One Shots

Ever Enough

Tumunog ang cell phone ko at tinignan kung sino ‘yung tumatawag. Mabilis ko itong sinagot.

“Hello, tita?”

“Ian? Si Mia? K-Kamusta na siya? A-Ayos lang ba siya dyan..?”

Tinignan ko si Mia na mahimbing na natutulog sa kama.

“Ayos lang naman po siya. Tulog pa po siya hanggang ngayon.”

Narinig ko siyang bumuntong-hininga, “Ikaw na bahala sa kanya, ha? ‘Wag mo siyang papabayaan. Alagaan mo siyang mabuti.”

“Yes po, tita. Ako na pong bahala sa kanya.”

“Pasabi na lang sa kanya na tawagan ako pagkagising niya. Salamat, Ian.”

“Your welcome po, tita,” naputol na ang linya.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Hinawi ko ang kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Bahagya siyang gumalaw at saka dumilat ang kanyang mga mata.

“Sorry. Nagising ba kita?”

Ngumiti siya, “Hindi naman.”

Inalalayan ko siyang umupo siya at kinuha ko ang gamot niya sa side table ng kama. Binigay ko ang gamot sa kanya at pinainom siya ng tubig, “Kain na tayo. Nagluto ako ng breakfast,” nginitian ko siya.

Tumango siya at saka ko siya binuhat. Lumabas na kami ng kwarto ko at pumunta sa dining table kung saan nakahanda na ang pagkain. Binaba ko siya sa upuan at nagsimula na kaming kumain. Hindi ko maiwasang manibago sa kinikilos niya. Dati, lagi niya akong kinukwentuhan ng kung ano-ano kapag magkasama kami. Pero ngayon, sobrang tahimik na niya. Nawala ‘yung pagiging madaldal at masigla niya. Hindi ko rin naman siya masisi dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya.

“Mia…” tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sakin.

“Tumawag pala ‘yung mama mo kanina…” panimula ko. Tinignan ko ‘yung reaksyon niya at napansin kong natigilan siya, “Tawagan mo daw siya,” nag-aalangan kong sabi.

She pursed her lips. I know hindi sila masyadong magkasundo ng mama niya ngayon. Kahit hindi sila masyadong close, kailangan pa rin nilang mag-usap kahit papano. And I think mas makakabuti para kay Mia na makausap ang mama niya. She is her mother’s daughter, after all.

“Mia,” I held her hand, “Please. She’s worried about you…”

Tumango siya at pilit na ngumiti, “Tapos na ako kumain. Uhm, t-tawagan ko lang si mama,” napayuko siya at nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.

Nginitian ko siya at saka ko siya binuhat ulit. Dinala ko siya sa kwarto at binaba siya sa kama, “Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, okay?” tumango naman siya at lumabas na ako ng kwarto.

Napabuntong-hininga na lang ako. Inaamin ko na nahihirapan ako sa kinikilos niya. Hindi ako sanay. Parang biglang nawala ‘yung Mia na nakilala ko. But I need to understand her. Hindi biro ang pinagdadaanan niya and I need to be there for her. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kanya.

Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ko ang mga plato. Nang matapos ako ay dumeretso ako sa kwarto ko. Bahagya itong nakabukas at sinilip ko si Mia sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at may kausap sa telepono.

“Ma, ok lang ako. ‘Wag ka na mag-alala.”

“Opo. Inaalagan naman ako ni Ian, e.”

“Ma, please,” pumikit siya, “Hayaan mo muna ‘ko. Kailangan ko ‘to. Uuwi din ako,” napansin kong may tumulong luha sa mga mata niya at mabilis niya din itong pinahid.

“Bye, ma. Love you,” binaba niya ‘yung telepono at bumuntong-hininga siya.

