One Shots

Just The Way You Are

“N-No… L-Leanna, please… Maawa ka sakin…” umiiyak na sabi ni Nicole, one of the popular girls in our school.

I just smirked at her as I pour a glass of water in her head. That’s what she gets for messing up with me. I heard gasps from the people around us. I rolled my eyes. As if they’re not used to seeing this kind of scene for almost everyday.

“Now, we’re even,” I said to Nicole while smirking.

“H-Hindi ko naman sinasadyang tapunan ka, e…” nakaupo siya sa sahig at basang-basa na siya ngayon and I don’t fucking care. It’s her fault, anyway. Kung hindi niya ako binasa, hindi ‘yan mangyayari sa kanya.

I shrugged, “I told you not to mess up with me, right? Hindi ko naman kasalanan ang pagiging tanga mo.”

Patuloy lang siyang umiiyak and no one dares to help her. Well, mabuti naman. At least they know the rules. Subukan lang nilang tulungan siya at idadamay ko sila. And besides, this bitch deserves to be punished. Masyado kasing mayabang. Just because she’s the daughter of the president of this school ganyan na siya kung umasta? Hell no. I won’t let things have it her way.

“You should be thankful, by the way,” napatingin siya sakin at lumuhod ako para magkapantay kami. “Your so-called friends? Kung kaibigan ka talaga nila, hindi ka nila papabayaan. Hindi ka nila iiwan sa ere. But what now? Hindi ka nila tinutulungan. Know why?”I smirked at her, “Kasi hindi ka nila totoong kaibigan.” I looked at her seriously, “Wala kang kaibigan, Nicole. Wala.”

Tumayo ako at tinignan ko ang mga taong nakapaligid samin. I laughed a bit. Their reactions are priceless. I smiled at them sweetly, “The show’s over everyone. Hope you enjoyed it.”

Umalis na ‘ko ng canteen at pumunta ng C.R. para magpalit ng damit. That bitch. Nadumihan pa tuloy uniform ko. Pumasok ako sa pinakadulong cubicle at nagbihis. I wore a plain black v-neck shirt and white fitted pants with sneakers.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa C.R. Palabas na sana ako ng cubicle nang magsalita ‘yung isang babae.

“Nakita mo ‘yung ginawa ni Leanna kanina?”

“Oo! Grabe, wala siyang awa,” sabi pa ng isa.

I rolled my eyes at what she said. Here we go again.

“Hindi ba siya natatakot na ma-expel dito sa school? Alam naman niya na anak ng presidente ‘yung kinakalaban niya. Matuto naman siyang lumugar ‘no.”

Biglang nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. Mukhang tatlo ang mabibiktima ko ngayong araw ah.

“Oo nga, e. Wala talaga siguro siyang hiya.”

Sinipa ko ‘yung pintuan ng cubicle at saka lumabas. Napatingin sila sakin at biglang nanlaki ang kanilang mga mata. Mga alagad lang pala ng mga sikat, e. Well, this should be good. Ang grupo nila ang pinakamasayang paglaruan dahil sa kasikatan sila. Sama-sama sila sa itaas but once you drag them down? Mag-iiwanan din ‘yang mga ‘yan ‘wag lang silang mapahamak. I smirked at them, “Pwedeng pakiulit ang sinabi niyong dalawa?”

“L-Leanna…” sabi ni Megan.

“Oh ba’t namumutla kayo? Pinag-uusapan niyo ‘ko ‘di ba? Ba’t hindi niyo ituloy ngayon?”

“S-Sorry, Leanna… Hindi namin sinasadya…” nauutal na sabi ni Danica.

“Hindi niyo sinasadya?” tumawa ako. “Both of you were so engrossed talking about me tapos hindi niyo sinasadya? Are you fucking playing with me?”

“Leanna, h-hindi naman sa—”

“No one messes up with me,” I said while seriously looking at them. “You know that, right?” mabilis naman silang tumango at hindi ko mapigilang matuwa sa reaksyon nila. Parang takot na takot sila sakin. Oh, well. They should be. Mali sila ng taong binabangga.

