One Shots

Almost Is Never Enough

A/N: This is written in second-person narrative.

Have you ever wondered what would happen if we’re still together? Kasi ako? Oo. Palagi.

I’m currently here in a coffee shop doing my work. Hindi kasi ako maka-concentrate sa bahay kaya dito ko na lang ginagawa trabaho ko. Coffee has always been my companion. Every time na stressed ako sa trabaho, lagi akong pumupunta dito. Nakaka-relax kasi ‘yung scent ng caffeine at ambiance ng place. Isa pa, this place holds a lot of memories about us.

Ewan ko ba at hindi ko magawang i-let go ‘yung past. Ikaw. Hindi kita mabitawan. Para akong tangang pilit na binabalikan ang lahat. Siguro kasi nasasayangan ako sa lahat ng meron tayo noon. Bigla na lang rin kasi nawala, e. One day, I love you then the next thing I knew, I got tired of everything. Ang sama ba? Sorry ah? Hindi ko rin alam kung bakit ko iniisip ‘to, e. Parang may part sakin na nagsasabi na mahal pa rin kita kahit matagal na tayong hiwalay.

Sinara ko ang laptop at napabuntong-hininga na lang.

Stop it, Kim. Wala ka namang mapapala kung iisipin mo pa siya. Hindi na kayo, okay? Kaya ‘wag ka nang umasa. ‘Wag mo nang isipin ‘yung mga ‘what ifs’ na ‘yan kasi masasaktan ka lang.

Pero as usual, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na isipin ka at ang naging relasyon natin.

Ano nga bang nangyari satin? Bakit tayo nagka-ganito? Bakit tayo naghiwalay? Halos araw-araw kong iniisip kung anong mga sagot sa tanong na ‘yan pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam. Minahal naman kita.

‘Di ba?

Nakakatawang isipin ‘no? Parang pinapaniwala ko lang sarili ko na mahal kita. Kahit hindi. Pero alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal kita. Sa paraang alam ko. Minsan nga naiisip ko na siguro hindi tayo para sa isa’t-isa. ‘It’s-us-against-the-world’ kasi ang peg ng relasyon natin, e. Alam mo sa totoo lang, nanghihinayang ako satin. ‘Yung naging tayo. Ang bilis ko kasing sumuko. Ni hindi ko man lang sinubukang ipaglaban kung anong meron tayo.

Napahinga ako ng malalim at napako ang tingin ko sa isang banda. Napansin ko ang isang pamilyar na lalaki sa may counter. Tindig pa lang alam ko na. Alam ko na na ikaw ‘yun. Para namang walang nagbago sa’yo. Gwapo ka pa rin. Walang pinagkaiba sa lalaking nakilala at minahal ko. ‘Yung mga ngiti mo? Natatandaan mo pa kaya? Na palagi kang ngumingiti sa akin ng ganyan? ‘Yung ngiting abot tenga. Kaya lang…

Nakakalungkot dahil hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti mo ngayon.

Siya na, hindi ba? ‘Yung babaeng kasama mo ngayon? Imposible namang kaibigan mo lang siya. Iba kasi ‘yung tingin mo, e. Dati, ako lang ang tinitignan mo ng ganyan. Pero ngayon, siya na. Hindi ko alam kung masasaktan ako o magiging masaya, e. Kasi finally, naka-move on ka na. Gusto kitang maging masaya. Ganun naman talaga dapat ‘di ba? Dapat masaya ako kasi masaya ka na. Nung huli kasi tayong nagkita, umiiyak ka. Umiiyak ka kasi sinabi kong ayoko na. Humingi ka ng isa pang pagkakataon pero hindi ako pumayag. Ewan ko ba. Parang bigla akong nagsawa? Ang babaw, ‘di ba? Dahil lang dun, bumitaw ako kaagad. Oo, mahal kita. Pero hindi katulad ng pagmamahal na binibigay mo sakin. Ayokong maging unfair sa’yo kaya ako nakipaghiwalay. Akala ko magiging okay ang lahat. Akala ko gagaan ang pakiramdam ko.

