One Shots

Indak

To: Michael

Huy, asan ka na? Kanina pa ako nandito sa tambayan natin. Punta ka na dito, please? Love you.

Nandito ako sa park sa loob ng subdivision namin habang naghihintay sa kanya. Ang tagal niya dumating. Kanina pa kaya ako dito. Nagugutom na nga ako, wala pa din siya. Tumunog ang cellphone ko at tinignan kung sino ‘yung tumatawag. Napangiti ako nang makita ko kung sino ‘yun at saka ko sinagot ang tawag.

“Hello, Michael? Asan ka na?”

“Babe, sorry. Hindi ako makakapunta dyan ngayon.”

Nawala ang ngiti sa labi ko. Bwisit naman. Edi sana hindi na lang niya ako pinapunta dito. Kanina pa ako naghihintay, tapos hindi naman pala siya dadating. Paasa.

“Ah. Ganun ba?”

“May kailangan pa kasi akong gawin, e. I promise, babawi ako sa’yo. Sorry talaga.”

“Ok lang,” malamig na sabi ko. Bahala siya.

“Sorry talaga babe ah? Sige, una na ‘ko. I love you,” naputol na ang linya.

Aba’t! Ano? Sorry lang? Siya ‘tong nagyaya na mag-date kami ngayon tapos siya ‘tong hindi sisipot? Bwisit siya ah. Akala ko pa naman magkikita kami. Nagutom pa ako dahil sa kanya. Kaasar.

Paalis na sana ako pero nagulat ako nang biglang may yumakap sakin mula sa likod.

“Bilis naman magtampo ng babe ko.”

Kinilabutan ako bigla dahil sa lapit ng bibig niya sa tenga ko. Nilingon ko siya at bumungad sakin ang ngiting-ngiti na si Michael. Hinampas ko siya sa braso.

“Aray naman! Bakit ba?” natatawang sabi niya. Pagtawanan pa ako. Psh.

“Nakakainis ka!” pagalit kong sabi sa kanya. Pero ang totoo, natutuwa ako na nandito siya. Akala ko talaga hindi na siya dadating.

Niyakap niya ulit ako mula sa likod at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, “‘Wag ka na magalit. Gusto ko lang naman makita reaction mo.”

“Oo na.”

Humiwalay siya sakin sa pagkakayap at saka siya ngumiti. Hinalikan niya ako sa noo, “I love you.”

Nginitian ko din siya, “I love you too.”

Hinawakan niya ang kamay ko, “Date tayo?”

“Sige ba,” nakangiti kong sabi. Sumakay na kami sa kotse niya at nag-drive siya papunta sa mall. Nang nasa loob na kami ng mall, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Ang saya ko talaga tuwing kasama ko siya. Parang pansamantalang nawawala ‘yung bigat na nararamdaman ko kapag magkasama kami.

“Ano gusto mong gawin?” tanong niya sakin.

“Kumain,” nag-pout ako. Nagugutom na talaga ako.

Pinisil niya ang pisngi ko, “Sorry.”

I smiled at him, “Ok lang. Kain na tayo,” ngumiti din siya at dinala niya ako sa isang restaurant. Umupo na kami at saka um-order ng pagkain. Hindi nagtagal ay dumating ang order namin at masaya kaming nag-uusap ni Michael habang kumakain.

May nahagip ang mata ko. Isang lalaki na papasok sa restaurant at bahagyang nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Oh gods, what is he doing here? Bakit ngayon pa?

Inalis ko ang tingin ko sa kanya, hoping na hindi niya kami makita ni Michael.

“Zia?”

“H-Ha?” nilingon ko si Michael.

“Ok ka lang?” nag-aalala niyang tanong sakin.

“O-Oo. Ok lang ako.”

Please, not now.

“Love?”

Too late.

Nilingon ko ang lalaki sa harapan ko. Si Renz.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngumiti na lang ako para hindi nila mapansin na kinakabahan ako. Tumayo ako at saka humalik sa pisngi ni Renz, “Hi, love.”

