Poems

Poem #10: Tama na

Ayoko na

Ayoko na dahil nakakapagod na

Ayoko na dahil nakakasawa na

Ayoko na dahil nakakasakit ka na

Ayoko na dahil bumitaw ka na

Bakit ka nga ba bumitaw?

Napagod ka din ba?

Nagsawa ka din ba?

Nasaktan ka din ba?

Hindi lang ikaw, tanga

Bakit nga ba, mahal?

Hindi ko lubos maunawaan kung bakit

O baka naman sadyang hindi ka lang kumapit

Bakit, mahal?

Hindi mo na ba ako mahal?

Ako, mahal kita

Kaya nga hindi kita binitawan, ‘di ba?

Kaya kumapit ako kahit alam kong wala na

Kahit alam kong wala ka na

Sino kayang may kasalanan sa ating dalawa?

Ako na hindi ka binitawan kahit wala ka na?

O ikaw na bumitaw kahit alam mong meron pa?

Ako na hanggang ngayon ikaw pa rin?

O ikaw na hanggang ngayon ay siya pa din?

Bakit, mahal?

Hindi ako “siya” para ligawan mo

Hindi ako “siya” para paniwalain mo na mahal mo

Hindi ako “siya” para pangakuan mo ng kung ano-ano

At hindi ako “siya” para paniwalain ako sa isang bagay na hindi totoo

Ako ‘to. Hindi siya

Nakikita mo ba ako, mahal?

O sadyang nabulag ka lang sa pagmamahal?

Pagmamahal na kailanma’y hindi magiging akin

Dahil siya lang ang nilalaman ng iyong puso’t damdamin

Tama na, mahal

Nakakapagod nang maghintay sa’yo

Lalong-lalo na kung iba naman ang mahal mo

Kaya bibitaw na ako sa lahat ng ito

At itigil na natin ‘to

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s