One Shots

Dancing With A Wolf

“Bro, tama na ‘yan. Nakakailan ka na oh,” saway sakin ni Carl.

Matalim ko siyang tinignan, “‘Wag mo akong pakialaman,” at saka ko ininom ‘yung alak.

Nandito ako ngayon sa bar kasama ang mga kaibigan ko. Gusto kong magpakalasing. Gusto ko makalimot. Gusto kong kalimutan ‘yung sakit na nararamdaman ko dahil sa babaeng ‘yun. Gusto ko siyang kalimutan at lahat ng pinagsamahan namin.

Hindi ko akalain na nagpaka-tanga ako sa isang tulad niya.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Joshua sakin.

Huminga ako ng malalim, “She’s doing it… again.”

Kumunot ang noo ni Joshua, “What?”

I looked at Carl hoping na makuha niya ang gusto kong sabihin. Mukhang nakuha naman niya dahil siniko niya si Joshua, “What? Nagtatanong lang eh,” depensa ni Joshua.

“Makiramdam ka nga, Josh. Ayaw ngang pag-usapan ni Miguel,” sabi naman ni Carl.

Tinungga ko ‘yung bote ng alak na nasa center table. Nakaka-limang bote na ako pero parang wala pa ring epekto. Hanggang ngayon, hindi mawala sa isipan ko ang mga pinaggagawa ng slut na ‘yun. Malas siya sa buhay ko.

“Why don’t you just move on, bro? She’s not worth it. Marami pang ibang babae dyan,” sabi ni Carl.

“That’s not the point here, Carl. She fucking played with my feelings. And no one dares to do that. Not to me,” matigas kong sabi.

I can’t believe I fell in love with her. I thought she was an innocent, sweet and lovely girl. Pero hindi pala. Behind her innocent face is a bitch and a fucking slut. I was mad when I found out she was cheating on me but still, I forgave her. Mahal ko, e. Lahat gagawin ko para sa kanya. Para sa relasyon namin. I expected that she will keep her word na hindi na niya uulitin ‘yun. I trusted her. Only to find out that she’s keeping the whole “cheating-thingy” going on all the time. She never ended it. But I didn’t broke up with her. Umaasa kasi ako, e. Umaasa ako na magbabago siya. Umaasa ako na totoong mahal niya ‘ko. Ayokong maniwala na niloloko niya ‘ko. Hindi ko matanggap. Then again, mali na naman ako.

She didn’t change. Eto isa pa. Hindi pala kami dalawa lang. Maybe 4 or 5? Pagkatapos kong malaman na niloloko niya pa rin ako, pinasundan ko siya sa isa sa mga kaibigan ko. There, I found out na marami din pala kaming pinaglalaruan niya. I wonder kung paano niya kami pinagsasabay-sabay. Quite amazing, actually. Buti na lang walang nangyari samin. Baka magka-AIDS pa ‘ko dahil sa kanya.

“Miguel,” natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Carl, “Do you still love her?”

Ngumisi ako, “Maybe yes. Maybe no.”

“Alam ba ni Lauren na alam mo na lahat ng ginagawa niya?” tanong naman ni Joshua.

I just shrugged. I honestly don’t care kung alam man niya o hindi. Basta ang alam ko, I don’t want her in my life and I don’t want her anything to do with it. How can I stay with her kung puro kasinungalingan lang ‘yung relasyon namin? Higit sa lahat, ayoko sa mga taong sinungaling at manloloko. Iniintindi ko siya palagi kapag may away kami. Kapag nagagalit ako, isang suyo niya lang, ayos na. Pagod na ‘ko. Pagod na ‘ko sa mga palusot at kasinungalingan niya.

Biglang may ideyang pumasok sa isip ko at napangisi ako dahil dito. Tumingin ako kay Carl, “Call her.”

Kumunot ang noo niya, “Si Lauren? Why?”

“I want to get even with her,” gusto kong maramdaman niya ang sakit na pinaramdam niya sakin. Masama na kung masama pero tao lang ako at nasasaktan.

“So, gaganti ka?” Josh said. His eyes are full of amusement.

“Yup,” uminom ulit ako ng alak. Kailangan ko ng lakas ng loob para gawin ‘to. Though this is not my first time, I haven’t flirt with girls since Lauren became my girlfriend.

Napangisi si Carl. I know what he’s thinking. Gawain ko kasi ‘to dati. Flirt with girls, make out. But no sex. Hindi pa ako ganun ka-gago. Alam naman nila na hanggang dun lang ako. Also, no feelings are involved. I choose those girls who are fine with that kind of setup. Ayoko pang makipag-sex. Baka makabuntis pa ‘ko ng wala sa oras.

“Then I guess the great Miguel Dela Cruz is back,” sabi ni Josh. I smirked. Hell yeah. No one is ever going to break me unless she’s worth it.

But Lauren? No fucking way.

Uminom ulit ako ng alak at saka tumayo. Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng sexy at magandang babae. I want to show Lauren na kayang-kaya kong gawin ‘yung ginagawa niya. Gusto kong makita niya na hindi siya kawalan and she will pay for breaking my heart. After this, saka lang ako magmo-move on. I’ll make sure she won’t get away with what she had done.

