Poems

Porem #3: Ang Pagpapanggap

Isang katauhan na alam ng ibang tao

Na siyang pinaniniwalaan ng lahat bilang totoo

Isang taong hindi umiimik at laging nasa isang tabi

Mistulang may sariling mundo at makasarili

Ngunit sa paglipas ng panahon na siya’y naging malapit sa’yo

Malalaman mong iba siya sa iniisip at inaakala mo

Ang isang taong tahimik at walang ekspresyon

Kaya palang ngumiti at magkaroon ng emosyon

Pero ito ba ang totoo at tunay niyang ugali?

O isang kasinungalingan para itago ang kanyang sarili?

Kayo na ang humusga sa kanyang pagkatao

Tutal doon naman magaling ang lahat ng tao

Realidad na nais takbuhan

Katotohanang gustong takasan

Isang realidad na puno ng pagpapanggap

Sanhi ng mundong hindi katanggap-tanggap

Isang taong punong-puno ng sikreto

Dahilan ng hindi katiwa-tiwalang mundo

Suliraning sa’yo nagsimula

Sapagkat ikaw ang unang sumira ng kanyang tiwala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s