Pumasok ako sa kwarto at tinabihan siya, “Hey,” sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Tinignan niya ako at nakita ko sa mata niya ang pagod at lungkot. Muling tumulo ang luha niya, “Napapagod na ‘ko, Ian…”

“Shh… tahan na,” hinahaplos ko ang kanyang buhok. “Nandito lang ako, okay? Hindi kita iiwan,” hinalikan ko siya sa may ulo.

Tahimik lang siyang umiiyak hanggang sa naramdaman kong nakatulog ulit siya. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga at kinumutan siya. Humiga na rin ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Muli kong naalala ang araw na sinabi niya sakin ang lahat. It was 4 months ago when she told me about her condition.

“Babe…” tawag niya sakin habang nakasandal siya sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa park na malapit sa bahay nila.

“Hmm?” tanong ko habang sinusuklay ang kanyang buhok.

“Ano kayang pakiramdam ng hindi nakakalakad?”

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, “Saan naman galing ‘yang tanong na ‘yan?”

Umayos siya ng upo at hinarap ako, “Naisip ko lang. E ano kayang pakiramdam ng hindi makapagsalita?”

Napailing ako, “Seriously, babe. Ang weird ng mga tanong mo,” natatawang sabi ko. Ngumuso siya at pinisil ko ang pisngi niya, “Ba’t mo naman natanong ‘yang mga bagay na ganyan?”

Kumapit siya sa braso ko, “Naisip ko lang naman. Mamahalin mo pa kaya ako kung maging ganun ako?”

What’s with her? Hindi siya ‘yung tipo ng tao na magtatanong ng mga ganyang bagay. She was very optimistic. So, bakit siya mag-iisip ng ganun? It’s very unusual of her.

Tinignan ko siya ng seryoso sa mata, “What?” nagtataka niyang tanong.

“Mia, what’s with you?” I asked her seriously.

“Huh? Wala naman,” she pursed her lips and avoided my gaze.

Napabuntong-hininga ako, “You know very well that you’re not good at lying, are you?” napayuko siya and she started fidgeting with her fingers. I know something’s bothering her.

“Mia,” I said softly and held her face, “Please tell me what’s wrong? May ginawa ba ‘ko?”

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Maybe, because I’m anxious to what she will say? Natatakot ako na baka may nagawa o nasabi ako na nakasakit sa kanya. I don’t like it whenever she’s mad at me.

Umiling siya at napansin kong nanggigilid ang kanyang luha.

“Then, tell me. What’s wrong?” tinignan niya ‘ko at nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at saka siya umiyak ng umiyak. What’s happening to her? Nag-aalala na ako sa kanya.

“Hey…” hinarap ko siya sakin, “Mia, please tell me what’s going on?” I said as I wiped her tears. Sobrang naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.

“M-May sakit ako, Ian…”

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Parang bigla akong nabingi dahil sa sinabi niya. Tanging ang mga salitang ‘yun lang ang naririnig ko sa isipan ko. No. I can’t lose her. Marami na kaming pinagdaanan at dahil lang sa isang sakit, just one fucking illness, mawawala siya sakin? Hell no.

“And so?” seryoso akong nakatingin sa kanya.

Nagulat siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, “Ian, may sakit ako!” sigaw niya, “I’m dying, okay?! Hindi mo ba naiintindihan ‘yun?!”

Pinahid ko ang luha ko, “Naiintindihan ko, Mia. At hindi ko hahayaang mawala ka sakin. Aalagaan kita. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.”

Tumayo siya, “Bullshit, Ian. Sa tingin mo ba, magagawa mong alagaan ako?” Muling tumulo ang luha niya at ang sakit sakin na nakikita ko siyang nahihirapan. But I need to show her that I’m strong enough to stay with her even if she’s sick, “One day, I wouldn’t be able to walk or speak or even eat. Magiging pabigat lang ako sa’yo. And I don’t want that to happen. Y-You deserve someone better. ‘Yung kaya pang mabuhay ng matagal na panahon kasama ka. A-Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay and mahihirapan ka lang kung aalagaan mo—”

I shut her up by kissing her. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya. Na wala akong pakialam kung hindi man siya makapaglakad o makapagsalita. Gusto kong malaman niya na kasama niya akong lalaban sa sakit niya.