Nginitian ako ni Renz at inakbayan ako. Tumingin ako kay Michael at iniwas niya ang tingin niya.

“Bro,” sabi ni Renz kay Michael. Tumango lang si Michael sa kanya bilang pagbati. Hindi ako makatingin kay Michael ng deretso. Alam kong nasasaktan siya ngayon at kasalanan ko ‘yun.

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong sakin ni Renz.

“Uhm ano…” Shit. “gusto lang namin mag-bonding ni Michael.”

Tumango-tango lang si Renz. Umupo na ako at si Renz naman sa katabing upuan ko. Katabi ko si Renz habang nasa tapat ko naman si Michael.

What a very nice scene. Galing mo, Zia. Galing mo.

“Kumain ka na ba?” baling ko kay Renz. Hindi ko kayang tumingin kay Michael.

Ngumiti si Renz at hinawakan ang kamay ko, “Sweet naman ng baby ko. Opo kumain na ako.”

Nagulat ako nang biglang tumayo si Michael kaya napalingon kami ni Renz sa kanya. Ngumiti siya pero alam kong pilit lang ‘yon, “Una na ‘ko guys ah? May gagawin pa ako, e.”

Seryosong nakatingin sa kanya si Renz at parang any moment ay magsusuntukan sila, “Sige, bro. Ako na bahala sa girlfriend ko.”

Ngumisi si Michael at saka siya umalis. Inubos ko agad ‘yung pagkain ko para matapos at makauwi na ‘ko. Gusto ko nang umalis dito. Sa totoo lang, ayokong makipag-usap kay Renz. Nagui-guilty ako sa ginagawa ko. Tanga ko rin naman kasi.

“Love, can we talk?”

Napalingon ako kay Renz. Sobrang seryoso siya. Kinabahan ako bigla. Anong pag-uusapan namin? Alam na ba niya?

“T-Tungkol san?”

Ngumiti siya ng malungkot, “You’ll know later,” tumayo na siya, “Let’s go?”

Tumayo na rin ako at hinawakan niya ang kamay ko palabas ng restaurant. Dumeretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Tahimik lang kami buong byahe. Kinakabahan talaga ako. Sa dalawang taong naging magkarelasyon kami, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso.

Itinigil na niya ang kotse. Nandito kami ngayon sa park kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. Bakit niya ako dinala dito? Of all places, dito pa talaga? Ano ba kasing pag-uusapan namin? Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba ako sa kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad-lakad kami sa park. Tahimik pa rin siya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ilang sandali ay tumigil si Renz sa paglalakad at humarap siya sakin. Lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko.

Pero nagulat ako nang dahan-dahan siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.

“R-Renz…?” What is he doing?

“Shh. Ganito lang muna tayo, please? Gusto lang kitang mayakap,” bulong niya.

Nagsimulang manggilid ang luha ko. Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Akala ko ba hindi ko na siya mahal? Pero bakit ako nasasaktan ngayon ng husto?

“Nagseselos ako, alam mo ba ‘yun?

Natigilan ako sa sinabi niya.

“Kahit alam ko na magkaibigan lang kayo ni Michael, hindi ko mapigilan ang magselos sa kanya. Para kasing mas close pa kayong dalawa kesa sakin na boyfriend mo. Nagseselos ako, love. Sobra.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Paano ko nagawang saktan ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako?

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko siyang umiiyak. Hinawakan niya ako sa pisngi, “May ginawa ba ako, Zia?”

Hindi ako makasagot at patuloy lang ang pagluha ko. Hindi ko siya kayang sagutin dahil mas masasaktan lang siya.

“May ginawa ba ‘ko? Lately kasi ramdam ko na umiiwas ka sakin. Siguro napa-paranoid lang ako pero hindi ko mapigilang isipin ‘yun, e. I can’t lose you, Zia. Kung ano man ‘yung ginawa ko, hindi na ‘yun mauulit. I’m so sorry, love. Mahal na mahal kita…”

He doesn’t deserve me. Sa panlolokong ginagawa ko, paulit-ulit ko lang siyang sinasaktan.

