Poems

Poem #4: Sugal

Mga nararamdamang hindi winakasan

Dahil ni minsan ay hindi ito sinimulan

Parehong minamahal ang isa’t-isa

Ngunit bakit biglang lumayo ang isa?

Mga salitang hindi kayang sabihin

Sapagkat baka ito’y biglaang bawiin

Pusong minsan nang dinurog at sinaktan

Ngayo’y patuloy na umaasa kahit na siya ay sugatan

Isang ugnayang walang kasiguraduhan

Dahil sa takot na mahulog at masaktan

Mga kamay na mahigpit mong hinahawakan

Ngunit sa bandang huli ay maaari mo lamang bitawan

Ang mga masasayang sandali habang tayo’y magkasama

Biglang napalitan ng lungkot at masasamang alaala

Ang mga matang puno ng pagmamahal para sa akin noon

Ngayo’y mistulang isa akong estranghero sa paglipas ng panahon

Hindi kaya ayaw mo na?

Hindi kaya pagod ka na?

Ngunit ikaw ba ay tunay na seryoso?

O baka naman ito ay isa lamang laro?

Siguro nga laro lamang ito para sa’yo

Sapagkat iyon naman talaga ang ugali mo

Katangahan nga siguro ang aking ginagawa

Ngunit ito ay dahil lang sa mahal kita

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s