Pero akala ko lang pala.

Simula nung naghiwalay tayo, mas lalo lang akong nahirapan. Nasanay na kasi ako na lagi kang nasa tabi ko, e. Kaya nung nawala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakatawa, ‘di ba? Ako ‘yung nakipaghiwalay pero parang ako pa ‘yung nasaktan sa ginawa ko. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na balikan ka kasi baka mas lalo kang masaktan. Baka isipin mo na pinaglalaruan lang kita. Kaya hindi ko na tinuloy. Kasi wala rin namang mangayayari. Isa pa, ang saya mo na nga ngayon, e. Naunahan mo pa ako sa pagmo-move on kahit ako pa ‘yung unang bumitaw.

Pilit kong inaalis sa isip ko ‘tong nararamdaman ko. Alam ko namang sakit lang ang aabutin ko dito. Kahit ngayon. Mas doble pa nga ang sakit kasi iba na ‘yung kasama mo. Hindi na ako. At hindi na magiging ako. Alam kong wala akong karapatan na maramdaman ‘to kasi ako naman ‘yung may kasalanan ng lahat. Kung ipinaglaban lang kita, kung hindi ako sumuko agad, hindi ‘to mangyayari. Hindi ako masasaktan ng ganito.

Mapait akong napangiti dahil sa mga naiisip ko.

Heto ka na naman Kim, e. Iniisip mo na naman ‘yang mga ganyang bagay. Tigilan mo na. Kaya hirap na hirap kang mag-move on, e. Walang mangyayari sa’yo kung babalikan mo pa ‘yung nakaraan. Kaya nga nakaraan na, ‘di ba? Kasi tapos na.

Muli akong napatingin sa’yo. Magkatabi kayo sa upuan ng girlfriend mo. Nakaakbay ka sa kanya at masaya kayong nag-uusap. Hindi ko mapigilang maingit. Ang sweet niyo kasi, e. Kitang-kita sa mga mata niyong dalawa na mahal na mahal niyo ang isa’t-isa.

Ilang sandali ay tumayo na kayong dalawa at magkahawak-kamay na pumunta sa may glass door. Niyakap mo siya ng mahigpit at hinalikan mo siya sa noo. Katulad ng ginagawa natin dati.

“I love you,” sabi mo.

And she also said the same thing.

Tangina ah. Ba’t ko ba ‘to nararamdaman, ha? Leche naman.

Pinagbuksan mo siya ng pintuan at hinintay mo muna siyang makaalis bago ka bumalik sa upuan mo. Paupo ka na sana pero biglang nagtama ang mga mata nating dalawa. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Gusto ko sanang umiwas ng tingin pero hindi ko magawa kasi baka magtaka ka kung bakit. Napangiti ka at hindi ko inaasahan na maglalakad ka palapit sakin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa’yo. Ayoko ng ganito. Baka kasi mahalata mo ‘yung nararamdaman ko at hindi ‘yun pwedeng mangyari. Ayokong guluhin ka pa.

“Hey,” nakangiti mong sabi.

Hindi ako makapagsalita kaya ngumiti na lang ako.

“Um, can I join you?”

Tumango ako.

Umupo ka sa katapat na upuan. Bwisit. Ba’t ka ba kasi nandito? Gulong-gulo na nga ako, e. Guguluhin mo pa ‘kong leche ka.

“So… how are you? Tagal na nating hindi nagkita ah,” sabi mo.

Tanungin mo pa sige. Ayos ‘yan.

“Ok lang naman. Ikaw?”

“Ok lang din.”

Gusto kong linawin ‘yung naging relasyon natin kaya lang natatakot ako. Nakapagmove-on ka na, e. Tapos babanggitin ko pa. Pero alam kong kailangan ko ‘to. ‘Closure’ as what they say. Alam kong posibleng magulo ko ang relasyon niyong dalawa pero sa ngayon, iisipin ko muna ang sarili ko.

