa bintana ng kwarto ko. Napatingin ako sa katabi ko at napangiti. Sino bang hindi mapapangiti kung gigising ka na katabi ang taong pinakamamahal mo?

I slowly bend my arm so she could sleep more comfortably. I brush off the strands of hair that’s covering her angelic face and stared at her. Kahit kailan hindi ako magsasawang titigan siya and I can’t wait na dumating ang panahon na araw-araw akong gigising na siya ang una kong makikita tuwing umaga.

Last night was the most unforgettable moment of my life. Even though we’re both drunk at that time, we knew what we’re doing and we’re aware of the consequences of our actions. And besides, hindi na kami bata. We’re both adults now and I think we’re able to have our own family. That is, if she’ll get pregnant. Willing naman akong panagutan siya if ever man na magbunga at hindi ko pinagsisisihan na may nangyari saming dalawa because I love her so much.

I caressed her cheek and kissed her forehead. Unti-unti siyang gumalaw at saka niya dinilat ang kanyang mga mata.

“Good morning,” nginitian ko siya.

“Good morning,” sabi niya at saka niya kinusot ang mga mata niya. Bakit ba sobrang cute niya?

I held her hand and intertwined our fingers. Nilapit ko sa labi ko ang kamay niya at hinalikan ito. Tinignan ko siya sa mata at parang nailang siya dahil iniwas niya ang kanyang tingin. Natawa ako ng mahina at saka ko siya niyakap.

“L-Lance…?”

“Hmm?”

“A-Ano kasi…”

Tinignan ko siya, “Ano ‘yun?” tanong ko kahit may hinala na ako sa sasabihin niya.

“‘Yung ano…”

Ngumiti ako ng nang-aasar sa kanya, “Ang alin?”

“Lance naman, e…” nag-pout siya. Fuck ang cute niya.

“Ano ba kasi ‘yun? Sabihin mo na.”

Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko, “Ramdam ko ‘yung ano mo, e…” halos pabulong niyang sabi.

Tumawa ako ng malakas. Ang cute niya talaga ‘pag nahihiya siya. Kaya mahal na mahal ko, e.

Nag-poker face siya, “Sige tawa pa.”

“Joke lang babe. ‘Wag ka na magalit,” natatawa kong sabi.

“Babe mo mukha mo,” patayo na sana siya pero hinila ko ang kamay niya pabalik at saka siya napahiga. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“U-Uy… Ano bang ginagawa mo?”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso, “Nagsisisi ka ba?”

I took a lot of risk by asking her this question. Natatakot ako sa isasagot niya dahil alam kong hindi kami parehas ng nararamdaman. Maybe, parehas nga kami but she doesn’t know or she couldn’t accept it. ‘Yung bang alam mong mahal ka niya pero hindi niya matanggap because she couldn’t take the risk of falling in love and get hurt again? That hurts. A lot. It makes me feel that I don’t deserve her. That I’m not enough to be her boyfriend.

“Lance…”

“Rhian, please answer me,” kinakabahan ako sa isasagot niya. But still, I need to accept it.

“Wala akong pinagsisisihan, Lance. And besides, pareho nating ginusto ‘yung nangyari,” seryoso niyang sabi.

“But I’m your first,” ayoko na sanang banggitin pa ‘yun pero hindi ko magawang maniwala na ayos lang sa kanya na may nangyari samin kahit wala naman kaming relasyon.

“Ayos lang naman sakin, e. M-Mas ok kung ikaw na ka-close ko kesa ‘yung kung sino-sino lang.”

Nainis ako bigla sa sinabi niya. So ok lang na ka-close niya ‘yung nakauna sa kanya? I admit that I took advantage of her dahil pareho kaming lasing last night but hell! Hindi ko ginawa ‘yun dahil lang sa lust or sa kalasingan ko. Ginawa ko ‘yun dahil mahal ko siya.

“You don’t see my point, Rhian,” umalis ako sa pagkakahiga at pinulot ang mga damit namin. Binigay ko kay Rhian ang mga damit niya at nagbihis kaming dalawa.

“Lance, ano bang problema?” tanong niya pagkatapos naming magbihis.

Nilapitan ko siya at hinawakan ko siya sa balikat, “Bakit ayos lang na ako ‘yung nakauna sa’yo kahit hindi naman tayo?” seryoso kong tanong sa kanya.

