One Shots

Innocence

Tinitigan ko ang ilang piraso ng gamot na nasa palad ko. Alam kong mali ‘tong gagawin ko. Alam kong maraming maaapektuhan sa gagawin ko pero wala na akong pakialam. Buhay ko ‘to at wala silang karapatang makialam sa kung anong gusto kong gawin. Isa pa, baka nga matuwa pa sila, e. At least, wala nang pabigat sa mga buhay nila.

“Anak ka namin kaya dapat lang na maging matalino ka. Ano na lang ang sasabihin ng iba kung malalaman nilang bobo ang anak namin? Malaking kahihiyan ‘yon, Diane!”

“Mataas ang expectations namin sa’yo, anak. Pinapaaral ka namin sa isang magandang university dahil ikaw ang magma-mana ng lahat ng negosyo natin balang araw. Don’t let us down.”

Mapait akong natawa nang muli kong maalala ang palaging sinasabi sakin ng mga magulang ko. Walang araw na hindi ko ‘yan naaalala. At walang araw na hindi ako naiinis sa tuwing maririnig ko ‘yan. Whenever I heard those words? I always have this urge to end all of this. Ayoko na kasing mahirapan. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na anak ang turing nila sakin. It’s more like, binuhay lang nila ako at inalagaan for the sake of their business. Minsan nga naiisip ko… buhay ko pa ba ‘to? Kasi lahat na lang ng kilos at desisyon ko sa buhay pinapakialaman nila.

All these years… I’ve been trying my best na mag-aral ng mabuti, ma-appreciate nila ang mga ginagawa ko para sa kanila at maging proud sila sakin. Pero sa totoo lang, hirap na hirap na ako kasi parang kahit anong gawin ko, hindi nila ‘yun makita, e. Para bang, kahit na sa dinami-dami ng mga ginawa kong tama, palagi lang nilang nakikita ‘yung mga mali ko. Pakiramdam ko wala na akong ginawang tama. Pero kahit ganun… mahal ko pa rin sila. Magulang ko sila, e. At kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magkakaroon ng maganda at maayos na buhay.

Pero sana naman kahit minsan… kahit minsan lang, gusto kong maramdaman na andyan sila para sakin. Nung una, umaasa pa ako na balang araw mapapansin din nila ako. Akala ko maibibigay din nila ‘yung pagmamahal at atensyon na kailangan ko. Pero nagkamali ako. Lumipas ang ilang taon at mas lalo lang silang nawalan ng pakialam sakin. Kapag nakakagawa ako ng mali, saka lang nila ako napapansin. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Ang sakit maramdaman na parang hindi nila ako anak. Kahit sa mga oras na kailangan ko sila, wala. Laging wala. Nakakasawa na.

“Ba’t pa kaya ako nabuhay?”

Lagi naman akong nagkakamali, e. Kaya ano pang silbi ko? Wala, ‘di ba? Wala naman akong ginawang tama sa buhay ko. Ba’t pa ako nabuhay kung wala rin lang nagmamahal sakin? Kahit ‘yung kaisa-isang taong akala ko matatanggap at mamahalin ako, niloko’t iniwan din ako. Akala ko, siya na. Akala ko siya ‘yung taong mamahalin ako at hindi ako iiwan. Pero mali na naman ako. Siya lang kasi ‘yung kinakapitan ko, e. Pero iniwan na niya ako kaya mag-isa na naman ako. Kung sabagay, wala namang bago. Sanay na akong mag-isa pero ang sakit pa ding maiwanan. Hindi ba ako kamahal-mahal? Lahat na lang iniiwan ako. Pagod na pagod na ako sa buhay ko.

Suko na ako.

Ayoko na. Tama na ‘to. Ayoko na nang ganito. Ayoko nang makaramdam ng sakit. Siguro nga, mahina ako. Pero nasasaktan lang naman ako, e. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong maiwanan ng paulit-ulit. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko at ito lang ang naiisip kong paraan.

Sabay-sabay kong ininom ang ilang piraso ng gamot kasabay ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ayoko na.

~•~

“Ba’t hindi pa din siya nagigising…? Nag-aalala na ako sa anak natin, Anton… Hindi ko kayang mawala ang anak ko…”

“Shh tahan na, Rhea… Ligtas na ang anak natin. Malalampasan din natin ‘to kaya ‘wag ka nang umiyak. Alam kong magigising din siya…”

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Ano bang nangyayari?