May nakita akong isang babae sa may kabilang couch. Maganda siya at maputi. She has long black hair and she’s wearing a black tube dress. Simple yet elegant. ‘Yan ang gusto ko sa isang babae. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya, “Hey.”

Nginitian niya ako, “Hey. Need something?”

“Well,” napahawak ako sa batok ko, “can I ask you uh… a favor?” Tangina nakakahiya. I’ve never done this thing. Asking a girl to make out with me? Hell no. Hindi ako sanay. Hindi naman sa pagmamayabang but usually kasi sila ang lumalapit sakin. Hindi ako.

“The great Miguel Dela Cruz is stuttering?” tumawa siya. Fuck ang sarap pakinggan ‘yung tawa niya. I can’t believe na natu-turn on ako sa kanya ng ganito kadali. “Your favor must be quite something para maging ganyan ang isang Miguel Dela Cruz.”

“You know me, huh?”

She shrugged, “Who wouldn’t?” she’s drinking her wine while looking at me and she looks so sexy doing that. Is she seducing me? If that’s the case, then madali lang ipagawa sa kanya ang gusto kong gawin.

“What’s your favor ba?” sabi niya at binaba ‘yung baso na hawak niya kanina.

“Well, I just want to you know… make out.”

Natawa siya sa sinabi ko, “Seriously, nagpapaalam ka? Aren’t you the type of guy who would just grab any girl he likes and start kissing her?”

“Well, yeah but… I just want my soon-to-be ex to know that she’s not worth my time.”

Tumango-tango siya. I think she has the right to know what’s going on. And besides, she looks matured. No need to say every detail dahil at least may idea siya sa kung anong nangyayari.

Tinignan niya ako, “Sure.”

Nagulat ako sa sagot niya, “Talaga?” I can’t believe na pumayag siya kaagad. She’s seems not to be the type of girl na basta-basta lang papayag na makipaghalikan sa isang lalaki.

“Yup. Ayaw mo?”

“No!” medyo napalakas ‘yung pagkakasabi ko. “I-I mean, nagulat lang ako but thanks,” nginitian niya ako nang may bigla akong naalala. I still don’t know her.

“By the way, what’s your name?” tanong ko. Muntik ko pa makalimutan.

“Angel. Angel Villanueva,” nakangiti niyang sabi.

Nilahad ko ang kamay ko, “Nice meeting you, Angel,” I smiled at her.

Ngumisi siya at tinanggap ang kamay ko. Nagulat ako ng bigla siyang kumandong sakin at nilagay ang mga braso niya sa batok ko. Nilapit niya ang mukha niya sakin, “She’s here,” bulong niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ‘yung init ng hininga niya. Fuck. What is she doing to me?

Tumango ako at bigla niya akong hinalikan. I was shocked but eventually responded. Ang lambot ng labi niya. She’s kissing me intensely as I wrapped my hands around her waist. Her kiss became more agressive at gusto ko mang pigilan ang sarili ko ay hindi ko magawa. I have no choice but to respond.

She’s running her fingers through my hair and I can’t help but to moan. I don’t care kung may makakita man samin. I gasped when she bit my lower lip and she put her tongue inside my mouth. Fuck. She’s driving me crazy. I touched her cheek and I pulled away from the kiss. We’re both breathing heavily, “Let me…” bulong ko.

I leaned towards her and I slowly kiss her lips. I’m kissing her gently and slowly. I don’t know why I’m doing this. Hindi naman ako ganito sa mga naging ka-fling ko. I’m usually aggressive when it comes to this. Pero ngayon, ewan ko. Parang may iba.

“M-Miguel?”

Tumigil ako sa paghalik kay Angel at tumingin sa babaeng sumira ng tiwala ko. She’s standing there and parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. A girl sitting on my lap and a while ago, we’re kissing like there’s no tomorrow and she saw all of that. Her reaction looks like she’s been betrayed. What a great actress.

“H-How dare you…?” tears started to fall from her eyes. “How dare you do this to me?! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako, Miguel! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!” tumakbo siya palabas ng bar. Is she expecting that I will come after her and say sorry? Swerte niya at pagbibigyan ko siya sa gusto niya.

Umalis na si Angel sa pagkaka-kandong niya sakin at tumayo siya, “K-Kailangan ko na palang umalis.”

“Wait,” hinawakan ko siya sa braso at nilingon niya ako.

Tumayo ako at hinubad ang leather jacket na suot ko. Nilagay ko ‘yun sa balikat niya, “W-What are you doing…?” tanong niya.

I smirked at her and leaned towards her, “Let me…” I whispered in her ear.

Tinignan ko siya at pansin kong medyo namula siya. Bahagya akong natawa at nginitian ko siya, “Ingat ka. I’m sure we’ll meet again soon.”

