One Shots

Forever Ain’t Enough

Tinignan ko ang resume na nakapatong sa table ko at hindi ko mapigilan ang mapangisi.

Elizabeth Marie Santos…

Finally, dumating din ang araw na ‘to. After 4 years, magkikita ulit kami. I can’t wait to see her. Nagbago ba siya? Naaalala niya pa kaya ako? Kinakabahan ako. I know I’ve been waiting for this day for a long time, pero mahirap pala kapag andun ka na mismo sa sitwasyon.

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok ang secretary ko na si Vince at saka siya kumatok. Siraulo talaga ‘tong kaibigan ko.

“Kumatok ka pa.” sabi ko sa kanya.

Nasa may pintuan lang siya at nakangiti ng nang-aasar, “She’s here.”

Poker face lang ako pero sa loob-loob ko, nagwawala na ang puso ko. Of course, as CEO, I need to be professional. Kailangan ko ipakita na this is just business. Nothing more, nothing less.

“Let her in,” sambit ko.

“Kilig ka?” asar niya.

Napatawa ako ng mahina, “Gago.”

Tumawa siya at saka umalis para tawagin siya. Habang naghihintay, inikot ko ‘yung swivel chair patalikod kung saan ako nakaupo at pumikit sandali para pakalmahin ang sarili ko. Ano kayang magiging reaction niya? Matutuwa kaya siya? Sana naman. Kasi ako, sobrang saya na sa wakas, makikita ko ulit siya.

Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan at ilang sandali ay narinig ko din ang pagsarado nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bwisit. Para akong high school na kinikilig. Tangina nakakabakla.

“Good morning, sir,” dinig kong sabi niya. Hindi pa din ako humaharap sa kanya. Shit talaga. Parang biglang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Inikot ko ‘yung swivel chair paharap. Napatakip siya ng bibig habang nanlalaki ang kanyang mata. Gusto kong matawa sa reaction niya pero pinipigilan ko lang.

“Is there something wrong, Ms. Santos?” seryosong tanong ko sa kanya. Kailangan ko maging seryoso. Mahirap na.

Na-conscious siya bigla at inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa kanyang bibig, “X-Xavier…? A-Anong ginagawa mo dito…?” nauutal niyang sabi.

“Well, I’m the acting CEO of this company in place of my father. Do you have any problem with that?” Ang hirap mag-seryoso sa ganitong sitwasyon.

“N-Nothing, sir…” pilit niyang iniiwas ang tingin niya sakin. Ibig sabihin ba nito, apektado pa rin siya sakin? Aba mabuti naman. Sa gwapo kong ‘to, imposibleng hindi.

“Have a seat, Ms. Santos.”

Para siyang nabato dun sa kinatatayuan niya. Ganun ba siya kagulat na makita ako? I don’t know if that’s a good thing or not. Tumikhim ako, “I said, have a seat,” tinignan ko siya ng seryoso at natauhan naman siya. Umupo siya dun sa upuan na kaharap ng table ko.

“So, are you ready for the job interview, Ms. Santos?”

“Y-Yes, sir…” hindi niya pa din ako tinitignan.

“Are you bothered?” tanong ko. Kung sabagay, biglaan mo ba naman makita ang ex mo sa ganitong sitwasyon, magugulat ka talaga.

Parang nag-aalinlangan pa siyang sagutin ‘yung tanong ko. Naiintindihan ko naman, e. Kasalanan ko din kasi ‘to. Sa huli ay tumango rin siya at napayuko.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya, “I’m sorry.”

Napatingin siya sakin, “H-Ha?”

I’m sorry for leaving you.

“It was my fault,” seryosong sabi ko, “I know you are under the impression that my father would be the one to interview you. But unfortunately, he still has some matters to attend to so he asked me to take over his position for the mean time. You should’ve known that it was going to be me who will interview you. I mean, considering our past, it’s going to be slightly, you know…” I trailed off. Alam naman niya ‘yun. Ngayon pa nga lang, awkward na, e. Paano pa kaya kapag nagtrabaho na siya dito?

Tumango-tango siya, “I’ll ask my father if he could be the one who will interview you. You may go.”

“P-Pero, sir… O-Okay lang naman po sakin kung kayo ‘yung mag-iinterview sakin…” nauutal niyang sabi.

“Liz.”

Napatingin siya sakin ng tawagin ko siya sa nickname niya. Sana pwede kaming bumalik sa dati.

I really miss her.