Dinilat ko ang mga mata ko at inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa ospital pala ako. Napatingin ako kay mama at papa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito sila at halatang galing sila sa pag-iyak. Ako? Iniiyakan nila?

“Anak…” naiiyak na sabi ni mama at niyakap ako.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Wala.

Nakayakap sakin ngayon si mama pero hindi ako makaramdam ng tuwa o ng kahit ano.

“Anak… buti naman gising ka na… Alalang-alala kami ng papa mo sa’yo…” humiwalay ng pagkakayakap sakin si mama at hinaplos-haplos ang buhok ko.

“Anong pakiramdam mo, anak? May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?” dere-deretsong tanong ni papa.

Nag-aalala sila?

Tumango lang ako bilang sagot.

“Anton, tawagin mo ‘yung doktor… Gising na ang anak natin…” nakangiting sabi ni mama habang maluha-luha pa din ang kanyang mga mata.

Lumabas si papa ng kwarto para tawagin ang doktor at naiwan kaming dalawa ni mama sa loob.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo, anak?”

Tumango lang ako habang hindi tumitingin sa kanya. Ayoko siyang kausapin. Ayokong kausapin ang kahit sino.

“Anak… ano bang problema?”

Napatingin ako kay mama dahil sa tanong niya. Ba’t niya tinatanong ‘yan ngayon? Hindi ko siya sinagot at inalis ko lang ang tingin ko sa kanya.

Bumukas ang pintuan at pumasok si papa at isang babaeng doktor.

“Hello, Diane,” nakangiting bati sakin nung doktor. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Tumango ako.

“Don’t worry. We’ll just run a 24-hour observation on you and if there won’t be any complications, you will be discharged tomorrow. Okay ba ‘yun sa’yo?” tumango ulit ako.

“Okay, then,” lumingon siya kay papa, “Mr. Villafuerte, can I talk to you for a moment?”

Tumingin muna sakin si papa at tipid na ngumiti bago sila lumbas ng kwarto.

“Anak, nagugutom ka na ba? Ano gusto mong kainin?” mahinahong tanong sakin ni mama.

Hindi ako umimik.

“Anak…” naiiyak na sabi ni mama, “bakit mo ginawa ‘yun…?” nagsimulang tumulo ang kanyang luha. “B-Bakit ka nagtangkang magpakamatay…?”

“Gusto kong magpahinga. Iwan mo muna ako,” malamig kong sabi sa kanya.

“Anak naman… Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka naman ganyan ah…” Bakit? Ano bang alam mo tungkol sakin?

“Anak, nanay mo ako… Pwede kang magsabi ng kahit ano sakin…”

Napatingin ako sa kanya at ngumisi, “Talaga? Nanay kita?”

“Anak, ano bang—”

“Kung nanay kita, bakit hindi ko maramdaman ‘yun sa loob ng labing-walong taon?”

Mukhang nagulat siya dahil sa pagsagot ko sa kanya ng pabalang. Gusto kong malaman niya ang lahat. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na lagi nilang pinaparamdam sakin.

“Anak niyo ba ako, ma? Anak niyo ba ako ni papa? Dapat ba na ‘yun ang itawag ko sa inyo? Nahihirapan kasi akong maramdaman ‘yun, e. Hindi ko maramdaman na anak ang turing niyo sakin. Imbis na ituring niyo akong anak, para lang akong robot sa paningin niyo. Taga-sunod ng mga gusto niyo. Kailan niyo ba ako pinakinggan? Tinanong niyo ba kung anong gusto ko? Hindi naman, ‘di ba?”

“Anak… Alam namin kung ano ang mas makakabuti para sa’yo… Please ‘wag ka namang magsalita ng ganyan.”

“E hindi naman ako magkaka-ganito kung hindi dahil sa inyo, e. Kung naging magulang lang sana kayo sakin, hindi ako magtatangkang magpakamatay. Hindi ko gugustuhing mawala na lang sa mundong ‘to.”

Nakikita ko sa mga mata ni mama ang sakit dahil sa mga salitang binibitiwan ko. Ganyang-ganyan din ako sa tuwing pinapamukha nila sakin ang mga pagkakamali ko. “Mahal ka lang namin, anak…”

Natawa ako sa sinabi niya, “Mahal? Mahal niyo ako? Kung mahal niyo ako, asan kayo noong kailangan ko kayo? Noong mag-isa ako? Noong umiiyak ako dahil sa sobrang sakit? Wala, ma. Wala kayo ni papa,” parang biglang lumalabas ngayon lahat ng naipong sakit at sama ng loob ko sa kanila. “Tapos ngayon sasabihin mo na mahal niyo ako? Tangina pala, e! Hihintayin niyo pa akong mamatay bago ko kayo maramdaman!”

Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa kanang pisngi ko. Sinampal ako ni mama. Tinignan ko siya ng walang kaemo-emosyon. Kitang-kita naman sa mukha niya ang pagkagulat at pagsisisi sa ginawa niyang pagsampal sakin.

“Anak… I-I’m sorry… Hindi ko sinasadya… I’m really sorry…” hahawakan na niya sana ako pero tinabig ko ang kamay niya.

“Gusto kong mapag-isa,” walang emosyon kong sabi.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si papa. Lumapit siya samin ni mama, “Anong nangyayari?”

“N-Nasampal ko siya, Anton… I’m sorry, h-hindi ko sinasadya,” umiiyak na sabi ni mama.

“Diane…” tawag sakin ni papa kaya tumingin ako sa kanya, “What happened?”

Napabuntong-hininga ako, “Get out.”

“Diane,” may halong pagbabanta sa boses ni papa.

“Pa, please. Si mama na lang ang tanungin mo, ‘wag ako. Gusto kong magpahinga,” umayos ako ng pagkakahiga at tinalikuran sila.

Ilang sandali ay narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Lumingon ako para tignan kung umalis na sila. Wala na nga sila. Buti naman. Ayoko silang makita at makausap. Supposedly, dapat matuwa ako sa atensyon na binibigay nila. Pero hindi, e. Kailangan bang mapunta muna ako sa bingit ng kamatayan bago sila mag-alala? Nakakainis lang. Kung gusto nilang bumawi, then it’s too late for that. The damage has been done at hindi ‘yun basta-basta mawawala. Nasaktan na nila ako, e. Napag-isip isip ko na hindi na ako babalik sa dati. ‘Yung mahina at iyakin na Diane. ‘Yung nanghihingi ng pagmamahal at atensyon sa iba. Wala na siya. She’s already dead. From now on, wala na akong pakialam sa kanila o sa kahit sino.

~•~

Nakauwi na ako sa bahay namin at nandito ako ngayon sa kwarto ko. Habang pauwi kami kanina, ramdam na ramdam ko na gusto nila akong makausap. Pero ayoko. Isa pa baka ‘pag nag-usap kami, lalo lang kaming mag-away. Ayoko nang makipatalo pa sa kanila.

Biglang may kumatok sa pintuan at bumukas iyon.

“Anak, may bisita ka,” sabi ni papa.

“Sino?”

“Si Christian.”

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan niya.

“Pinapasok niyo siya?” naiirita kong tanong sa kanya.

“Anak… Gusto ka niya lang dalawin. Wala naman sigurong masama dun, ‘di ba? Isa pa, may pinagsamahan din naman kayo ni Christian.”

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Wala kasi kayong alam.

“Okay, fine. Susunod na ako,” sabi ko.

Umalis na si papa at naiwan akong mag-isa dito sa kwarto. Ngayon na lang ulit kami magkikita mula nung nakipaghiwalay siya. Matapos ang lahat ng ginawa niya? Hindi ko alam kung handa na akong makita siya.

Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko siya sa living room na nakatalikod sakin habang hawak ang picture frame ko.

“What the hell are you doing here?”

Napalingon siya sakin at saka niya binaba ang picture frame, “Uh…” tumikhim siya, “Hi, Diane.”

Inirapan ko siya at umupo sa sofa. Lumapit siya at uupo rin sana sa sofa pero hinarangan ko siya, “Dun ka,” turo ko sa isang one-seater na upuan.

Bahagya siyang natigilan at saka siya umupo dun, “So… kamusta ka naman?”

“Okay lang.”

Natahimik kaming dalawa. Ba’t ba kasi siya nandito? Hindi niya ba alam na ayoko siyang makita?

“Diane?”

“Ano?”

“Bakit hindi mo sinabi sakin?”

Napatingin ako sa kanya.

“‘Yung pag-inom mo ng anti-depressants,” huminga siya ng malalim, “why didn’t you tell me about it?”

“Why should I?”

“Diane, may karapatan akong malaman ‘yun.”

“Bakit, ano ba kita? Boyfriend ba kita? Hindi, ‘di ba? Hindi na. Kaya hindi mo na kailangang malaman ang lahat ng nangyayari sakin mula nang makipaghiwalay ka. Isa pa, nagsimula lang akong uminom nun when you broke up with me.”

