Poems

Poem #6: Mahal kita

Kailan nga ba ang unang beses?

Dalawang salita ay galing sa iyong boses

Siguro ito ay noong umamin ako sa’yo

At laking tuwa ko nang marinig ang mga sinambit mo

Ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman?

Mistulang hindi mo na ako pinapahalagahan

Sapagkat ang pagsasabi mo ng “mahal kita”

Parang wala ng halaga at kinasanayan mo na

“Mahal mo pa ba ako?”

Iyan ang gusto kong tanungin sa’yo

Ngunit natatakot akong magalit ka

At baka ito pa mismo ang makasira sa ating dalawa

Oo, mahal kita

Mahal na mahal kita

Kaya nga kahit ano gagawin ko

Matanggap mo lamang ako at ng pamilya mo

“Mahal mo ba talaga ako?”

Isang tanong na palaging nasa isip ko

Ngunit pilit ko rin itong inaalis sa isipan

Sapagkat ayokong ika’y aking pagdudahan

Sana mapatawad mo ako sa pag-iisip ko ng ganito

Sapagkat nahihirapan lamang akong maramdaman ang pagmamahal mo

Ngunit huwag kang mag-alala na baka masaktan mo ako

Dahil binigyan na kita ng karapatang saktan ako mula nang ika’y mahalin ko

“Mahal mo naman ako, ‘di ba?”

Tanong na mistulang ako’y nagmamakaawa

Katulad ng isang batang musmos na nanghihingi ng saklolo

Ngayo’y ako’y humihingi ng atensyon at pagmamahal mo

Mahal kita, mahal

Ngunit kailangan ko lang maramdaman ang iyong pagmamahal

Nang sa ganun ay hindi madurog ang aking puso

At handang mahalin ka ng buong-buo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s