Poems

Poem #9: Mahal, laro tayo?

Simula tayo sa umpisa, mahal

Kung saan isa sa atin ay hindi pa nagmamahal

Ako na hindi ka mahal. Ikaw na walang ibang mahal

Simulan natin sa kung paano mo ako nginitian

At kasabay nito ay ang paghinto ng orasan

Mahal, naaalala mo pa ba?

Kung paano mo ako nilapitan at tinanong kung bakit ako lumuluha?

Kung paano ka ngumiti at sinabing—”Ayos lang ‘yan, ‘wag ka na umiyak”, ay kasabay ng pagbigay mo sakin ng pag-asa

Pag-asa na may magmamahal pa sa akin at sa buong pagkatao ko

Na may tatanggap pa sa sira at nawasak na ako

Mahal, balik tayo

Sa mga masasaya’t magagandang alaala

Kung saan mayroong ikaw at ako—tayong dalawa

Kung saan wala pang “siya”

Na siyang sumira sa ating dalawa

Sabi mo, “Mahal… mahal kita.”

Ngunit ngayo’y nasaan ka na?

Sana hindi ka na nagparamdam at nagpakita

Nang sa ganun ay hindi ako magtataka na nakaalis ka na pala

Sana hindi ka na dumating kung aalis ka

Sana hindi mo na hinawakan ang kamay ko kung bibitawan mo din pala

Sana hindi mo sinabing mahal mo ako kung ngayon pala ay babawiin mo na

At sana hindi mo sinabing ako lang kung may iba ka pala

Ngunit may karapatan nga ba akong sabihin ang mga ito?

Lalong-lalo na kung wala namang “tayo?”

Patawad kung hindi kita magawang bitawan

Sapagkat hindi ko lang kayang pigilan ang aking nararamdaman

Mahal, laro tayo

Kung saan walang seryosohan

Kung saan puro lamang biruan

Naghahabulan, nagtataguan

Kung saan ang mga nararamdaman ay walang patutunguhan

Mahal, laro tayo

Kung saan walang magiging “tayo”

Kung saan lahat ng bagay ay biro

Maski ang pagsasabi mo ng mahal kita

Pati na rin ang mga yakap at matatamis mong salita

Laro tayo, mahal

Kung saan ako palagi ang taya

Ngunit sana ay hindi ka mandaya

Sapagkat ang laro natin ay sadyang nakakasakit

Lalong-lalo na kung puso na ang kapalit

Laro tayo, mahal

Kung saan mamahalin mo ako at mamahalin kita

Kung saan aalagaan mo ako at aalagaan kita

Kung saan masasaktan mo ako at masasaktan kita

Kung saan bibitawan mo ako at bibitawan kita

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s