Drixon’s POV

“What happened to us, Drix?” tanong mo.

I smiled bitterly. Here we are facing each other, with you asking what happened to us. Sobrang sakit. What a joke, right? Lalo na kung ako ang dahilan ng pagkasira ng relasyon natin. Ako ang dahilan ng lahat. And now I’m regretting it as hell.

“Why are you asking that?” tanong ko sa’yo. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa ‘ko. Kung may chance pa. Oo, nagiging makasarili ako and I’m sorry about that. Pero mahal lang kita. I want us to be together. And I swear, I’ll never hurt you again. Ever.

You shrugged, “Siguro kasi hindi ko alam kung bakit tayo nagkahiwalay.”

Tinignan kita ng seryoso, “May chance pa ba ‘ko? Tayo?”

Tinaasan mo ako ng kilay, “Hindi mo ba girlfriend ‘yung kasama mo kanina? Nag-i love you ka pa nga.”

“She’s my cousin.”

Napansin kong nagulat ka sa sinabi ko at hindi ko na namang mapigilang umasa. Umasa na ayaw mong mapunta ako sa iba. Umasa na baka gusto mong maging tayo ulit. Umasa na ako pa rin.

Narinig kong tumikhim ka, “Sagutin mo kaya ‘yung tanong ko.”

Natawa ako, “Gago kasi ako.”

Napatingin siya sakin, “Drix naman…”

Mapait akong ngumiti, “I was a jerk. Kaya nga tayo naghiwalay, ‘di ba? Makakatagal ka ba sa isang gagong katulad ko?”

“Drixon,” you said in a warning tone, “‘Wag ka nga magsalita ng ganyan. It’s also my fault why our relationship failed. We both gave up easily.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. I can’t believe I’m crying because of the same damn thing over and over again. Oo, masakit. Sobra. But I know better. Lilipas din ‘to. I know I could’ve set things right pero siguro nga hindi tayo ang para sa isa’t-isa. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa’yo. I can’t force you to love me the way I do. Pero siguro kung naging maayos lang ang relasyon natin, siguro tayo pa rin hanggang ngayon. ‘Yun nga lang… wala na tayo.

Nung naghiwalay tayo, akala ko magiging ayos din ako. Ginawa ko lahat para makalimutan ka. Ang hirap. Naging parte ka na ng buhay ko. Sinubukan kong makipag-date sa ibang babae para lang makalimutan ka. Pero hindi pala ganun kadali na palitan ka sa buhay ko. Iba ka, e. Ibang-iba sa kanila. Palagi kitang kinokompara sa kanila. And you know what? Mas lalo lang kitang na-miss. Halos lahat ng bagay na ginagawa ko, naaalala kita. Ang laki ng epekto mo sakin. Para na akong baliw kakaisip sa’yo. Kung masaya ka ba, malungkot, o baka katulad ko rin na iniisip ang naging relasyon natin. Naisip ko nga na sana hindi ka pa nakaka-move on, e. I know it’s been months pero sana hindi pa. Mahal pa rin kasi kita.

Ngumiti na rin ako at pinahid ang luha ko, “I miss you, you know. I miss everything about us.”

“I’m sorry, Drix. Pero wala na talaga, e. Yes, I still love you. Pero hanggang kaibigan na lang. Ayoko namang umasa ka sa wala.”

“Naiintindihan ko. Don’t worry, makaka-move on din ako sa’yo,” sabi ko. Sana nga. And I hope makita ko na ang babaeng mamahalin ko ng higit pa sa’yo.

“Well then, I hope you find her soon. Baka maunahan ka pa,” natatawa mong sabi.

Napangiti na lang ako. Siguro nga mas mabuti na nagkahiwalay tayo. Kasi baka ‘pag nagtagal pa, mas lalo lang natin masasaktan ang isa’t-isa. It’s better off this way.