Umalis na ako ng bar para hanapin si Lauren. Angel is really interesting. Nung naghahalikan kami, ang wild niya pero pagkatapos parang nahiya siya bigla. Kaya lang hindi ko na rin magawang maniwala agad-agad ngayon dahil sa ginawa sakin ni Lauren. I’ve learned not to trust too much to those things your eyes are seeing.

Naglalakad ako sa daan at nakita ko si Lauren. Hinabol ko siya at hinawakan siya sa braso, “Lauren.”

Nilingon niya ako at marahas na inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Tinignan niya ako ng masama, “Ang kapal rin talaga ng mukha mong magpakita, e ‘no? Pagkatapos ng ginawa mo, tingin mo mapapatawad kita? Hinding-hindi, Miguel. Kaya simula ngayon, wala na akong pakialam sa’yo.”

Ang galing niya talagang umarte. Parang siya ‘yung niloko, e. Kung sabagay, nagawa niya nga akong lokohin ng mahigit isang taon. Gusto ko na siyang sumbatan pero gusto ko munang ibigay ‘yung gusto niya.

“Lauren, please. Let me explain.” Hirap umarte ah.

“Explain?!” sigaw niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam, “Anong ie-explain mo? Kitang-kita ng mata ko na niloloko mo ‘ko! Akala ko nagbago ka na pero gago ka pa rin talaga! Sinayang mo lahat, Miguel!” A damsel in distress, huh? I guess it’s time to end her little act.

Ngumisi ako sa kanya, “Ako ba? Ako ba ang nagsayang Lauren? Hindi ba ikaw ‘yung nanloko?” sabi ko, “Ah, hindi pala. Hindi ba ikaw ‘yung nanloloko?”

Kumunot ang noo niya, “W-What…? ‘Yun pa din ba ang problema ha, Miguel? Akala ko ba ok na? Akala ko ba napatawad mo na ‘ko? Pero ba’t ganito? B-Bakit mo ko niloko…?” umiiyak niyang sabi. Kung dati, ayokong nakikita siyang umiiyak pero ngayon wala na akong pakialam kahit lumuha pa siyang dugo.

Natawa ako sa sinabi niya. Iba talaga. “E ikaw? Bakit mo ko niloko?”

“Miguel, dati pa yun! Mag-move on ka naman!”

“Dati? E ‘di ba nag-sex kayo kahapon ng isa mo pang lalaki? Bukod pa nga ‘yun sa lalaking nahuli kong kasama mo dati ‘di ba?” ngumisi ako. Tignan lang natin kung hanggang saan niya kayang panindigan ang panloloko niya sakin.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at hindi siya makaimik. Hindi niya rin ako tinitignan, “What? Ba’t wala kang masabi? Kasi totoo?” sabi ko.

“N-No! Bakit naman kita lolokohin ulit? Alam kong niloko kita dati pero nagbago naman ako, e. Hindi ba ‘ko pwedeng magbago, ha?”

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ‘yung mga pictures na binigay sakin ng taong pinasunod ko sa kanya at tinapon sa harap niya. Sa mga pictures, makikita siya in and going out of a motel. Siguro, apat na iba’t-ibang lalaki ang kasama niya. “Those pictures were taken 2 months ago up to now. If you’re not having sex with those guys then tell me what the hell are you doing in a motel?”

“M-Miguel…”

“Answer me.”

Napatungo siya at hindi siya tumitigil sa pag-iiyak. Pagkatapos ng ginawa niya sakin, tingin niya ba maaawa pa ako sa kanya? No way. I already gave her a chance but she just wasted it.

“M-Miguel, h-hindi ko naman ginustong—”

“Ilang buwan kang may kasamang iba-ibang lalaki sa motel tapos hindi mo ginusto? That’s bullshit, Lauren!” hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya. “Saan ba ‘ko nagkulang, ha?! Minahal naman kita, ‘di ba? Nung unang beses kong nalaman na niloko mo ‘ko, I still gave you a chance! But what? Malalaman ko din pala na patuloy mo ‘kong niloloko. I respected you, Lauren. Tapos ganito? Ano bang ginawa ko para gawin mo ‘to sakin?”

“Miguel please, patawarin mo ‘ko…”

“How can you expect me to forgive you pagkatapos ng ginawa mo?” malamig kong sabi sa kanya.

“Miguel, I promise hindi ko na ‘yun uulitin… Please, please patawarin mo ako…” sinubukan niya akong lapitan pero umatras ako. Ayoko na. Pagod na ‘ko. I don’t want her in my life. Not anymore.

“It’s over,” at saka ako umalis.

I tried saving our fucked up relationship pero wala talaga. Hindi mo pwedeng ipilit ang mga bagay na wala na. Wala nang patutunguhan ang isang relasyon kung bumitaw na ‘yung isa. Kasi dapat dalawa kayo, e. Hindi pwedeng ‘yung isa lang ang iintindihin mo. Dapat kahit sarili mo, kailangan mo ding intindihin.

Simula ngayon, wala na akong pakialam pa sa kanya. Kakalimutan ko na siya at ang lahat ng pinagsamahan namin. Siya ang nagtapon ng lahat ng meron kami at hindi ko na kayang magpaka-tanga pa sa isang katulad niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s