“Then get out,” tinignan ko sila ng masama. “Now,” tumakbo sila palabas ng C.R. Pasalamat sila at wala na ‘ko sa mood ngayon. Inayos ko ang gamit ko at saka lumabas.

Wala na ‘kong ganang pumasok kaya napag-isipan kong umuwi na lang. Nasa may quadrangle ako nang makita ko si Nicole at may kasama siyang isang lalaki. Pareho silang nakaupo sa isang bench at nakita kong umiiyak si Nicole. Wait. Is that guy…?

I walked a bit closer para makita ko kung sino ‘yung lalaki. Tama nga ang hinala ko. He’s Ivan Mendoza. An average guy na isa din sa mga binibiktima ko. Sa totoo lang siya ang pinaka-ayoko sa lahat ng binu-bully ko. Ayoko sa kanya lalo na ‘yung mga tingin niya. Iba kasi, e. It’s like he’s reading me or something and it really makes me uncomfortable. Para bang hindi siya natatakot sakin.

Napatingin siya sa direksyon ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan ako sa kanya. Para akong nalulunod sa mga tingin niya. Kung makatingin kasi siya parang kilalang kilala niya na ako. But I know that would be impossible.

Nakakatakot.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ko ang paglalakad palabas ng school. Pumasok ako sa backseat ng kotse ko. “Take me home,” sabi ko sa driver.

Tumango ang driver at nagsimulang magmaneho. Tumingin ako sa bintana at muli kong naisip ang lalaking ‘yun.

Just who the hell is he? Bakit ganun siya makatingin? Magkahalong curiosity at awa ang nakikita ko sa mga mata niya. And I don’t have any idea why. Hindi naman niya ako kilala. Or baka nga kilala niya ako? Pero paano? Hindi ko alam ang iisipin ko. I want to get rid off this feeling. The others see me as their nightmare in this school then just because of one guy—one average guy, masisira ‘yun? No way.

Ivan’s POV

Naglalakad ako sa hallway at muli kong naisip ang nangyari kanina sa canteen.

Leanna Fernandez… Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?

Halos lahat yata ng negative attitudes nasa kanya na. Bully, maldita, masungit, walang pakialam sa ibang tao, bitch. Pero hindi nila siya kilala katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. She’s very different compared to what they know about her.

Nakita ko si Nicole sa quadrangle na nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko siya at saka ko napansing umiiyak pala siya, “Nicole,” tawag ko sa kanya.

Napatingin siya sakin, “A-Anong ginagawa mo dito…? Hindi ko kailangan ng awa mo kaya pwede ka nang umalis,” umiiyak niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napahamak na nga siya ganyan pa ‘yung ugali niya. No wonder siya ang napag-initan ni Leanna. Umupo ako sa tabi niya, “Pwede ‘wag ka nang magreklamo? Buti nga hindi kita ini-snob,” mahinahon kong sabi.

“Wala akong pakialam. Hindi naman tayo close,” inirapan niya ‘ko.

“Ang arte mo naman.”

She never changed. We’re classmates since elementary but I don’t know if she still remember me. Bata pa lang kami, napaka-self centered na niya at maldita. Hindi siguro siya sanay na may ibang naghahari-harian dito sa school bukod sa kanya. Lagi niyang sinasabi na siya dapat ang masusunod kasi siya ang anak ng may-ari ng school. But everything changed when Leanna transferred here.

Inangat ko ang tingin ko at bahagya akong nagulat nang makita ko si Leanna na nakatayo at seryosong nakatingin sakin. Medyo malayo siya samin kaya hindi siya pansin ni Nicole.

Ayos ka lang ba?

Gusto ko siyang puntahan at tanungin ‘yan sa kanya pero hindi ko magawa. Natatakot kasi ako. Natatakot ako na ipagtulakan niya ako palayo. For the past 6 months, ‘yun lang ang lagi niyang ginagawa. Tinutulak niya palayo ang lahat ng tao. Ayaw niyang maging malapit sa iba. I don’t know why but I’ll find out.