Tumigil ako sa paghalik sa kanya at idinikit ko ang noo ko sa noo niya. “Please, Mia. ‘Wag mo naman akong ipagtabuyan. Hindi kita iiwan,” I kissed her forehead, “Never.”

Simula nun, hindi na ako umalis sa tabi niya. Lagi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila para alagaan siya. Tuwing uuwi ako galing sa school, sa kanila agad ako dumederetso. I want to be with her every time. Natatakot ako kapag wala siya sa paningin ko. Pakiramdam ko kapag wala ako sa tabi niya, baka bigla na lang siyang mawala sakin. Ayokong mangyari ‘yun. Hindi ko kakayanin.

A few weeks ago, sinugod siya sa ospital. We found out na hindi na niya kayang maglakad. She couldn’t accept it. She would always ask kung bakit siya pa ‘yung nagkaroon ng ganung sakit. I want to help her. Gusto kong mabawasan ‘yung sakit na nararamdaman niya. Alam kong hirap na hirap na siya and I don’t want to see her suffering. That’s why I asked her family if she could stay with me habang wala pa akong pasok. Hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko, e. I just wanted to be with her all the time. I know I’m being selfish by wanting to keep Mia all by myself pero gusto ko siyang maalagaan hangga’t kaya ko.

“Ian…” natauhan ako nang marinig ko ang boses niya.

“Akala ko tulog ka na,” sabi ko at ngumiti siya. ‘Yung ngiti na bihira ko na lang makita simula nung magkasakit siya. I missed that smile.

Niyakap niya ako at siniksik niya ‘yung ulo niya sa leeg ko, “I’m sorry, Ian…”

Napailing na lang ako habang nakangiti. Kahit kailan talaga. Masyado siyang mabait. Ilang beses na siyang nagso-sorry at ilang beses ko na ring sinasabi na hindi niya kailangang mag-sorry. It is my choice to take care of her. There’s nothing she should be sorry for.

Hinarap ko siya sa sakin and I held her chin. I kissed her nose, “Alam mo naman siguro isasagot ko dyan, ‘di ba?” nakangiti kong sabi.

Natawa siya ng mahina at hinawakan niya ako sa pisngi. Napapikit na lang ako. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. I miss this. I miss those times na palagi kaming masaya. ‘Yung mga panahong magkasama naming pinaplano ‘yung magiging future namin. But, now? I don’t know anymore. I want to be with her. Always. Pero alam kong hindi na ‘yun mangyayari. Alam kong unti-unti nang humihina ang katawan niya. And it looks like, the Fates are not in our favor.

Now, I don’t even want to think what will happen in the future. I can’t lose her. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin. I can’t imagine my future without her. Biruin mo, ‘yung taong minahal mo, pinahalagahan mo ng higit pa sa buhay mo, at sa isang iglap lang, posibleng mawala sa’yo. Pero hindi ako susuko. I would do anything just to keep her alive.

Dumilat ako at nakita ko siyang nakangiti. Ipinagdikit ko ang noo naming dalawa at hinawakan ko ang kanyang pisngi. Nilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa labi. I closed my eyes as I felt my tears started to fall down. It was a gentle kiss. As if she was assuring me that she will never leave.

I felt her pulled away from the kiss and I opened my eyes, “I love you, Ian,” nakangiti niyang sabi. Napangiti ako at pinahid niya ang luha sa mga mata ko. Niyakap ko siya ng mahigpit, “I love you too, Mia. I’m always here for you.”

I don’t want to lose her. Never. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sakin. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay nang wala siya. Mawawalan ng saysay ang buhay ko kung hindi ko siya makakasama and I’ll do whatever it takes para lang makasama siya ng matagal. I know we’re going to get through this and I would never leave her.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s