Ngumiti ako sa kanya, “It’s okay. You can go. My secretary will contact you once my father is here.”

Matipid siyang ngumiti, “T-Thank you, sir…” lumabas na siya sa loob ng opisina ko.

Napasandal ako sa upuan. Bad trip. Ang hirap kontrolin nung nararamdaman ko. I miss her so much at gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko ring mag-sorry sa kanya sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.

I want her back pero natatakot ako na ma-reject.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Vince, “What’s up, bro?” sinarado niya ang pintuan at umupo sa upuan na kaharap ng table ko. Mang-iintriga na naman ang isang ‘to, “How’s the meetup with your ex?” nakangisi niyang tanong. Kalalaking tao, chismoso.

I shrugged, “It’s fine.”

“‘Yun lang?”

“Oo.”

“Mahal mo pa rin?”

“Oo naman. I won’t go this far if I don’t love her.” sabi ko. Totoo namang mahal ko pa rin siya. At ang sakit lang dahil na-realize ko ‘yun nung wala na siya sakin.

Tumingin ako sa relo ko, “It’s already 11. You can guys have your lunch.”

“Hindi ka sasabay sakin?”

“Nope. I have plans.”

“Alright. You’re the boss,” at saka siya umalis. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at saka umalis na rin. Dumeretso ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at saka nag-drive papunta sa isang restaurant. Pansamantala kong itinigil ang sasakyan dahil sa traffic at napansin ko ang isang babae na nakaupo sa isang bench sa sidewalk. Pinagmasdan ko ang babae mula sa bintana ng kotse ko.

Si Elizabeth.

Tinanggal niya ang high heels niya at hinilot ang kanyang paa. Natawa ako ng mahina. Hindi kasi siya mahilig magsuot ng high heels maliban na lang kung kailangan talaga. May pagka-boyish din kasi siya kung kumilos. Patuloy niyang hinihilot ang kanyang paa at wala siyang pakialam kahit nakapalda lang siya. Kahit kailan talaga ‘tong mahal ko.

Lumabas ako ng kotse at pinuntahan siya, “Hey.”

Lumingon siya sakin at nanlaki ang kanyang mga mata. Lagi na lang siyang nagugulat kapag nakikita ako, “S-Sir…?”

“Get in.”

“Po? H-Hindi na po. Nakakahiya, e…”

Ngumiti ako, “Sige na, sumakay ka na.”

Nagngi-ngitian ang mga tao sa paligid at napayuko siya dahil siguro sa hiya. Kinuha ko ‘yung shoulder bag niya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Naalala ko nung kami pa, ako rin ang nagdadala ng bag niya, “Let’s go?”

Tumango siya at saka sinuot ‘yung heels niya. Tumayo siya at pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse. Pumasok siya sa loob at umikot ako papunta sa driver’s seat.

“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya habang nagmamaneho.

“H-Hindi pa po, sir…”

Saglit ko siyang tinignan at muling kong ibinalik ang tingin sa daan, “‘Wag mo na akong tawaging sir. Wala tayo sa trabaho.”

“P-Pero—”

“Liz,” putol ko sa sasabihin niya, “Please?”

Pwede ba tayong bumalik sa dati?

Narinig ko siyang bumuntong-hininga, “S-Sige… Xavier.”

Napangiti ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

Kung maibabalik ko lang sana ang lahat.

“Saan mo gusto kumain?” tanong ko.

“Kahit saan, ayos lang sakin.

“Sa condo ko, gusto mo?”

“What?!”

“Shit!”

Nagulat ako sa sigaw niya kaya hininto ko ang sasakyan sa gilid.

Tinignan ko siya, “Liz, bakit ka ba sumisigaw?” kalmado kong tanong. Ano bang problema niya?

“Bakit sa condo mo ko dadalhin?! Anong tingin mo sakin, ha?!”

What the… Kung ano-ano ang nasa isip niya.

Nilapit ko ‘yung mukha ko sa mukha niya, “H-Hoy, a-anong ginagawa mo?”

“Ano sa tingin mo gagawin natin?” seryoso kong tanong.

Namula ang mukha niya at umiwas ng tingin. Ang cute niya talaga.

“T-Tumigil ka nga…”

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang simple niyang tignan. Walang pinagkaiba sa Elizabeth na nakilala ko dati at patuloy kong minamahal. Naalala ko nung una ko siyang nakita sa school. Nasa library siya ng mga panahong ‘yun at nagbabasa. Unang kita ko pa lang sa kanya, na-attract agad ako sa kanya. Hanggang sa napansin ko na lagi ko na pala siyang inaabangan sa library. Ang torpe ko pa nun. Months passed bago ko siya nakausap ng personal.