Inirapan niya lang ako at saka naglakad palayo. Ang sungit niya talaga. Pero hindi ako titigil hangga’t hindi kami nagiging magkaibigan. Gagawin ko ang lahat para maging magkaibigan kami at pagkatiwalaan niya ako. Gusto kong burahin ang lungkot sa mga mata niya at gusto kong malaman at maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

~•~

Paakyat ako ngayon sa rooftop para magbasa ng libro since it’s our free period. Doon ako palaging tumatambay dahil tahimik at walang tao. I’m quite an introvert kaya gusto ko laging mag-isa. It’s not like I’m scared of socializing with other people. I just don’t want to. My silence has always been misunderstood by people as me being ill-tempered. But I didn’t bother explaining it to them since it’s too tiring for me.

Binuksan ko ang pinto at natigilan ako nang makita ko si Leanna na nakaupo malapit sa railings. Lumapit ako sa kanya at nakita kong naka-earphones siya habang nakapikit. I sat beside her and removed her earphones. Napadilat siya at napansin kong natigilan siya nang makita ako.

Tinignan niya ako ng masama, “What the hell is your problem, mister?”

I grinned at her, “Pwede ba tayong maging friends?”

“What the fuck?”

Tumawa ako, “Grabe ka naman magmura. Nagtatanong lang, e.”

“Pwede bang umalis ka na? ‘Wag mo ‘kong istorbohin,” inirapan niya ako.

“Wow,” napatingin siya sakin at tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. “Talagang tinatarayan mo lang ako ngayon? Hindi mo ‘ko binu-bully?” ngiting-ngiti kong sabi.

“Shut up. Umalis ka na,” sabi niya at saka siya pumikit.

“Pero gusto kong makipagkaibigan sa’yo,” pangungulit ko sa kanya.

Dumilat siya at seryoso niya akong tinignan, “Kung hindi ka aalis, ako ang aalis.”

Patayo na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya. Tinignan ko siya ng deretso sa mata, “2 years ago. Sa coffee shop. Umuulan ng araw na ‘yon. Hindi mo ba natatandaan?”

Napaisip siya sandali at biglang nanlaki ang kanyang mata at saka umiwas ng tingin. 2 years ago na rin simula nung huling makitaan ko siya ng emosyon. When she tranferred here, para siyang naging bato. Ibang-iba kesa nung una ko siyang nakilala.

I smiled at her, “Do you consider me as your friend now?”

Tinignan niya ako at saka siya bumuntong-hininga, “Hindi masyado.”

Nagulat ako sa biglaang pagbabago ng kilos niya. Is she letting her guard down?

“Um, Leanna…”

“There’s no point in hiding who I am. Ba’t ko pa itatago e alam mo na, ‘di ba? You already know me, Ivan,” she said while seriously looking at me.

Parang nagsisi ako bigla na binanggit ko pa ‘yung nangyari dati. It was 2 years ago. We were in a coffee shop and she’s crying at that time kaya nilapitan ko siya. She keep on saying that it’s all her fault and that her life’s full of shit. I didn’t ask her why since ayoko namang isipin niya na nangingialam ako sa buhay niya. I said some encouraging words pero parang wala rin. She just thanked me and then left. Hindi ko na siya nakita after nun. Not until she transferred in this school.

“S-Sorry… Hindi ko na dapat ‘yun pinaalala,” sabi ko sa kanya.

Pilit siyang ngumiti, “Ayos lang.”

Nanatili kaming tahimik ng ilang sandali nang bigla siyang magsalita.

“Matalino ka ‘di ba?” tinignan niya ako.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya, “Ba’t mo naman natanong ‘yan?”

She just shrugged, “Well, I want to tell you a story. Then I’ll ask you some questions, okay?” tumango ako. Hindi ko alam kung anong trip niya pero mas mabuti na rin nang may mapag-usapan kami.