“Can’t we work this out? Can’t you give me another chance?” umiiyak na kaming dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at takot. Bakit nga ba humantong ang lahat sa ganito?

“Renz…”

“Please don’t give up on me.”

Bakit, Renz? Bakit ngayon pa?

“Renz, nahihirapan na ako…”

Napansin kong natigilan siya at inalis niya ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Mapait siyang ngumiti, “It’s like you’re begging me to just let you go…”

“Hindi sa ganun, Renz…”

Pilit siyang ngumiti at pinahid niya ang luha ko. Hinalikan niya ako sa noo, “I can’t let you go, Zia. I’m sorry. But I just can’t.”

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang lahat.

Ang babaw mo kasi, Zia. Nang dahil lang sa nawalan siya ng oras sa’yo, naghanap ka na ng iba.

Hinawakan niya ang kamay ko, “Tara. Ihahatid na kita.”

Bahagya akong tumango at sumakay na kami sa kotse niya. Habang nasa byahe kami, hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Bakit ko ba kasi siya sinaktan? Minahal niya ako ng sobra pero ginago ko lang siya. Hindi ako karapat-dapat na maging girlfriend niya.

Itinigil niya ang kotse sa tapat ng bahay ko, “S-Salamat…”

Tumango lang siya habang hindi ako tinitignan. Hindi ko mapigilang masaktan sa pakikitungo niya sakin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman kung bakit nangyayari ‘to. Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan. Kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan ngayon.

Bumaba ako sa kotse at umalis na si Renz. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

Ano ba ‘to? Ano bang ginagawa ko? Sinasaktan ko lang silang dalawa. Minahal nila ako pero heto ako, pinaglalaruan sila. Tanga-tanga ko. Ginawa nila lahat. Minahal nila ako ng sobra-sobra pero patuloy ko lang silang sinasaktan. Kung hindi ko lang sana niloko si Renz, hindi masisira ang pagkakaibigan namin ni Michael at hindi siya masasaktan. Kung inintindi ko lang si Renz, hindi ‘to mangyayari. Kung hindi ako naging makasarili, sana masaya pa rin ako ngayon.

~•~

Nandito ako ngayon sa likod ng school building at nakaupo sa isang bench habang nakikinig ng kanta. Nag-earphones ako para walang kumausap sakin dahil gusto kong mapag-isa. Buong araw kong iniiwasan si Michael at Renz. Alam kong nagiging unfair ako sa kanila pero naguguluhan talaga ako, e.

Pumikit ako sandali at maya-maya’y naramdaman kong may tumabi sakin. Hindi ko muna dinilat ang mata ko hanggang sa naramdaman kong may nag-tanggal ng earphone ko. Dinilat ko ang mata ko at nilingon ang katabi ko. Nagulat ako nang makita ko si Michael.

“M-Michael… Anong ginagawa mo dito?”

“Sinundan ko kayo kahapon.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So, alam niya ‘yung nangyari? Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt. Sinaktan ko ang dalawang lalaki na nagmamahal sakin.

What an achievement.

“Michael…” muling tumulo ang luha ko. Tangina wala na bang katapusan ‘to?

“Ang sakit pala talaga ‘no?” tumawa siya ng pilit, “Alam ko naman, e. Alam ko na masasaktan lang ako sa ginagawa natin. Alam ko na sa una lang ako magiging masaya. Pero kahit ganun, sumugal ako kasi gusto kitang makasama. Mahal kita kaya sumugal ako kahit mali. Pero tangina Zia, ang sakit. Sobrang sakit.”

Tumingala siya para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. Hindi ako nagsasalita dahil alam kong walang salita ang posibleng makapag-pagaan ng loob niya. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdam niya.

Tumingin siya sakin at kitang-kita sa mga mata niya na nahihirapan na siya, “‘Yung alam mo na kahit kailan hindi ikaw ‘yung magiging una? Na second choice ka lang? Na option ka lang? Pucha ang sakit dito oh,” tinuro niya ‘yung dibdib niya. “Oo nga, nasa tabi kita. Magkasama tayo. I can call you ‘babe’. I can say ‘I love you’. But at the end, sa kanya ka pa rin. Siya ‘yung totoo mong boyfriend. Hindi ako.”

