Poems

Poem #1: Kasalanan ko ba?

Isang tanong na laging sinasambit

Sa mga sitwasyong ako’y nagigipit

Isang tanong na ayaw kong sagutin ng “oo”

Sapagkat ayokong harapin ang totoo

Hindi dahil sa hindi ko matanggap

Hindi dahil sa ako’y mapagpanggap

Kundi dahil hindi ko inaasahan

Na ganyan na pala ang iyong nararamdaman

Hindi ko ginustong paasahin ka

Sa mga sandaling ika’y aking napapasaya

Pilit na inaalis sa aking isipan

Sapagkat alam kong wala itong patutunguhan

Pagkakaibigan nating dalawa

Ngayo’y masisira na ba?

Palaging nagbubulag-bulagan

Sa isang katotohanang nais malimutan

Bakit ba sa akin ka pa nagkagusto?

Isang bagay na ayoko dito sa mundo

Dahil hindi pa ako handa

Sa sakit na dulot ng mga paasa

Kung ikaw man ay aking nasaktan, patawad

Kung ikaw man ay aking pinaasa, patawad

Kung hindi man kita binigyan ng pagkakataon, patawad

Pero teka, kailangan ko nga bang humingi ng tawad?

Kasalanan ko ba?

Hindi

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s