“Once upon a time, there was a king and queen. 4 years had passed after their marriage pero wala pa rin silang anak. Just when they’re starting to lose hope, they found out that the queen was carrying twins. They were so overjoyed kasi finally, magkakaroon na rin sila ng anak. And then the twins were born. Both girls. The twins grew up so close with each other,” A small smile reached her lips. “They’re inseparable. They knew each other’s secrets. They were also the best of friends. And they lived a happily ever after,” she smirked. “Or… so they thought,” I stared at her. She was talking about her family.

“One stormy night, the twins got lost in the forest where they were playing. The other twin fell from a cliff which ended her life and the remaining twin didn’t stop crying because she lost her other half. The king and queen found the twins—the other one alive, and the other one dead. They were so devastated by the death of their child that they blamed the living girl. The little girl was quiet every time they blamed and told hurtful words to her. She cries every night and she also started blaming herself for their loss. And then…” she took a deep breath while her eyes are focused afar.

“Suddenly, all of her strings got broken. She wasn’t able to feel anything anymore. She didn’t care about anyone, even her parents. She always kept a straight face as if she’s not able to have any emotion or feeling. And because of this, she didn’t hesitate to hurt everyone around her. She was hurt in the past. Now she’s giving it back. Until now, her parents are still blaming her. But still. She didn’t care,” she shook her head. “Not anymore.”

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagke-kwento siya. Her eyes are full of resentment. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang nangyari sa kanya. I can’t help na maawa sa kanya. Ang bata pa niya para maranasan ang mga ganung bagay. Ngayon alam ko na why she became like this and I can’t blame her for that. She was just hurt.

“So tell me, Mr. Mendoza. What would you do if that shit happened to you?” she calmly asked. I can’t help but wonder how is she able to tell her story without even crying. Then again, she mentioned it. She’s not able to feel anything. But that’s impossible.

She’s just not allowing herself to feel anything.

“Kung sakin man mangyari ‘yun, for sure lumayas na ako sa impyernong ‘yun.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko,”Why?”

I shrugged, “Why would I put up with those people who hurt me?” Naramdaman kong natigilan siya at saka umiwas ng tingin.

Bull’s eye.

Now I know. Hindi siya ganun kasama tulad ng iniisip ng iba. It’s just her front para hindi na siya masaktan. Iniisip niya na baka kapag naging malapit siya sa ibang tao, masasaktan lang siya. Kaya bago pa siya masaktan, inuunahan na niya. What an odd way of thinking. But she’s quite amusing for a 16-year-old girl.

“You love them, don’t you?” I said.

“Huh?”

“Your parents? Kaya hindi mo sila iniiwan kahit sinasaktan ka nila.”

Mahina siyang natawa, “Why should I? Sinasaktan nila ako so why would I love them?” she shook her head in disbelief. “That’s completely nuts,” she whispered.

“But you didn’t leave them either.”

Pinanliitan niya ako ng mata, “E ikaw? Ba’t mo sila lalayasan?”

“Kasi nasaktan ako,” simpleng sabi ko.

Matagal niya akong tinignan bago siya inis na napasandal sa railings, “Bakit ba kasi hindi ka umalis?” tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya, “Kasi wala akong ibang mapupuntahan?”

“Ako ba tinatanong mo?” natatawa kong sabi.

Inirapan niya ako at hindi na siya nagsalita. So ganito pala ang ugali niya when she doesn’t have to pretend. She’s just like any other girl. May pagka-mataray pa din. Pero ayos lang. Who would’ve thought that the Leanna I’m seeing right now is the same as the Leanna who bullies other students.

Tumikhim ako at tumingin sa kanya, “May tanong ako.”

Lumingon siya sakin, “Ano?”

“Friends na tayo?”

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa at saka siya tumingin sakin habang nakangiti.

Nakangiti siya.

Tangina.

“Isipin mo gusto mong isipin, Ivan Mendoza.”

