Poems

Poem #5: Laro

“Gusto kita”

Ito ang mga binitiwan mong salita

Mga katagang tumatak sa aking isipan

Sa pag-aakalang ako nga ay tunay mong nagugustuhan

Ang mga kilos mo na hindi ko naman pinapansin

Ngayo’y biglang nagkaroon ng ibang kahulugan para sakin

Tama ba na ito ang isipin ko?

O baka guni-guni lamang para sa isang katulad ko?

Mga nararamdamang pilit kong pinipigilan

Sapagkat alam kong ako lamang ay masasaktan

Ngunit tunay nga na ang tadhana ay mapaglaro

Dahil ako naman ay nahulog sa’yo

Hindi ko ito sinasadya

At hindi ko rin ito ipagkakaila

Dahil ang lahat ay huli na

Sapagkat hindi ko na rin ito maitatago pa

Mga nararamdamang walang kasiguraduhan

Dahil sa hindi tiyak na ugnayan

Isang bagay na akala ko ay seseryosohin mo

Ngunit ginawa mo pala lamang itong biro

Ako ba talaga ay iyong nagustuhan?

O ako ay isa lamang laruan?

Siguro nga kasalanan ko din ito

Dahil hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman ‘to

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s