Poems

Poem #14: Mahal, iiwan mo na ba ako?

Mahal, iiwan mo na ba ako?

Iiwan mo na naman ba ako?

May ginawa ba ako, mahal?

O baka naman sadyang hindi mo lang ako mahal?

Ako kasi mahal kita

Mahal kita kahit ang hirap mong abutin

Mahal kita kahit ang hirap mong intindihin

Mahal kita kahit sobrang nasasaktan na ako

Mahal kita kahit nagmumukha na akong tanga kakamahal sa’yo

Bakit, mahal?

Ang dami kong gustong itanong at sabihin

Ngunit lahat ng ito’y nakapaloob sa aking damdamin

Mga salitang kalianma’y hindi ko na masasabi sa’yo

Dahil binitawan mo na agad ako

Ang bilis mo namang sumuko, mahal

Buong akala ko ako ay iyong mahal

Minahal mo ba ako?

O nag-gaguhan lang tayo?

Iiwan mo na ba ako, mahal?

Kung oo, nais ko sanang sabihin mo sa akin kung bakit, kalian at paano

Bakit iiwanan mo ako

Kailan mo ako iiwan

At kung paano mo ako iiwan

Nang sa ganun, maihanda ko ang sarili ko at ang puso kong durog na durog na

Durog na durog dahil sa sakit at pagpapa-asang iyong ginagawa

Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi mo kasalanan ang nangyayari sa relasyon natin

Sapagkat sadyang tanga lang ako para paniwalaan kung ano man ang nararamdaman mo para sakin

“Bakit mo ba ako iiwanan?”

Hiling ko na sana’y maging sapat ang dahilan mo para bumitaw ka sa ating dalawa

Hindi ‘yung iiwan mo lang dahil nagsawa ka na

Hindi ako isang laruan na gagamitin mo at pagkatapos ay iiwanan mo lang ng basta-basta

Hindi ako isang estranghero na papansinin mo lang dahil may kailangan ka

Kaya sana kung iiwan mo ako

Siguraduhin mo na sapat ang magiging dahilan mo

Nang sa ganun ay maintindihan ko kung bakit mo ako binitawan

At para hindi na rin ako umasa na ako pa ay may babalikan

“Kailan mo ako iiwan?”

Mahal, maaari ko bang hilingin na huwag ngayon?

Mahal, maaari ba akong humiling ng isa pang pagkakataon?

Mahal, maaari bang huwag mo na lamang akong iwanan?

Mahal, wala na ba talaga akong babalikan?

Dahil sa tingin ko hindi ko makakayanang mawalay sa’yo

Lalo na’t ngayon na binigay ko sa’yo lahat ng meron ako

Walang-wala na ako, mahal. Ubos na ako

Pati na rin ba ang pagmamahal mo saki’y maglalaho?

Ngunit hindi kita pipigilan sa nais mo

Sapagkat kung iyon ang ikaliligaya mo

Kahit masakit para sa akin na gawin ito

Palalayain kita. Sa paarang gusto mo

“Paano mo ba ako iiwanan, mahal?”

Ito na siguro ang pinakamasakit sa lahat ng nais kong itanong sa’yo

Ang itanong kung paano mo ako iiwan kahit hindi ko naman ito ginusto

Ngunit may magagawa ba ako, mahal?

Kung sadyang ayaw at hindi mo na ako mahal?

Wala akong karapatang pigilan kang iwan at bitawan ako

Sapagkat pinangako ko sa’yo na gagawin ko kung anong ikaliligaya mo

Kung ikaliligaya mong iwan at bitawan ako

Bakit hindi ko ito gagawin? Kung iyon naman ang nais mo

Sa paraang iiwan mo ako, nais ko sana na ito ay maging sobrang sakit

Sobrang sakit hanggang sa puntong ako ay napapapikit

Napapapikit dahil ayokong nakikita kang masaya nang wala ako sa tabi mo

Dahil kaya mong sumaya kahit wala ako sa piling mo

Mahal, hindi ko kaya

Kaya maaari bang huwag mo na lamang akong iwanan?

Huwag mo na lamang akong bitawan

Sapagkat ako? Heto, handang ibigay ang lahat sa’yo

Gagawin ang lahat, mahalin mo lamang ulit ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s