Tumayo na siya at saka umalis habang ako naiwang nakatulala. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganun. Nakakapanibago. Ngayon ko rin napatunayan na hindi ko pa talaga siya kilala. Napailing na lang ako habang nangi-ngiti. She’s very unpredictable. One minute, she looks like she’s going to kill you and then the next she looks like an innocent, lovely girl.

Suddenly, a thought crossed my mind and I immediately brushed it off. No. That can’t happen, right? I mean, it is impossible. Though there’s a part of me saying that it’s not impossible.

That it’s not impossible for me to fall in love with her.

~•~

What came next was the best weeks of my life. I don’t know if she treats me as her friend but I think she already does. Surprisingly, a week after we had our “little talk”, tumigil na siya sa pangbu-bully ng mga ibang estudyante. Yes, hindi na siya nambu-bully pero takot pa rin ang lahat sa kanya. Also, bihira ko na rin siya makita ‘pag may klase except lang ‘pag pumupunta ako ng rooftop, doon ko lang siya nakikita. Parang ‘yun na din ang naging tambayan naming dalawa. We became friends (at least that’s what I think). I’m glad na pinapakita niya sakin ‘yung side niya na hindi alam ng iba. She also started opening up to me during the past months na magkasama kami. She mentioned na iniiwasan niya ang parents niya sa bahay nila. Hindi niya rin sila kinakausap. Well, naiintindihan ko naman. Mahirap ang pinagdadaanan niya and as her friend, I want to be there for her. Actually, masaya ako na naging magkaibigan na kami. Though… the worst thing happened.

I started liking her.

I tried to stop myself. Pero wala. Hindi ko napigilan. Nung una, gusto ko siyang iwasan. Gusto kong lumayo sa kanya para mawala ‘yung nararamdaman ko. Kaya lang naisip ko, ako na nga lang ang kaibigan niya tapos lalayo pa ako? Ayoko siyang iwanan ng basta-basta. Kaya hinayaan ko na lang. Akala ko mawawala. Akala ko lilipas din ‘tong nararamdaman ko pero hindi pala.

Hindi ko pinapahalata sa kanya na gusto ko siya. I don’t want to ruin our friendship. And besides, I know she’s not yet ready sa ganung bagay. Alam ko rin na hirap pa rin siyang magtiwala sa ibang tao kaya I didn’t dare to confess my feelings. I stayed as her friend even though I have feelings for her. Mas mabuti nang magkaibigan kami because at least, I can be with her.

“Uy, Ivan,” natauhan ako nang tawagin ako ni Bryan.

Tinignan ko siya, “Bakit?” ngumuso siya sa likod ko kaya lumingon ako sa likuran at nakita ko ang isang babae. I sighed. Again.

“Uhm… Hi, Ivan.”

Pilit akong ngumiti, “Hi.”

“W-Would you mind dancing with me?” she said shyly. Seriously, pang-limang babae na siyang nagtatanong sakin niyan.

“Sorry, miss but I’m not into dancing so…” I trailed off. Sana naman makuha niya na ayaw kong sumayaw kaya umalis na siya.

“It’s okay!” she just smiled. “Sige, I’ll go ahead na.”

Buti naman.

Umalis na siya sa harapan ko. I sighed. Sana pala hindi na lang ako nag-ayos. Edi sana tahimik pa buhay ko ngayon. This is all Leanna’s fault. Sabi niya mag-ayos naman daw ako kahit ngayong araw since it’s our graduation ball. Siya ‘tong nagsabi pero siya naman ‘yung wala. Gusto ko siya ang una kong makasayaw pero hanggang ngayon hindi pa din siya dumadating.

“Tibay mo ah. Lahat inaayawan,” sabi ni Ryan.

“Syempre. May hinihintay,” sabi naman ni Kevin at nagtawanan sila.

Tumayo ako sa kinauupuan ko.

“Oh san ka pupunta?” tanong ni Kevin.

“Magpapahangin lang.”