Iniwas niya ang tingin niya, “W-Wala naman na tayong magagawa, e. Nangyari na.”

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako alam na ganito pala kalaki ang magiging epekto ng panloloko sa kanya ng gagong ‘yun. Bumaba ang tingin niya sa sarili niya at wala na siyang tiwala na may tao pang magmamahal sa kanya ng totoo.

Hinila ko siya palapit sakin at niyakap ko siya ng mahigpit, “I miss the old Rhian.”

Humiwalay siya sakin sa pagkakayakap, “Nami-miss mo ‘yung iyakin, madaling lokohin at martyr na Rhian?” natatawa niyang sabi.

Natawa din ako sa sinabi niya, “Oo naman. ‘Yun pagkakakilala ko sa’yo, e.”

At ‘yun din ang mga katangian mo na minahal ko nang sobra-sobra.

Tumawa siya, “Grabe ka naman sakin.”

Bumuntong-hininga ako, “Miss na kita, Rhian,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Natigilan siya at nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay, “Hindi na ba siya pwedeng bumalik? Sobrang nami-miss ko na siya. “

Tinignan niya ako at ngumiti siya nang malungkot, “Hindi na siguro, Lance. Mas makakabuti na siguro ‘yung ganito. Para hindi na rin ako madaling masaktan, ‘di ba?”

“Pero, Rhian—”

“Kailangan ko ng umalis,” putol niya sa sasabihin ko. “Baka hinahanap na ako nila mama, e. Goodbye, Lance,” at lumabas na siya ng kwarto.

Hinabol ko siya at hinawakan siya sa braso, “Hatid na kita,” sabi ko. Ewan ko kung bakit pero iba ang dating sakin ng pag-alis niya. Pakiramdam ko kapag umalis na siya dito, aalis na rin siya sa buhay ko at ayokong mangyari ‘yun.

Nginitian niya ako, “Ayos lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko,” lumapit siya sakin at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik.

“Thank you, Lance. Thank you kasi lagi kang andyan para sakin. Hindi mo ako iniiwan,” bulong niya.

Mahal na mahal kasi kita kaya kahit magmukha akong tanga ayos lang.

Medyo nagtagal pa kami sa ganung posisyon hanggang sa maramdaman kong umiiyak siya.

Kung hahayaan mo lang sana ako, hindi mo na kailangang umiyak nang ganyan.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Pinahid ko ang kanyang luha at hinalikan siya sa noo. Nagulat ako nang bigla niyang hinampas ang braso ko. Panira naman ng mood ‘to.

Magsasalita sana ako pero nagsalita na siya, “‘Wag mo nga akong sanayin. Baka mamaya hanap-hanapin ko na ‘to,” natatawang sabi niya habang pinapahid ang luha niya.

” Masama ba ‘yun?” sabi ko at tumawa kaming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam ‘yung ganito. Lagi kong nakikita ang ngiti niya. Lagi kong naririnig ang tawa niya.

Sana ako na lang, Rhian.

“Uy, una na ‘ko ah?” tinapik niya ako sa balikat. Tumango ako kahit labag sa loob ko. Ngumiti na lang ako at ngumiti din siya, “Bye, Lance,” at tuluyan na siyang lumabas ng condo ko.

Bumuntong-hininga ako at saka dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Sa totoo lang, hindi ko na alam gagawin ko. I want her to feel special and loved pero paano ko gagawin ‘yun if she won’t let me? Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya pero natatakot ako na baka tuluyan siyang mawala sakin. I can’t risk our friendship. ‘Yun na nga lang ang meron kami, mawawala pa ba?

Alam ko naman na wala akong karapatang magreklamo sa sitwasyon ko dahil pinili ko ‘to. I chose to be in this ride even if there’s no assurance that this will lead me to something. The moment na may nangyari samin, it means that I’m already risking everything. Our friendship, my feelings, and most especially my heart.

Hindi ko naman hinihiling na maging kami agad-agad, e. I just want her to let me love her and treat her the way she deserves. Gusto kong ipakita sa kanya na deserving siyang mahalin. Na may tao pang nandito para sa kanya at hindi siya iiwan. Na may taong kaya siyang mahalin sa kung sino siya at seseryosohin siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s