My gaze fell to her lips and I swallowed hard. Her lips are so inviting and I badly want to kiss her right here, right now. Pero alam kong hindi pwede kaya bago ko pa siya tuluyang mahalikan, lumayo na ako sa kanya, “Kakain lang tayo. Ano bang nasa isip mo?” nakangisi kong tanong.

Sumimangot siya, “E bakit kasi sa condo mo?”

“Para tipid.”

Tinaasan niya ako ng kilay, “Ang yaman-yaman mo tapos magtitipid ka?” mataray niyang tanong.

“Ang dami mo namang tanong,” natatawang sabi ko at saka pinaandar ko na ulit ‘yung kotse. Masama ba kung gugustuhin ko siyang makasama kahit sa ganitong paraan man lang?

Narating na namin ang condominium kung saan ako nakatira. Bumaba na ako sa kotse at pagbubuksan ko sana si Liz kaso bumaba na rin pala siya. Binigay ko sa valet ‘yung susi ng kotse at pumasok na kami sa loob ng building.

Nandito kami sa tapat ng elevator habang hinihintay na magbukas iyon. Nilingon ko siya, “Adobo?” nakangiti kong tanong. Favorite niya kasi ‘yun, e.

Napalingon siya sakin at ngumiti ng malawak, “Talaga?” tumango ako at pumalakpak siya na parang bata. Natawa ako at bumukas ang elevator. Pumasok kami sa loob ng elevator at pinindot ko ‘yung 29th floor button.

“Hindi ka naman excited, ‘no?” natatawa kong sabi.

Tumawa siya, “Excited kaya ako. Ang tagal ko na kayang hindi natitikman luto mo,” tumingin siya sakin. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi at umiwas ng tingin. Base sa reaksyon niya, parang may nasabi siyang hindi dapat. Bumuntong-hininga ako. Oo, kasalanan ko pero hindi ko mapigilang masaktan.

Pagkatapos nun ay wala nang nagsasalita saming dalawa.

Ang awkward.

Ngayon nagsisisi na ako kung bakit nasa 29th floor ang unit ko.

Ilang sandali ay bumukas ang elevator at lumabas na kami. Nandito kami sa tapat ng unit ko at nilagay ko ‘yung password. Tumunog iyon at saka ko binuksan ang pintuan. Pumasok kami sa loob, “Magluluto lang ako ah?” tumango siya at matipid na ngumiti.

Pumunta ako sa kitchen at naghanda ng lulutuin. After an hour, hinanda ko na ‘yung mga pagkain sa dining table.

“Liz?” tanong ko sa kanya pagkatapos naming kumain. Nandito kami ngayon sa living room at nanonood ng tv. I asked her kanina kung pwede siya mag-stay kahit saglit lang. Buti na lang, pumayag siya.

“Hmm?” nilingon niya ako.

“Uh, how are you?” Ang baduy.

Nginitian niya ako, “Ayos lang naman. Ikaw?”

“Ayos lang din.”

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong pag-usapan ‘yung tungkol samin pero baka ayaw niya. Hirap naman nito. Ang dami kong gustong sabihin pero ni isa walang lumalabas sa bibig ko. Now I know how it feels to let go of someone and in the end, you’ll suddenly realize how important she is. You’ll realize how much you love her. That you can’t live without her.

“Uhm, Xavier? Alis na ‘ko ah? Thank you,” ngumiti siya at akmang tatayo na siya pero hinawakan ko siya sa wrist niya, “Liz, wait.”

Tumingin siya sakin, “Ano ‘yun?”

Napatingin ako sa kamay niya at bahagya akong nagulat sa nakita ko. On her ring finger, is ‘yung singsing na binigay ko sa kanya on our 3rd anniversary. Suddenly, I found myself reliving that moment. That moment when everything was perfect. That moment before everything went wrong.

Nandito ako sa kwarto ni Liz at naghihintay sa pagdating niya. Sobrang excited na ako. Ilang minuto na lang at 3rd anniversary na namin. I’m planning to surprise her. I’m sure padating na siya together with her family. I asked her family na ilabas muna si Liz to prepare my surprise for her. I filled her room with balloons with pictures of her and us at the end of each string. Meron ding pillar candles na nakapalibot sa kwarto niya.