“Michael, mahal kita. Please, maniwala ka naman oh…” Ayokong nakikita siyang nasasaktan kasi nasasaktan din ako.

“Tigilan na natin ‘to, Z. Pareho lang kasi tayong nahihirapan, e.”

Patuloy lang sa pagbagsak ang luha ko, “No… Michael, please ‘wag mo naman akong iwan…” Ayoko. Hindi ko kaya. Selfish na kung selfish pero ayokong mawala siya sakin.

“Let’s stop this. Hindi lang tayo ang nahihirapan dito. Pati na rin si Renz.”

“Alam ko… Alam ko na nasasaktan din si Renz. Pero ayokong mawala ka sakin, Michael…”

Ang sakit sakit. Sana hindi ko na lang pinasok ‘tong gulong ‘to. Sana nakuntento na lang ako. Sana hindi ako naging makasarili.

Tumayo na rin si Michael, “Alam ko, Zia. Alam kong ayaw mo akong mawala sa’yo. Pero hindi ‘yun dahil sa mahal mo ‘ko. Natatakot ka lang na mawala ang pagkakaibigan natin kaya ayaw mong mawala ako sa’yo.”

“H-Hindi kita maintindihan, Michael. Hindi ka ba naniniwala na mahal kita, ha?” umiiyak kong sabi. Hindi ba niya ‘yun nahahalata? Kaya nga hindi ako nakikipaghiwalay sa kanya, e. Kaya nga ako pumayag sa relasyon na ‘to kasi siya ‘yung mahal ko.

Mapait siyang ngumiti, “Maybe, you love me but not as much as you love him,” natigilan ako. What is he saying? I love Renz? After all this time… mahal ko pa din ba siya?

Bumuntong-hininga siya. “Yesterday…” tinignan niya ako ng deretso sa mata, “you could’ve ended it.”

What?

“You could’ve ended everything between you and him. You could’ve left him and be with me. Pero hindi mo ginawa.”

“M-Michael… I just—”

“Kasi ayaw mo rin siyang mawala. ‘Di ba?”

Natahimik ako sa sinabi niya.

“I know you still love him, Z. Masyado mong pinapaniwala ang sarili mo na mahal mo ‘ko,” he smiled gently even though sadness is evident in his eyes. “You don’t have to love me. Gusto ko lang maging masaya ka. Mas importante sakin ‘yun.”

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko, “Just remember that I’m always here for you. As your friend,” at saka siya umalis.

Napaupo ako sa bench habang umiiyak. Ang hirap. Nakakapagod. Mas masakit pala lalo na kapag alam mong ikaw ‘yung dahilan ng sakit na nararamdaman nila. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon, gagawin ko lahat para hindi ‘to mangyari. Kaya lang nangyari na, e. Tapos na. Wala nang silbi kung babalikan pa. Wala nang silbi kung iisipin mo pa ang mga ‘what ifs’.

Pinahid ko ang luha ko at saka tumayo. Kailangan kong makausap si Renz. Pumunta ako sa gym ng school at hinanap siya. May practice kasi sila ng basketball ngayong hapon so I’m sure na nandito siya. Nakita ko siya sa may bleachers at lumapit ako sa pwesto niya. Nang medyo malapit na ako sa pwesto niya, napansin ko na may kausap siyang isang babae.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako bigla ng inis. I mean, nag-uusap lang naman sila, so bakit ako maiinis? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako sanay na makaramdam ng ganito.

Lalapit na sana ako nang nakita kong kumapit sa braso ni Renz ‘yung babae at sinandal ‘yung ulo niya niya sa balikat ni Renz.

What the hell?

Napalingon sa direksyon ko si Renz at nakita niya ako. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo dahil nagsisimula na namang tumulo ang luha ko. Bakit ganun? Bakit ang sakit? Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Naiisip ko na baka hindi na niya ‘ko mahal. Baka nagsawa na siya. Baka napagod na siya sakin.

