One Shots

Wish You Were Here

Dear Ericka,

I don’t even know why I’m writing this letter. E alam ko naman na hindi mo ‘to mababasa. Maybe, I just missed you. I missed the times when we were together. Those happy and sad moments that we’ve shared. I missed all of those. We were together for as long as I can remember. Halos hindi nga tayo mapaghiwalay, e.

Nung mga bata pa tayo, I would always go to your house para maglaro buong araw. Kapag may mga nambu-bully sa’yo, inaaway ko. Iyakin ka kasi, e. And I don’t want to see you crying. At that time, hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kung bakit gusto kong lagi nasa tabi mo at kung bakit ayoko nakikita kang umiiyak. Of course, bata pa lang tayo, e. What do I know, right?

Then we started to go to school. Ganun pa din. Palagi pa rin tayong magkasama. Kung nasan ka, andun ako. Kung nasan ako, andun ka din. Kulang na nga lang umuwi tayo sa iisang bahay, e. Nung graduation natin ng elementary, I was happy and sad at the same time. Masaya ako kasi naka-graduate tayo ng magkasama. Malungkot kasi sabi ng papa mo lilipat daw kayo ng bahay. That was the first time na magkakahiwalay tayo. You kept on crying nung nalaman mo ‘yun. Then, I convinced my parents na i-enroll ako sa school na papasukan mo. At first, they were against it. Pero pumayag din sila. Ang saya-saya mo nung nalaman mo na sa iisang school na tayo mag-aaral.

Hindi rin kasi kita matiis, e.

Kaya kahit malayo, ayos lang, basta kasama kita.

High school. Sabi nila, masaya daw ang high school life. Marami daw activities at magkakaroon ng new friends. But I was afraid, actually.

Paano kung magkaroon ka na ng ibang kaibigan?

Paano kung hindi na tayo ‘yung palaging magkasama?

Natatakot ako na baka isang araw hindi mo na ako pansinin kasi may mga bago ka nang kaibigan. But still, I didn’t deprived you from having other friends. And surprisingly, kahit na may mga bago kang kaibigan, palagi pa rin tayong magkasama. Kapag may pupuntahan ka kasama sila, sinasama mo din ako. I felt happy. Pakiramdam ko kasi mahalaga ako sa’yo. Lagi nga nila tayong inaasar kung tayo daw ba, e. Hindi kasi tayo mapaghiwalay. We deny it. Syempre alam naman natin na magkaibigan lang tayo. But, I don’t know. Every time I deny it, may part sakin na nagsasabi na gusto kita.

I was confused.

Because of that, I distanced myself from you. I know na hanggang kaibigan lang ang turing mo sakin. Sabi nga nila, “Bawal tumawid sa bestfriend, nakakamatay.” Kaya lumayo ako. Kasi alam kong hindi pwede. Hindi tayo pwede. Alam mo kung bakit?

Kasi bestfriend mo lang ako at may gusto kang iba.

Oh ‘di ba ang saya? Tinitiis ko lagi kapag sinasabi mo sakin ‘yung mga bagay tungkol dun sa lalaking gusto mo.

Martyr ba? Pasensya na, mahal kita, e.

Then you found out that that guy has a girlfriend. Nasaktan ka. Kanino ka tumakbo? Sakin. Nung umiiyak ka at sinasabi mo sakin na sana ikaw na lang ‘yung naging girlfriend niya, ang sarap sabihin sa’yo na:

“Bakit ka ba nagpapaka-tanga dun? E nandito naman ako.”

Kaya lang hindi pwede. Ayokong malaman mo ‘yung nararamdaman ko kasi ayokong masira ang friendship natin. Isa pa, wala rin mangyayari kung sasabihin ko ‘yun sa’yo.

Nakakatawa nga, e. Lumayo ako sa’yo pero parang wala ding nangyari. I can’t help myself to be with you. Hindi kita matiis. Hindi ko magawang mainis sa’yo kahit may iba kang mahal.

Siguro nga mahal na kita.

Pero wala akong balak sabihin sa’yo ‘to. Kilala kita, e. Kapag nalaman mong may gusto ako sa’yo, siguradong lalayo ka.