I was so depressed back then kaya umiinom ako ng anti-depressants. Hindi ko kasi kinakaya ang sakit ng mga panahong ‘yun kaya ko ginawa ‘yun. My parents didn’t know about it. I overdosed myself with anti-depressants kaya siguro nalaman nila nang ma-ospital ako dahil sa suicide attempt ko.

“But still. Dapat sinabi mo sakin.”

“Para saan pa? Para maawa ka sakin? Ganun ba ‘yon?”

Tinignan niya ako, “I was worried, you know…”

Natigilan ako bigla sa sinabi niya at napa-iwas ako ng tingin. Bakit ba ganyan siya? Bakit parang nag-aalala nga talaga siya sakin? Bakit ganyan siya tumingin? He always has that look pag nag-aalala siya sakin nung kami pa.

No.

Ayoko na.

Itigil mo ‘to, Diane.

“I’m sorry.”

I’m sorry…

Ang tagal kong hinintay na marinig ang mga salitang ‘yan mula sa kanya. Dati, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, mag-sorry lang siya, tatanggapin ko siya ulit. Mahal ko siya, e. Kaya lahat gagawin ko para sa kanya. Isa pa, siya na nga lang ang meron ako nun, mawawala pa ba? Ayokong iwanan niya ako. Pero wala. Iniwan niya ako.

Napapikit siya sandali at nang dumilat siya ay nakatingin siya sakin ng seryoso, “For hurting you. For being a jerk. For leaving you and for not choosing you. I’m sorry, Diane… I’m really, really sorry…”

Ayoko mang aminin… kaya lang wala, e. Pakiramdam ko konti na lang bibigay na ako. Pero hindi pwede. Alam kong masasaktan lang ako kaya hindi na pwede. Ayoko na. Tama na ‘yung sakit. Nakakapagod na.

“So? Anong gusto mong gawin ko?”

“Diane naman…”

“Ine-expect mo bang patatawarin kita ng ganun kadali?”

“Diane… Alam kong sobra kang nasaktan dahil sa ginawa ko. Niloko’t iniwan kita. Alam ko namang mali pero ginawa ko pa rin. Pero Diane… sa maniwala ka’t sa hindi, nagsisisi na ako sa ginawa ko. Please… sana mapatawad mo ako…”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko pero mabilis ko din itong pinahid, “Sige nga, Christian. Bigyan mo ako ng dahilan. Bigyan mo ako ng dahilan para patawarin kita.”

Tinitigan niya ako, “You still love me.”

“And so? Kung mahal pa din kita, kailangan na ba kitang patawarin? Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yung ginawa mo? Sinaktan mo ako, Christian. Iniwan mo ako.”

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko. Inangat niya ang mukha niya at nakita ko siyang umiiyak.

“Alam ko, Diane… Pero hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng isa pang chance? Alam kong ang gago ko para saktan ka at bigla na lang babalik. Pero, Diane… mahal kita. Mahal na mahal kita. Please, give me another chance…”

Sa mga sinabi niyang ‘yun, tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko.

Akala ko manhid na ako sa sakit. Akala ko kaya ko na siyang harapin nang hindi umiiyak at nasasaktan. Akala ko hindi ko na siya mahal.

“W-Why…? Bakit mo ‘to ginagawa sakin? Bakit mo ba ako pinapahirapan?”

“Diane…”

“Ang sakit ng ginawa mo, Christian,” mapait akong natawa. “Alam mo bang pinipilit pa kitang intindihin kung bakit ka nakipaghiwalay? Naisip ko kasi na baka nagkulang lang ako sa’yo. Na baka nasaktan kita. Pero hindi, e. H-Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniwan. Ang hirap, Chris… Ikaw lang ang meron ako nun… Pero iniwan mo ako.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko habang nakaluhod pa din siya. “I’m sorry Diane… Please, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. And I promise, hindi na kita sasaktan. Hindi na kita iiwan. Please, Diane… ‘Wag ganito. Mahal na mahal kita…”

Mapait akong napangiti sa mga sinabi niya.

“Talaga? Hindi mo ako iiwan?” tanong ko sa kanya.

“Hinding-hindi, Diane,” nakangiting sabi niya sakin.

“Hindi ka mapapagod sakin?”

“Ba’t naman ako mapapagod? Mahal kita, e. Mahal na mahal.”

“Promise?”

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit, “Promise.”

Nangako siyang hindi niya ako iiwan. Pero, ano? Ginawa niya pa din. Ang sakit lang dahil umasa akong tutuparin niya ang pangako niya. Hindi pala.