Pero may karapatan ba ‘kong magreklamo? May karapatan ba ‘ko na maramdaman ‘to? Ako nga ‘yung nanloko ‘di ba? Kung sabagay, deserve ko siguro ang makaramdam ng ganitong sakit. I don’t deserve him.

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at tinignan ko kung sino ‘yon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Renz at seryoso siyang nakatingin sakin. Hinila niya ako papunta sa isang bakanteng classroom at ni-lock ang pinto.

Humarap siya sakin habang blangko ang ekspresyon niya.

“Why are you crying?”

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Alangan namang sabihin ko na umiiyak ako dahil nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Na nagseselos ako. No. Wala akong karapatan na sabihin ‘yun lalo na sa sitwasyon ko.

Pinahid ko ang luha ko,”W-Wala lang ‘to.”

“Nagseselos ka ba?”

Oo, nagseselos ako.

“H-Hindi ko alam…”

Huminga siya ng malalim at napatingin ako sa kanya, “Bakit mo ba ‘to ginagawa?” malamig niyang sabi.

“A-Ano?”

“Bakit mo ‘ko pinapahirapan ng ganito?” may tumulong luha sa mga mata niya at kasabay nito ay ang pagtulo rin ng luha ko, “Bakit mo ‘ko sinasaktan?”

I’m sorry.

Gusto kong sabihin ‘yan sa kanya pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Para bang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Pinagsisisihan ko ang lahat. Ang tanga ko lang para saktan si Renz.

Tumingin siya sakin habang patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha, “Mahal kita, Zia. Mahal na mahal kita pero sobrang sakit na.”

Ang sakit pala ‘pag ikaw na ‘yung sinusukuan ng isang tao. Nasanay kasi ako na ako ang laging hinahabol. At hindi ko siya masisisi kung pagod na siya.

Kaya lang ang sakit pa rin, e. Bakit kasi ngayon pa? Kung kailang alam ko na kung gaano siya kahalaga sakin. Kung kailang bumabalik ‘yung mga alaala ng pinagsamahan namin. Ngayon pa na alam ko na mahal na mahal ko siya.

“I-I’m sorry, Renz… I’m really sorry…” umiiyak kong sabi.

“I admit. I felt happy when I saw that you’re jealous. Kasi ibig sabihin nun, may paki ka sakin. Ayaw mong may kasama akong iba. Kaya lang, bakit parang ang unfair?” tumawa siya ng pilit, “Naisip ko, bakit nung kayo ni Michael, hindi naman ako nakialam? Nagseselos ako pero hindi ko pinapakita kasi alam ko naman na mag-bestfriend lang kayo. I trust you, Zia. Pero ikaw? Wala ka bang tiwala sakin?”

He trusts me. But I don’t deserve it. I don’t deserve him or his love for me. Hindi ako karapat-dapat na maging girlfriend niya. May tiwala ako sa kanya pero mukhang wala na akong tiwala sa sarili ko. Natatakot ako na masaktan ko lang siya ulit kapag pinagpatuloy ko pa ang relasyon namin. Mas mabuti na siguro kung masaktan siya ngayon para makapag-move on siya at kalimutan ako. Oo, mahal na mahal ko siya at gusto ko pang maging kami. Pero hindi na kaya ng konsensiya ko ang lokohin siya. Mahal ko siya. That’s why I’ll break up with him. I don’t want him to end up with someone like me.

“I trust you, Renz. But I don’t deserve your trust or even you,” sabi ko. Huminga ako ng malalim, “M-May kailangan akong aminin sa’yo…” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Kailangan ko ‘tong gawin. Alam ko na masasaktan siya pero mas masasaktan lang siya kapag pinatagal ko pa ‘to. Natatakot ako sa magiging reaction niya pero kailangan kong tanggapin ‘yun. Ako ang nagkamali.

“N-Niloko kita, Renz. W-With Michael…”

Tumingin ako sa kanya at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit at sakit.