Umalis muna ako sa table namin at pumunta sa second floor. The venue’s quite nice actually. A classic, elegant Victorian style especially made for dancing with hanging chandeliers and columns. The air was also filled with romantic music with couples dancing to its rhythm. Here in the second floor, the walls are filled with different paintings and there’s also a quiet room where people can relax peacefully without being disturbed by the noise outside.

I entered the room and I was shocked when I saw Leanna in the balcony. Kanina pa ba siya dito? I walked towards her while my heart is pounding wildly. Shit lang. Simple lang ang suot niya pero ang lakas ng dating. She’s wearing a black skater dress and I smiled as I saw her wearing high heels na alam kong hinding-hindi na niya isusuot pa. I’m sure napilitin lang siya because of this event. Her straight dark brown hair was also slightly curled and her eyes seemed to reflect the moonlight as she’s gazing at the stars.

“Hey,” I greeted her.

She looked at me and then smiled.

Damn.

“Ganda ko ba?” asar niya sakin.

Natawa ako, “Oo. Lagi naman, e.”

Tumawa din siya. Shit, ang sarap pakinggan.

“Ayaw mo sa ibaba?”

Umiling siya, “Madaming tao.”

“Kanina ka pa dito?”

“‘Di naman.”

“Kumain ka na?”

Tumingin siya sakin ng nakangiti, “Ang daming tanong,” natatawa niyang sabi.

“Sagutin mo na lang kaya.”

Tumawa ulit siya. Saya niya ah. Kung sabagay, matagal na panahon siyang hindi naging masaya. I’m glad she made the choice to be happy even if her world is falling apart.

“Kumain na ‘ko bago pumunta dito.”

Tumango-tango ako at muli ko siyang tinignan. Ang ganda niya talaga. Sa totoo lang, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang bitawan ‘yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko mapigilang umasa na balang araw magkakagusto din siya sakin. Sabi nila, “It’s hard to love someone who’s broken.” Kailangan kasi ma-effort ka. Dapat mo silang intindihin kasi nasaktan na sila ng sobra. It’s hard for them na magtiwala ulit kaya it takes time talaga. Pero para sakin, okay lang. I want to be there for her. If her heart is broken, I’ll fix it then. Yes, it may not be worth it but so what? Kahit na masasaktan lang ako sa huli, okay lang. At least, may nagawa ako para sa kanya. I’m lucky enough that she let me enter her life. Though sometimes, I can’t help to think na, “Hanggang dito na lang ba talaga kami?”

“Huy,” nagulat ako when she snapped her fingers in front of my face, “tulala ka na dyan.”

“Sorry.”

Suddenly, an idea popped into my head which made me smile.

“Leanna.”

“Hmm?”

“Sayaw tayo.”

Nag-poker face siya, “Ayoko bumaba. Tsaka hindi rin ako marunong kaya ‘wag na.”

Ngumiti ako, “Sino may sabing bababa tayo?”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Nagpatugtog ako ng instrumental piano. Nilapag ko ang phone ko sa isang maliit na table. Nakatingin lang sakin si Leanna at para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya. I smiled at her and pulled her towards me. I looked directly into her eyes as I put her arms around my neck and rested my hands on her waist. We dance slowly to the music as if nothing else in the world mattered.

Tinignan ko siya at hanggang ngayon gulat pa rin ang mukha niya. Mahina akong natawa sa reaksyon niya.

“Breathe, Leanna,” I reminded her.

Sinamaan niya ako ng tingin, “Bwisit ka.”

“Sus. Naga-gwapuhan ka lang sakin, e. Aminin mo na. Hindi ako magagalit,” I said while smiling.

“Ba’t ang hangin mo bigla?” nagtataka niyang tanong.

“Bakit gwapo naman talaga ako ah?”

She rolled her eyes whilst smiling at the same time.

“Oo na. Gwapo ka na.”

I smiled at her.