3rd year high school. Malungkot ka kasi wala kang ka-partner sa prom. Then again, ayokong nakikita kang manlungkot kaya tinanong ko lahat ng kakilala kong lalaki kung pwede silang maging partner mo. Pero lahat sila, may mga partner na. I came up with an idea na alam kong magiging mahirap para sakin. I asked you to be my date. Para sa isang taong gustong kalimutan ang nararamdaman niya, sobrang hirap gawin ‘to. Akala ko maiinis ka nung niyaya kita. Naisip ko kasi na baka nagsasawa ka nang kasama ako. Baka isipin mo na “Ano ba ‘yan? Ikaw na lang palagi.” Kaya natuwa din ako ng makita kang masaya. Niyakap mo pa nga ako sa sobrang saya mo, e.

Prom Night. Ewan ko kung anong sumapi sakin at naisipan kong umamin sa’yo. Siguro kasi hindi ko na kayang itago ‘to. Hindi ko kayang magpanggap na hindi kita mahal kahit ang totoo, mahal na mahal kita.

Aamin ako kasi gusto kong malaman mo.

Hindi dahil sa gusto kong suklian mo ‘yung nararamdaman ko.

Ayokong pilitin ka na mahalin ako. Kasi mas mahalaga sakin na makita kang masaya. Hindi man sakin, kahit sa iba ka magkagusto, ayos lang. Basta masaya ka.

Mahal kita, e.

Kaya kahit masaktan ako, ayos lang.

“I love you, Ericka.” sabi ko sa’yo.

You smiled and said, “I love you too.”

I should be happy. Because you said those words. But I know better. That you only love me as your bestfriend. After that, hindi na ako naglakas-loob na ulitin pa sa’yo ‘yung mga salitang ‘yun. Masakit kasi. Lalo na’t alam ko na hindi tayo pwede.

4th year high school. The happiest and saddest moments of my life happened. I’m happy because you found your happiness. The saddest part? It’s not with me. Finally, napansin ka din nung lalaki na matagal mong gusto. He courted you and eventually naging kayo. Masaya ako para sa’yo. Hindi ko lang mapigilang masaktan. Pero kasalanan ko din, e.

I fell for you… hard.

Hirap maging bestfriend. Akala ko tulad pa din tayo ng dati kapag nagka-boyfriend ka na. Promise mo pa nga ‘yun, e.

Kaya lang, anong nangyari?

Wala.

Wala na.

Hindi mo na ako masyadong pinapansin kasi andyan na siya. Sabi mo kasi ayaw mo siyang magselos. Syempre, ako si tanga, ayos lang. Basta para sa’yo. Mahal kita kahit ang manhid mo. Mahal kita kasi ikaw ‘yan.

I miss you, Ericka. Sana bumalik tayo sa dati. Kahit may boyfriend ka na, sana mag-bestfriend pa din tayo. Yes, I love you more than as a friend. But I won’t let that ruin our friendship. Please, Ericka. Gusto ko lang bumalik ‘yung bestfriend ko.

Your bestfriend,

Aeron

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko habang binabasa ko ‘yung sulat. Sobrang nagsisisi ako ngayon dahil hindi ko nasabi sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin. Ang daming pagkakataon na pwede kong sabihin ang lahat, na pwede akong umamin. Pero hindi ko nagawa. Kung kailang may lakas na ako ng loob, saka siya nawala.

Wala na siya. At hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.

“Bakit mo ‘ko iniwan…?” umiiyak kong sabi habang nakatingin sa lapida ni Aeron.

It’s been a year since that day. Hanggang sa huli, kapakanan ko pa din ang iniisip niya. My ex-boyfriend and I broke up on that day. Naglalakad ako nun sa daan at hindi ko napansin ang isang kotse na paparating. Aeron saved me. Pero kapalit naman nun ay ang buhay niya.

“Bakit ngayon pa, Aeron…? Bakit kung kailang alam ko na ang lahat…?” Little did he know, our feelings were mutual. I also love him the way he loved me. Natakot lang ako na masira ang friendship namin kaya hindi ko pinapakita na mahal ko siya. But now, nagsisisi ako na hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko din siya.

“I love you, Aeron… Nami-miss na kita…”

If only I could turn back time, I would tell him that I love him. I miss him so much. Dati, tuwing umiiyak ako, siya ‘yung nagpapatahan sakin. Kahit minsan ako ‘yung may kasalanan, siya ‘yung magso-sorry para hindi kami mag-away. Everyday, I was wondering how could I live without him. Behind my smiles, is a lonely girl, who regrets not having to say ‘I love you’ to the one she loves for a long time. He was always there for me. But I was never been there for him.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s