“R-Renz, I’m sorry…” sinubukan ko siyang lapitan pero umatras siya. Para akong sinasaksak sa puso ng paulit-ulit sa sobrang sakit. Pero alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman niya.

Nagpalakad-lakad siya at ramdam ko na pinipigilan lang niya ang magalit sakin. Nagulat ako nang bigla niyang sinuntok ng malakas ‘yung pader. Sinuntok niya ulit iyon kaya mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso para pigilan siya.

“Bitawan mo ‘ko,” matigas niyang sabi.

“Renz, tama na… ‘Wag mong saktan ang sarili mo…” Ayoko nang ganito. Ayokong makita siya sa ganyang kalagayan kasi masakit para sakin lalo na’t ako ang dahilan.

Tumingin siya sakin at puno ng galit ang kanyang mga mata, “Kumpara sa sakit na binigay mo, wala lang ‘to.”

Susuntukin niya sana ulit ‘yung pader pero pinigilan ko siya, “Renz, wag… Ako na lang ‘yung saktan mo… Kahit sampalin mo ‘ko, ayos lang. Murahin mo ‘ko, kahit ano. Tatanggapin ko, Renz. Basta ‘wag mo lang saktan ‘yung sarili mo, please…” umiiyak kong sabi.

Marahas niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at humarap siya sakin, “Damn it, Zia! Tingin mo ba, magagawa ko ‘yun?! Tingin mo, kaya kitang saktan?! Hindi ko magagawa ‘yun sa’yo kasi mahal kita!”

Napaupo siya sa sahig habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha, “Bakit, Zia?” umiiyak niyang sabi at sapo niya ang kanyang noo. “Paano mo nagawa sakin ‘to? Bakit mo ‘ko niloko? Saan ba ako nagkulang? Hindi ba ako sapat? Hindi mo ba ako minahal, ha?”

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. At ang sakit dahil kasalanan ko ang lahat. Lumuhod ako at niyakap ko siya ng mahigpit, “I love you, Renz…”

“Pwede bang bitawan mo ‘ko?” walang emosyon niyang sabi. Umiling ako at mas hinigpitan ko ang yakap ko. Narinig kong bumuntong-hininga siya, “Zia. Bitawan mo ‘ko.”

Unti-unti akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at panay ang hikbi ko. “R-Renz, I—”

“Maghiwalay na tayo.”

There. He said it.

Tumingin ako sa kanya, “W-Wala na ba talaga? Kahit konti? Wala na?” humihikbi kong tanong. Ang sakit isipin na wala akong karapatang humingi ng isa pang pagkakataon dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to.

Pinahid niya ang kanyang luha, “Give me this one, Zia. Hayaan mong ako ang makipaghiwalay sa ating dalawa. Kahit ‘yun man lang, ibigay mo sakin. Masyado na ‘kong durog nang dahil sa’yo.”

Napayuko ako at wala pa ding tigil sa pagtulo ang luha ko, “A-Are you letting me go?”

“Yes.”

Tuluyan nang nadurog hindi lang ang puso ko, pati na rin ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko kalahati nang buhay ko ang nawala. But I know I deserve this.

Tumayo siya at nagulat ako nang nilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka tumayo. Binitawan na niya ang kamay ko at saka siya umalis. Sa simpleng pagbitiw niya ng kamay ko, parang binitawan niya na din ako at lahat-lahat ng pinagsamahan namin. At kasalanan ko ‘yun.

Wala na kami ni Renz at wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Wala rin akong planong ipagpatuloy pa ang relasyon namin ni Michael dahil lalo lang siyang masasktan kung pipilitin ko pa ang sarili ko na mahalin siya. Ayoko nang makasakit pa. Ayokong nakikita silang nahihirapan dahil sa kagagawan ko. Hirap pala nang ganito. Sana hindi ko na lang ‘to ginawa. Sana hindi ako naging makasarili. Sana masaya ako ngayon. Sana walang gulo. Sana walang nasasaktan. Sana hindi ako nag-iisa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s