“Tama na, Chris? Ang sakit na, e. Mangangako ka pero hindi mo naman gagawin.”

“Diane, please… Nagbago na ako. Maniwala ka naman sakin oh…”

Pinahid ko ang mga luha ko, “Tumayo ka dyan. At umalis ka na.”

“Diane…”

Tumayo ako, “I’m sorry, Christian. Pero ang hirap mo nang pagkatiwalaan ulit, e. Mahirap nang ibalik ang isang bagay kapag sira na. ‘Wag ka mag-alala. Siguro balang araw mapapatawad din kita. Pero hindi ngayon,” umalis na ako at iniwan ko siyang nakaluhod pa din.

Bumalik ako sa kwarto ko at saka humiga sa kama. Muli na namang tumulo ang luha ko. Ba’t ba kasi siya bumalik? Iniwanan niya ako tapos bigla siyang babalik na parang walang nangyari? Ano, lokohan lang? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan ‘tong bwisit na nararamdaman ko sa kanya. Akala ko okay na, e. Pero nung makita ko siya ulit? Wala. Sisimulan ko na namang kalimutan siya. Akala ko pinatay ko na ‘tong nararamdaman ko sa kanya. Hindi pa pala.

Ba’t ba naman kasi mahal ko pa ‘yun? Sinaktan na nga ako, mahal ko pa rin. Kaya ayoko siyang makita, e. Kasi sa oras na magkita ulit kami, alam kong babalik lahat. Hindi lang ‘yung pagmamahal ko sa kanya kundi pati na rin ‘yung sakit na pinaramdam niya sakin. Pero siguro, ganun nga talaga ang mga tao. Kahit masakit na, nagmamahal pa din. Nasa sa’yo na lang ‘yun kung pipigilan mo o hindi. Pero ako? Mas pinili kong pigilan. Kasi ayoko nang masaktan.

~•~

Ilang linggo ang lumipas at ganun pa din ako sa magulang ko. Hindi ko sila masyadong kinakausap at palagi lang akong nakakulong sa kwarto ko. Mas pinili kong ‘wag na munang pumasok dahil siguradong maraming magtatanong kung anong nangyari sakin at ayoko silang pag-aksayahan ng oras.

Tumingin ako sa orasan. Hapon na pala. Naisipan kong lumabas muna ng bahay. Nagsuot lang ako ng black shirt at pants and rubber shoes. Lumabas ako ng kwarto ko at saka bumaba sa salas. Nandoon sina mama’t papa habang nanonood ng tv.

“Oh, anak. May pupuntahan ka?” tanong sakin ni papa.

“Maglalakad-lakad lang ako, pa.”

“Sige. Basta bumalik ka bago mag hapunan, ha?”

Hindi na ako sumagot at lumabas na ng bahay. Pumunta ako sa isang playground na malapit lang sa bahay namin. Umupo ako sa isang bench. Buti na lang at iilan lang ang mga tao dito. Napatingin ako sa mga batang nasa slide. Ang saya-saya nilang tignan. Buti pa sila. Walang problema. Madaling makalimot sa mga bagay na masakit. Paano kaya maging masaya? Parang ang tagal na nung huling beses kong naramdaman ‘yun. Siguro dahil sa kakangiti ko kahit hindi naman ako masaya, nakalimutan ko na kung anong pakiramdam ng pagiging totoong masaya.

Naramdaman kong may biglang may kumalabit sakin sa gilid ko. Lumingon ako para makita kung sino ‘yun. Nakita ko ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa pitong taong gulang pa lang. Nakangiti siya at may hawak na isang pulang bulaklak. Napakunot ang noo ko nang biglang iabot niya ito sakin.

“Uh… ba’t mo ako binibigyan niyan?”

“Wala lang po. Parang ang lungkot niyo po kasi, e. Kaya heto po oh. Kunin niyo na po.” Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang bulaklak at saka siya umalis para makipaglaro sa ibang bata.

Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napalingon ako. Nakita ko ang isang madre na nakangiti sakin, “Ikaw pala ang pinagbigyan ni Ella ng bulaklak.”

“Ah, opo.”

“Ba’t ka naman malungkot, hija?”

Tipid akong ngumiti, “Wala po ‘to.”

“Alam mo hija, mas magiging maayos ang pakiramdam mo kung ilalabas mo ‘yang nararamdaman mo. Kasi kung hindi, maiipon ‘yan sa loob mo at baka sa sobrang dami ay hindi mo na makayanan.”

Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang naisipan ko na magsabi sa kanya ng mga nararamdaman ko. Siguro dahil sa hindi ko na kaya. Siguro dahil gusto ko nang sumaya. Gusto ko nang maalis ‘tong sama ng loob ko dito sa puso ko.

Ikinwento ko sa kanya lahat. Mula sa sama ng loob ko sa magulang ko, sa pag-iwan sakin ni Christian hanggang sa pagtatangka kong magpakamatay. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harapan niya habang nagke-kwento ako. Pagkatapos kong magkwento ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Ang sakit pa din pala. Akala ko hindi na ako nasasaktan. Akala ko manhid na ako dun. Hindi pa rin pala.

“Shh, tahan na, hija…” sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ko ang aking mga luha, “P-Pasensya na po… Hindi ko po napigilan, e…”

Nginitian niya ako, “Ayos lang, hija. Gumaan ba ng pakiramdam mo kahit konti?”

Matipid ko siyang nginitian, “Medyo po.”

“May tanong ako sa’yo, hija.”

“Ano po ‘yun?”

“Mahal mo ba ang magulang mo?”

Napatingin ako sa kanya.

Mahal ko ba sila?

Hindi ko alam.

“Kasi alam mo, mahal ka nila. Mahal na mahal ka nila.”

“P-Paano niyo naman po nasabi? Wala nga po silang oras para sakin, e.”

“Tao sila, hija. Nagkakamali. Hindi sila perpekto. Minsan, kung anong akala nilang tama at mas makakabuti ay ‘yun pa ‘yung hindi. Minsan nagkakamali din sila sa mga nagiging desisyon at kilos nila. At ‘yung sinasabi mong wala silang oras para sa’yo? Kasi nagta-trabaho sila. Nagta-trabaho sila para sa’yo. Para mabigyan ka ng maayos at magandang buhay.”

“Pero hindi naman po ‘yun ang kailangan ko, e. Kahit konting oras lang, ibigay nila sakin. Hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay. Basta makasama ko sila, ayos na sakin ‘yun. Ang mahalaga nandito at kasama ko sila.”

“Alam mo hija… tulad ng sinabi ko kanina, nagkakamali sila. Ikaw ba? ‘Pag nagkakamali ka, sabi mo kanina sinasabihan ka din nila, ‘di ba? Kasi gusto nila na pag-butihan mo pa. They want you to be better. Not to feel down. Maniwala ka, hija. Mahal ka nila,” parang may kumirot sa puso ko sa mga sinabi niya at isa lang ang naiisip ko ngayon.

Ang sama ko.

Ang sama-sama ko. Hindi ko sila inintindi. Hindi ko inintindi na para sakin din ‘yung ginagawa nila. Sobrang makasarili ko para isipin na hindi nila ako mahal. Na hindi nila ako anak. Parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Nagkamali ako. Maling-mali ako sa mga sinabi’t ginawa ko. Siguro, hindi na nila ako mapapatawad. Siguro, mag-isa na nga lang talaga ako.

“Alam mo hija, ang swerte mo kasi may mga magulang ka. Hindi katulad nila,” tumingin siya sa mga batang naglalaro sa may slide. Isa na rin dun si Ella na nagbigay sakin ng bulaklak kanina. “Wala na silang mga magulang. Sila ang mga batang inaalagaan namin sa orphanage. Kaming mga madre ang nag-aalaga sa kanila na dapat sana ay ang mga magulang nila. Hindi lang sila. Siguradong marami pang ibang bata ang iniwanan ng magulang. Kaya napakaswerte mo dahil kilala mo at andyan ang mga magulang mo.”

Muli na naman akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko napakasama kong anak. Hindi ko na dapat inisip na hindi nila ako anak. Nagsisisi na ako sa mga ginawa at sinabi ko sa kanila. Sana mapatawad pa nila ako. Sana hindi pa huli ang lahat.

“M-Mapapatawad pa ba nila ako…?” umiiyak kong tanong.

Ngumiti siya, “Oo naman. Mahal ka nila, hija. ‘Wag mong isipin nag-iisa ka dahil andyan ang magulang mo na nagmamahal at tatanggap sa’yo kahit anong mangyari.”