Silence engulfed us. Pero hindi siya awkward. It’s that kind of silence we have every time we’re together. Para bang hindi mo kailangan ng conversation just for the sake of being comfortable with each other. May iba kasi na awkward sa isa’t-isa kapag walang nagsasalita. For me, you don’t need a conversation just to keep something going on.

“Lean.”

“Hmm?” tinignan niya ko.

“You’re really beautiful…” I whispered softly.

She laughed, “Kanina mo pa ‘yan sinasabi.”

“Seryoso ako.”

Her smile faded. Shit. Wrong move.

“Stop it, Ivan.”

“Stop what?” I seriously looked into her eyes.

Alam kong alam na niya. She’s good at reading people kaya I kind of expected it. I admit, masakit marinig ang sinabi niya na itigil ko ‘tong nararamdaman ko. Worst is, sa kanya pa mismo nanggaling. Naiintindihan ko naman, e. Masakit lang talaga.

We stopped dancing as she sighed in frustration, “This, Ivan. Walang patutunguhan ‘yang nararamdaman mo kaya itigil mo na.”

I took a deep breath to calm myself, “Why are you telling me to stop?”

“Kasi masasaktan ka lang. Magkaibigan tayo, Ivan. Hanggang dun lang tayo so stop asking for more.”

“I’m not asking anything, Leanna.”

“Aren’t you?”

“If I want to be your boyfriend, then sana matagal na ‘kong umamin sa’yo. But hindi ko ‘yun ginawa kasi magkaibigan lang tayo. Alam ko ‘yun Lean, kaya sana ‘wag mo naman ipamukha sakin kasi nasasaktan ako.”

Natahimik siya at iniwas niya ang tingin niya sakin. Maybe I was too harsh. I didn’t meant na pagsalitaan siya ng ganun pero masakit na ipagtabuyan niya ako ng ganun-ganun lang.

“Sinubukan kong pigilan, Leanna. Pero wala talaga, e.” Mapait akong natawa at tinignan siya sa mata, “Nahulog pa din ako sa’yo.”

I guess it’s time to give this up?

Talo na ‘ko, e.

“Why me, Ivan?” mahina niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit ako? Why would you love someone who’s as broken as me?”

I smiled weakly at her.

“Sayo ko naramdaman ‘to, e. It’s not like I have a choice kung sino ang mamahalin ko.”

Napailing siya, “Masasaktan ka lang.”

Huminga ako ng malalim at tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Muli ko siyang tinignan at hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. “I’m sorry, Lean. I’m sorry if I ruined everything. I didn’t mean it to happen. It just did and I’m sorry for that. I’m sorry kung ganito ang nararamdaman ko sa’yo. But please. Don’t ask me to unlove you just like that kasi hindi ‘yun ganun kadali.”

I can’t believe na ako pa mismo ang nakasira sa friendship naming dalawa. Nakakainis. Tanga ko naman kasi, e. Dapat hindi ako nagpadala sa nararamdaman kong ‘to.

“You’re really making this hard for me, Ivan…” tinignan ko siya at nakita ko siyang umiiyak.

Tumingin siya sakin at nasasaktan akong makita siyang umiiyak na ako pa ang dahilan. Nagulat ako nang pinaghahampas niya ang dibdib ko habang umiiyak siya. Hindi ko siya pinigilan. Maybe it’s also my fault. I let her down dahil ang kaisa-isang kaibigan niya ay nagkagusto sa kanya. Maybe she just doesn’t want to lose me as her friend.

Ang gago mo, Ivan.

“Bwisit ka, alam mo ‘yun?” umiiyak niyang sabi.

“Ang bait mong hayop ka! Ba’t ba ang bait-bait mo sakin, ha?! E samantalang palagi nga kitang binu-bully noon! Pero ang bait mo pa rin sakin! Hindi mo ba alam na mahina ako don, ha?!”

Nagulat ako sa pinagsasabi niya, “L-Leanna… A-Ano bang-“

“Shut up! Hindi ko sinabing magsalita ka kaya ‘wag kang magsasalita!”