“Hey Drix, una na ‘ko ah? May pupuntahan pa kasi ako. It’s nice seeing you again,” nakangiti mong sabi. How I miss that smile. Sana lang makamove-on na agad ako. Alam kong mahirap pero kakayanin ko. Para naman maging masaya na ulit ako. Ako lang naman ang pumipigil sa sarili ko na maging masaya.

“Sure. Ingat ka,” nginitian kita. Sana kapag nagkita tayo ulit nakapag-move on na ‘ko para hindi na ako mailang na kausapin ka. At para na rin hindi ako umasa.

Tumayo ka at umalis na ng restaurant. Hindi nagtagal ay umalis na rin ako at biglang nakita ko siya. Sinundan ko siya at nasa likod niya lang ako nang mapansin kong umiiyak siya. Ilang minuto ko na rin siyang sinusundan pero mukhang hindi niya pa rin ako nahahalata. Napunta kami sa isang park na medyo maraming tao. Umupo siya sa isang bench at saka ko siya tinabihan. Nanlaki ang mata niya nang makita ako.

“Drixon? Anong ginagawa mo dito…?”

“Kanina pa kita sinusundan ah? Hindi mo ‘ko napansin?”

Umiling lang siya. Kahit kailan talaga. “Iniisip mo siya ‘no?” asar ko sa kanya.

Natawa siya, “Ikaw rin naman ah? Iniisip mo ‘yung ex mo,” sabi niya habang hindi nakatingin sakin. Tinignan ko ‘yung tinitignan niya at nakita kita. Kasama ang bago mong boyfriend.

“Nag-usap ba kayo?”

Tumango siya at napansin kong muling nanggigilid ang luha niya, “Anong sabi niya?” tanong ko.

“Sabi niya, naka-move on na daw siya. Hindi ko na tinanong ‘yung tungkol samin kasi halata naman na masaya na siya. Ayokong sirain ‘yun. Isa pa, ‘pag nalaman niya kung anong nararamdaman ko malamang magui-guilty siya. Ayoko na silang guluhin.”

Tumango-tango ako. She’s right. Pero hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko kung bakit tayo nagkahiwalay. Ang daming ‘sana’ na tumatakbo sa isip ko pero alam ko na kahit isa dun imposibleng mangyari.

Sana tayo pa rin.

Sana mahal mo pa ‘ko.

Sana hindi ako sumuko sa relasyon natin.

Sana ipinaglaban kita.

Sana ako pa rin.

Sana ako na lang ulit.

Kaso hindi na pwede kasi may iba ka nang mahal.

Oo, sobrang sakit. Pero ano bang magagawa ko? Siya mahal mo, e. Ano namang laban ko, ‘di ba? Minahal mo lang naman ako. Kaya mas mabuti na ‘yung ganito. Kahit na nasasaktan ako ngayon, alam ko magiging masaya ulit ako balang araw.

“Ang daya naman. Mga ex talaga natin ang nagkatuluyan, e ‘no?” nag-pout siya. Parang bata naman ‘to.

Nilingon ko si Kim, “Kesa naman na nasa isang relasyon sila na hindi naman sila masaya, ‘di ba?”

“Alam ko,” napabuntong-hininga siya, “Tayo ‘yung mali, e. Kung kailan nawala na sila satin, saka naman natin mare-realize na mahalaga sila.”

Natawa na lang ako, “Nasa huli nga daw ang pagsisisi ‘di ba?”

“Leche. Gasgas na ‘yan.”

Mas mabuti na pakawalan ang taong alam mong hindi magiging masaya sa’yo.

“Kim.”

“Hmm?” lumingon siya sakin.

Tinignan ko siya, “Tayo na lang, trip mo?” ngumisi ako.

Hinampas niya ako sa braso, “Gago ka ba? ‘Wag mo ‘ko masali-sali dyan ah.”

I smiled as I stared at her.

I think it’s time na hayaan ko ang sarili kong maging masaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s