Ilang sandali ay narinig ko ang sasakyan nila sa labas at sumilip ako sa bintana. Bigla akong kinabahan. Sana magustuhan niya ‘yung surprise ko. Pinatay ko ‘yung ilaw at lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa kabilang kwarto. I closed the door ajar para makita ko siyang papasok ng kwarto. I saw her na nakaakyat na dito sa floor where her room is. Lumayo ako sa pinto at pinakiramdaman kung papasok na siya sa kwarto niya. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas niya ng pintuan at saka ako lumabas ng kwarto.

I saw her jaw dropped by the sight of her room. I hugged her from behind, “Happy anniversary, baby.”

Humarap siya sakin at nakita kong maluha-luha na siya. Niyakap niya ako ng mahigpit and I hugged her back, “Thank you, baby. Happy anniversary din.”

I pulled away from the hug but I kept my hands around her waist, “Did you like it?”

Nginitian niya ako, “Nope,” she put her arms around my neck and gave me a peck on my lips, “I love it.”

I smiled at her and kiss her on the lips. She responded immediately and her lips are soft and sweet. The way she kiss me is very intoxicating. I can’t get enough of her. Sa bawat halik niya, ramdam ko ‘yung pagmamahal niya. It feels like the first time every time we kiss.

May narinig akong tumikhim kaya napahiwalay kami ni Liz sa isa’t-isa. Lumingon ako sa may pintuan and I saw her dad and older brother standing there while seriously looking at us. Liz buried her face at the back of my shoulder and I smiled a bit.

“Baka kung saan pa ‘yan mapunta, ha? May tiwala ako sa’yo, Xavier,” sabi ng daddy niya.

“Yes po, tito.”

Umalis na ang daddy ni Liz at naiwan sa may pinto ang kuya niya. Lumapit siya samin at tinapik ako sa balikat, “Alagaan mo kapatid ko bayaw ah?” nakangisi niyang sabi.

Natawa ako sa sinabi niya. Buti na lang, boto siya sakin para sa kapatid niya, “Oo naman, bayaw.”

Umalis na rin ang kuya niya at kami na lang ni Liz ang naiwan sa loob, “Nakakahiya, baby…” nakasimangot niyang sabi.

Tumawa ako, “Wala namang masama dun, e. Magiging mag-asawa din naman tayo.”

Tumaas ang isa niyang kilay, “At paano ka naman nakakasigurado?”

Ngumiti ako at kinuha ang isang maliit na box. Binuksan ko iyon at kinuha ang isang singsing. Nilapag ko sa side table ‘yung box at hinawakan ko ang isang niyang kamay. Gulat na gulat siyang napatingin sakin at napansin kong nanggigilid ang kanyang luha, “Xavier…”

Sinuot ko sa daliri niya ‘yung singsing at tinignan siya sa mata, “I know I’m not a perfect boyfriend. There are times na ako ‘yung dahilan kung bakit ka nagiging malungkot o umiiyak kahit na ako dapat ‘yung nagpapasaya sa’yo.”

I held her face and wiped the tears from her eyes, “Pero gusto kong malaman mo na lagi akong nandito sa tabi mo at hindi kita iiwan. I won’t promise na hindi kita masasaktan kasi alam kong hindi maiiwasan ‘yun. All I know is, I want you in my life and I’ll do anything to keep you in it. I will love you forever, Liz.”

Ngumiti siya, “I love you, baby.”

Nginitian ko din siya at hinalikan siya sa labi, “I love you too.”

“X-Xavier…?”

Natauhan ako bigla nang marinig ko ang boses niya. Napatingin ako sa kanya at may halong pag-alala sa kanyang mukha, “A-Ayos ka lang ba? B-Bakit ka umiiyak…?” What?

Nilagay ko sa pisngi ko ang kamay ko at nagulat ako ng maramdamang basa ito. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa naalala ko. Sobrang sakit pa rin pala talaga. Karma ko siguro ‘to.

Lumapit pa sakin si Liz at halos magdikit na ang mga braso namin, “Xavier, ano nangyayari sa’yo? Ayos ka lang?”

Tumingin ako sa mga mata niya. Dati, ‘yan ‘yung mga mata na punong-puno ng pagmamahal para sakin. Hanggang sa unti-unting napalitan ng lungkot at sakit. Na ako ang may dahilan.

“Suot mo pa rin…” bulong ko.