Tama siya. Alam kong sila lang ‘yung taong hindi ako iiwan kahit kalian. Oo, nasaktan nila ako dati. Pero ginagawa lang naman nila kung anong mas makakabuti para sakin, e. Kaya dapat intindihin ko sila. Ayokong dumating ang panahon na bigla na lang din nila akong sukuan at iwanan. Pagod na akong mag-isa. Siguro, panahon na rin para kalimutan ko ‘yung mga masasakit na nangyari dati. Gusto ko nang sumaya. Gusto ko nang makasama ang pamilya ko. Kaya naman hihingi ako ng tawad sa mga pagkakamali ko at sasabihin ko sa kanilang mahal na mahal ko sila.

~•~

After 2 years…

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si mama, “Diane, bilisan mo na dyan. Male-late na tayo sa event. We have to be earlier than the guests, ‘di ba?”

“Wait lang, ma. Matatapos na ko,” sabi ko habang sinusubukang isuot ang kwintas na bigay niya sakin noong birthday ko.

Lumapit siya sakin, “Let me help you with that,” kinuha niya sakin ang kwintas at siya ang nagsuot nito sakin.

Pagkatapos niya itong maisuot sakin ay hinawakan niya ako sa balikat at tinignan niya ako mula sa salamin, “Ang ganda talaga ng anak ko…”

Tumawa ako, “Of course, ma. Mana sa’yo, e.”

Natawa din siya sa sinabi ko, “Let’s go? Naghihintay na ang papa mo sa baba.”

“Mauna ka na, ma. Susunod ako,” sabi ko at saka ngumiti.

Nginitian din ako ni mama at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako dito sa loob. I can’t believe this is happening. Okay na kami ng parents ko. More than okay, actually. Since that day, naging maayos na ang relationship ko sa kanila. Mas naging close ako sa kanila. I told them everything especially ‘yung nangyari samin ni Christian. Sabi ni papa, only if he had known, malamang hindi na niya ako hinayaang makipagusap sa kanya. Nag-sorry din sila sa mga naging pagkukulang nila as my parents. Sabi nila babawi sila sakin. And yes, they’re doing everything they can para bumawi. Actually, masayang-masaya ako ngayon kasi andyan sila. I never felt so happy before. Never na rin silang nawalan ng time para sakin. I also continued my studies a few weeks after. Mas pinag-butihan ko ang pag-aaral ko to show them how grateful I am because they’re my parents. Ang swerte ko kasi nagkaroon ako ng magulang na katulad nila. Eventually, all my efforts had paid off. I am now the CEO of one of the companies our family has. Nung una, ayokong tanggapin dahil wala pa akong masyadong experience when it comes to handling business. Buti na lang si papa ang nag-train sakin to be the CEO. And this day is where I’ll be introduced as the new CEO. I just hope everything would be great.

Kinuha ko na ang clutch bag ko at saka muling humarap sa salamin.

You can do this, Diane. Just be yourself.

~•~

Nandito na kami ngayon sa venue kung saan gaganapin ang event. It’s a formal event with people wearing suits and gowns. Karamihan sa mga andito ay ang mga taong kilalang-kilala sa larangan ng business. Nagsimula akong kabahan. What if hindi nila ako magustuhan? What if hindi ko magawa ang mga responsibilities ko ng maayos? I don’t want to disappoint them lalong-lalo na ang parents ko. Pinagkatiwala nila sakin ang kumpanya and I don’t want to ruin it.

“Anak…” napatingin ako kay mama nang tawagin niya ako and she has a worried look, “Are you ok?”

“Kinakabahan ako, ma…”

She smiled and hinawakan ang kamay kong nakapatong sa table, “Everything will be alright, Diane. Relax ka lang. Nandito naman kami ng papa mo.”

Tumango ako kahit na kinakabahan pa din ako. Gods, Diane. Calm down.

Since mamaya pa naman ‘yung program, napagpasyahan ko na pumunta sa mini garden ng venue. Makikita doon ang isang fountain at kalapit nito ay isang swimming pool. Umupo ako sa may fountain. Biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa clutch bag ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ‘yung nag-message.

From: Christian

2nd floor 🙂

2nd floor? Tumingin ako sa harapan ko kung saan tanaw ang 2nd floor ng venue. Nakita ko siya sa may terrace. He smiled at me and waved his hand. Napangiti na rin ako nang makita ko siya.

I missed him.

Muling tumunog ang cellphone ko. Nag-message ulit siya.

“Puntahan kita dyan. Wait for me :)”

What is he doing? Hindi na ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sakin. Ang besides, it’s been a long time since we saw each other. Ilang sandali ay dumating na siya. Umupo siya sa tabi ko habang ngiting-ngiti.

Okay…?

