Poems

Poem #11: Mahal, iiwan na kita

Paalam

Isang salitang napakaraming ibig sabihin

At sa salitang ito nakapaloob ang libo-libong salita at damdamin

Maaari itong maghatid ng kalungkutan

Ngunit sa ibang tao ay pwede itong pagmulan ng kasiyahan

Paalam na, mahal

Nais kitang pasalamatan sa lahat-lahat ng ginawa mo

Sa mga panahong inalagaan at pinasaya mo ako

Sa mga panahong pinaramdam mo sakin na mahal mo ako

At higit sa lahat… nais kitang pasalamatan sa sakit na binigay mo

Marahil ay nagtataka ka sa sinabi ko

Ngunit lahat ng iyon ay totoo

Sapagkat kung hindi mo ako sinaktan

Marahil ay parati kitang iiyakan

Kaya ngayong dinurog at sinaktan mo ako

Siguro oras na para ibalik ko din ito sa’yo

Kaya habang hindi mo pa ginagawa

Uunahan na kita

Dahil tapos na ang ating laro

Oras na para ika’y iwanan ko

Ang hindi mo pagtupad sa iyong pangako

Ang siyang dahilan kung bakit tayo nagkaganito

Tinanong kita, mahal

Tinanong kita, “Maaalagan mo ba ang puso ko?”

“Oo, mahal. Pangako,” sambit mo

Ngunit anong ginawa mo?

Binitawan at sinira mo

Pinupulot ko pa lang ang pira-pirasong parte ng puso at pagkatao ko

Dumating ka at dinurog mo ulit ang mga ito

Paulit-ulit ko itong pinupulot at ipinagdidikit-dikit

At paulit-ulit mo din itong dinudurog at winawasak sa sakit

Mahal, iiwan na kita

Ngunit hindi dahil sa hindi na kita gusto

At hindi rin dahil sa napagod na ako sa’yo

Kundi dahil kailangan ko munang mahalin ang sarili ko

Bago ikaw at ibang tao

Iiwan na kita

Salamat, mahal

Salamat sa pagmamahal

Salamat sa mga alaala mo

Salamat sa atensyon at oras na binigay mo

Ngunit hindi dito nagtatapos ang ating kwento

Dahil ang pag-iwan ko sa’yo ngayon

Kapalit ang pagbabalik ko sa takdang panahon

At doon pa lamang magsisimula ang ating kwento

Advertisements

3 thoughts on “Poem #11: Mahal, iiwan na kita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s