Napatahimik naman ako. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan ka-galit.

“Punyeta ka rin kasi e ‘no! Sa sobrang bait mo, hindi ko maiwasang bigyan ‘yon ng ibang meaning kahit wala naman talaga! Badtrip ka! Alam mo bang ang hirap-hirap pigilan ‘tong nararamdaman ko sa’yo?! Mali kasi, e! Maling-mali! Naisip ko na, ba’t ka naman magkakagusto sa isang tulad ko, ‘di ba? Kaya lagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit kailan hindi ka magkakagusto sakin para hindi ako umasa. Pero ano?! Wala! Nganga! Nagkagusto pa rin ako sa’yong gago ka! Bwisit!”

I was just smiling the whole time she was doing her speech.

She likes me too.

Shit.

Kinikilig ako.

Tangina.

“Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan?!”

“So you like me din?” I said while grinning from ear to ear.

She avoided my gaze, “O-Oo! May problema ka dun?!”

Natawa ako sa kilos niya. Trying to cover up her shyness, huh?

I moved closer towards her pero humakbang naman siya paatras.

“You know, I’ve been waiting for this day, Lean…”

Paatras siya ng paatras habang naglalakad ako palapit sa kanya hanggang sa wala na siyang maatrasan kaya napasandal siya sa railings. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako tinitignan hanggang ngayon.

‘”I’m sorry.”

Napatingin siya sakin.

“Sa lahat ng mga kagaguhang ginawa ko, I’m really sorry.”

Tinanguan niya lang ako at hindi na nagsalita. Iniwas niya ulit ang tingin niya.

Napabuntong-hininga ako, “Leanna… Ba’t ba ayaw mo tumingin sakin?”

Bahagya siyang napayuko, “N-Nakakahiya kaya ‘yung mga pinagsasabi ko kanina. Hindi ko na dapat ‘yun sinabi. N-Nadala lang talaga ako ng emosyon ko kaya—”

Hindi na ako nakapagpigil at niyakap ko siya ng mahigpit. Tagal kong hinintay ‘to.

“I-Ivan…?”

“Hindi mo kailangang mahiya, Lean. I want to thank you dahil sinabi mo sakin ‘yung nararamdaman mo. You have no idea how happy I am dahil sa mga sinabi mo.”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.

Nginitian ko siya, “Liligawan kita ah?”

“H-Ha?”

“Ang sabi ko liligawan kita.”

“T-Teka. H-Hindi mo naman ‘yun kailangang gawin, e…”

Ngumisi ako, “Bakit? Tayo na ba? Sige, ayos lang sakin.”

Hinampas niya ako sa braso, “Baliw! Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. I-I mean, hindi naman kailangang maging tayo, e…”

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. What? Ayaw niya ba ‘kong maging boyfriend niya?

“Ayaw mo bang maging tayo?”

Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin.

“Natatakot ka ba?”

Tumingin siya sakin at dahan-dahan siyang tumango. Napansin kong muling nanggigilid ang kanyang mga luha.

“A-Ayoko lang masaktan, Ivan… Pagod na akong masaktan. Hindi ko kaya…”

Pinahid ko ang kanyang mga luha, “Mahal kita, Leanna Fernandez.”

“Ivan…”

“Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang, mahal kita. I can’t promise that I won’t hurt you, Leanna. But one thing that I can promise is that, I’ll never leave you. Kahit kailan hindi kita iiwan. Kahit ipagtabuyan mo ako palayo hinding-hindi ako aalis.”

Bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko din siya ng mahigpit. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kanina lang, nawawalan ako ng pag-asa na magugustuhan din niya ako. Pero ngayon hindi na. Kasi alam kong gusto niya din ako. Ngayon, gagawin ko ang lahat para mapakita sa kanya na I deserve to be her boyfriend. Hindi ko sasayangin ang chance na binigay niya sakin.

“Take care of my heart, will you?”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya. Hinalikan ko siya sa noo.

“I will.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s