Poems

Poem #8: Tayo

“Ano ba tayo?”

‘Yan ang gusto kong itanong sa’yo

Ngunit ako’y pinangungunahan ng takot

Takot na baka ang kasiyahan ko’y biglang maudlot

Alam kong posible akong masaktan dito

Ngunit may magagawa pa ba ako sa nararamdaman ko?

Alam ko ring posible itong mapunta sa wala

Ngunit ako ay may pakialam pa ba?

Hindi ko alam kung mahal na kita

Hindi ko rin alam kung nagusgustuhan na kita

Ang alam ko lang ay masaya akong kasama ka

At sana ito ay magtuloy-tuloy pa

Ayokong ito ay madaliin

Sapagkat sakit lamang ang kapalit

Nais ko sanang patagalin pa ang kasiyahang ito

Ngunit ako ba ay mahihintay mo?

Sana naman ay oo

Dahil unti-unti ko nang nalalaman ang totoo

Na ako nga ay nahuhulog na sa’yo

At nais kong ako ay saluhin mo

Habang ang aking mga kamay ay hindi mo pa nahahawakan

Gusto ko munang malaman kung paano mo ako mamahalin at aalagaan

Kaya pagdating ng panahon na maaari mo nang hawakan ang mga ito

Sana kailanma’y hindi mo ito magawang bitawan, pati na rin ang puso ko at ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s