“How are you, Ms. CEO?” he asked, smiling.

Napatawa ako, “I’m fine. You?”

He shrugged, “Not fine.”

“Why?”

“Because I still have some unfinished business.”

What? May problema ba siya sa kompanya nila?

“What’s wrong? Baka may maitulong ako.”

Tumawa siya, “It’s not about our business. If that’s what you think.”

Napa-kunot ang noo ko, “E tungkol saan?”

Tinignan niya ako sa mata, “About you. About us.”

Natahimik ako sa sinabi niya. The last time we’ve talked… it didn’t went well. I guess it’s time na hayaan ko ang sarili ko na maging masaya.

I smiled at him, “You’re already forgiven, Chris.”

His jaw dropped at what I said. Natawa ako sa reaksyon naging reaksyon niya, “Really?” tanong niya nang hindi makapaniwala.

“Oo nga,” natatawa kong sabi.

“Wow,” he breathed out. “I can’t believe it. Akala ko hindi mo na ako mapapatawad, e.”

“Na-realize ko rin kasi na walang mangyayari kung patuloy akong magagalit sa’yo. I want to be happy, Chris. At magagawa ko lang ‘yun kapag wala nang galit dito sa puso ko.”

Natahimik ulit kaming dalawa. Seriously, hindi ko alam kung okay na kami or hindi pa rin. Ang tahimik niya kasi. Hindi naman siya ganito dati.

“Yanyan…”

Nagulat ako ng tawagin niya ako sa nickname ko.

That name…

He used to call me that nung kami pa. Kaya lang hindi ko na ‘yun masyadong inisip pa. That name held too many emotions and memories kaya ayoko nang alalahanin dati.

Nakakapanibago.

“A-Ano ‘yun?”

“Can I ask you a favor? Kung okay lang sa’yo.”

“Ano ba ‘yun?”

He gestured for me to move closer. Lumapit naman ako. Pero hindi ganun kalapit.

“Ang layo mo naman, e. Lapit ka pa.”

Lumapit ulit ako. Halos magdikit na ang mga braso namin.

“Lapit pa.”

“Ano bang malapit sa’yo, ha?”

Ngumisi siya, “Ganito.”

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang ko at hapitin ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako mula sa bewang ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

“H-Huy! Ano bang ginagawa mo dyan?” tanong ko sa kanya nang hindi mapakali. Sobrang lapit niya sakin. Though, ganito rin ang ginagawa niya kapag naglalambing siya nung kami pa. Pero, wala na kami, ‘di ba? Hindi na ako sanay sa mga ganitong kilos niya.

“Hayaan mo muna ako, Yanyan… Na-miss lang kasi talaga kita,” his voice broke.

He’s crying.

“Chris…”

“I’m really a jerk, you know? Pinakawalan ko kasi ‘yung babaeng pinakamamahal ko.”

Napangiti na lang ako, “Is it safe to assume na ako ang tinutukoy mo?”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, “Yes. It is you,” inangat niya ang mukha niya at tinignan ako ng deretso sa mata. “I still love you. But I know you don’t love me anymore.”

Napayuko ako, “I-I’m sorry…”

Nginitian niya ako at hinalikan ako sa noo, “It’s okay. You don’t have to say sorry. Just let me love you for a while, okay? Hindi mo ako kailangang mahalin. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka.”

“Pero, Chris… Ayokong paasahin ka…”

“Huwag mo nang isipin ‘yun, Diane. Problema ko na ‘yun kung aasa ba ako o hindi. Besides, hindi ko kayang hindi ka mahalin, e. Just give me time. After that, magmo-move on na ako sa’yo,” nakangiti niyang sabi.

Ayoko siyang saktan pero wala akong magagawa. Siya na ang nagsabi. Wala na akong magagawa para pigilan siya.

“Fine. Just don’t love me too much, okay? Ayokong masaktan ka.”

“I’ll try.”

Tinaasan ko siya ng kilay at natawa naman siya.

“Fine, oo na.”

Ang sarap sa pakiramdam na okay na ulit kaming dalawa. Kahit na hindi na kami, at least kahit papano naayos ang relationship namin sa isa’t-isa. Siguro nga, we’re better off as friends na lang. Mas okay na ‘yun sakin. Yes, I still love him. Pero hindi na katulad ng dati. Mahal ko siya bilang kaibigan ko. And I don’t want to lose him.

Lumayo siya ng konti sakin, “So, friends na tayo?” nilahad niya ang kamay niya.

Tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya.

“Friends.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s