“Huh?”

Tumingin ako sa kanya, “‘Yung singsing na binigay ko… na sa’yo pa rin.”

Umiwas siya ng tingin at saka siya tumayo, “A-Alis na ‘ko.”

“Ikaw pa rin, Liz…” natigilan siya sa paglalakad at muling tumulo ang luha ko, “Ikaw pa rin ang mahal ko…”

Pinahid ko ang luha ko at tumayo. Nilapitan ko siya at niyakap siya mula sa likod. Patuloy lang sa pagtulo ng luha ko, “I’m sorry, baby…”

“X-Xavier…”

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, “Mahal kita. Mahal na mahal…”

Inalis niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at humarap siya sakin. Para akong pinapatay sa sakit nang makita ko siyang umiiyak, “Mahal? Pagkatapos mo akong iwan at saktan, sasabihin mong mahal mo ako?” umiiyak niyang sabi.

Napayuko na lang ako at hindi umimik. Ang gago ko para iwanan siya. Siguro nga hindi na kami pwede. Mahal ko siya at ayoko nang makitang nasasaktan siya ng dahil sakin.

“Alam mo, matatanggap ko pa kung may iba ka na, e…” humihikbi niyang sabi, “Pero hindi, e. Iniwan mo ‘ko kasi nagsawa ka na. Kasi ayaw mo na…”

Siguro dapat hindi na ako nagpakita pa sa kanya. Edi sana hindi na bumalik ‘yung sakit na nararamdaman niya.

Niyakap ko na lang ulit siya ng mahigpit. Umaasa ako na baka kahit papano mabawasan ‘yung sakit na nararamdaman niya.

“Xavier, ano bang ginawa ko…? B-Ba’t mo ko iniwan…?” patuloy siyang umiiyak at ang sakit na makita ko siyang nagkakaganyan ng dahil sakin.

“Liz…” I held her face, “‘Wag mong isipin na may ginawa ka or may pagkukulang ka kasi wala kang kasalanan, okay?” pinahid ko ang kanyang luha, “Masyado kasi akong naging gago, e. At pinagsisisihan ko ‘yun. Sobra.”

Nakatingin lang siya sakin at hindi nagsasalita, “I thought my love for you was gone,” mapait akong ngumiti, “pero hindi pala.”

They say, “You’ll never know what you had until it’s gone.” But for me, I knew exactly what I had—a loving and understanding girl, strong but fragile at the same time.

“I won’t blame you if you don’t believe in me anymore. Bakit ka nga ba maniniwala sa isang taong nanakit sa’yo?” pilit akong tumawa.

I thought I would never lose you, Liz.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, “But, Liz… Mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita… And I want us to be together again,” tinignan ko siya ng deretso sa mata, “Do you still love me?” my voice broke.

Hindi siya sumagot at hindi niya rin ako tinitignan. I guess this is a sign na kailangan ko nang tumigil. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapait, “I guess not…” hinalikan ko siya sa noo at saka tumayo. Hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay bigla niya akong niyakap mula sa likod.

“Liz—”

“I-Iiwan mo na naman ba ako?” umiiyak niyang sabi.

Humarap ako sa kanya, “H-Hindi pa nga ako sumasagot, e…” sabi niya, “Tsaka wala naman akong sinabing hindi na kita mahal…”

“Liz…” hinawakan ko siya sa pisngi.

“Kahit kailan, hindi nawala ang pagmamahal ko para sa’yo. Kahit iniwan mo ‘ko, mahal pa rin kita. Mahal na mahal…”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa labi. God, I missed her so much. Hindi ko inakala na mangyayari pa ‘to. I never thought she would gave me another chance to prove that I love her. And I’ll make sure that this time, I would never dare leaving and hurting her again. This time, I would be a better man for her.

I deepen the kiss and I gently bit her bottom lip. She gasped and I put my tounge inside her mouth. Naramdaman kong tinapik niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya kaya napadilat ako ng mata.

“What?” nakangisi kong tanong.

“Kakabati pa lang natin ah…” nakasimangot niyang sabi.

Napatawa ako, “Mabilis ba?” hinalikan ko siya sa noo, “Next time na nga lang,” nakangiti kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya pabalik, “I love you, Xavier…”

I pulled away from the hug and I brush off the strands of her hair.

“I.”

I kissed her forehead.

“Love.”

I kissed her nose.

I smiled at her and I gave her a peck on her lips.

“You.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s