Poems

Poem #16: Gago ka? Mas gago ako

Ano ka ba sa akin, mahal?

Para sa akin, ikaw ay isang kaibigan

Na naging ka-ibigan

Tayo’y naging magkasintahan

Hanggang sa tayo’y humantong sa paghihiwalayan

Pero ngayon? Ano ka ba sa akin ngayon, mahal?

Para sa akin, ikaw ay isang manloloko

Taga-sira ng damdamin at puso

Mapaglaro sa mga bagay na dapat sineseryoso

At higit sa lahat, ikaw ay isang gago

Bakit?

Bakit hindi?

Hindi ako magpapaka-martyr dahil lang sa mahal kita

Hindi ako magpapaka-wasak dahil lang sa mahal kita

Hindi ako magpapaka-tanga dahil lang ayaw kitang mawala

At hindi ako mananatili sa tabi mo kung ayaw mo na pala

Hindi ako tanga kaya ‘wag mo akong gawing tanga

Dahil alam na alam ko kung ako lang o may iba ka pa pala

Hindi ako bulag para hindi makita ang relasyon nating pasira na

Dahil ikaw ang unang sumira nito at ngayo’y tinutulungan lang kita

Hindi ako bingi para hindi marinig ang mga kasinungalingan mo

Dahil sa bawa’t kasinungalingan na lumalabas sa bibig mo

Katumbas nito ay ang unti-unti kong pagbitaw sa’yo

Patawad, mahal. Dahil nais ko lamang ibalik ang sakit na binigay mo

Hindi ako pipi para hindi sabihing “ayoko na”

Dahil matagal na akong bumitaw sa ating dalawa

Hindi ako tanga, bulag, bingi o pipi, mahal

Kaya huwag mo akong itulad sa mga taong pinaniwala mo sa salitang “pagmamahal”

Sapagkat ako? Alam ko ang lahat

Alam ko na sa simula pa lang ay iiwanan mo na ako

Alam ko na sa simula pa lang ay wawasakin mo na ang pagkatao ko

Alam ko na ako ay isa lamang pustahan

At alam ko rin na “tayo” ay isa lamang biruan

Noong sinimulan mo ang relasyon natin

Tinapos at pinatay ko na ang pag-asang ako’y seseryosohin mo din

At noong tinapos mo ang relasyon nating dalawa

Sisimulan ko pa lamang ibalik ang sakit na iyong pinadama

Ito na, mahal. Sasabihin ko na

Na hindi lang ikaw ang nanloloko sa ating dalawa

Dahil kahit ako ay nakisali na rin sa larong tinatawag na pusta

Isang pustahan kung saan sa oras na ako ay saktan mo

Ibabalik ko sa’yo ang lahat-lahat ng ginawa mo

Noong ako ay iyong ginawang kasintahan

Kailanma’y hindi na kita pinaniwalaan

Noong ako ay iyong pinaglaruan

Unti-unti na rin kitang sinasaktan

Dahil sa bawat oras na tayo ay magkasama

Ramdam ko na ang iyong pag-iiba

Mga kilos mong biglang nagkaroon ng ibang kahulugan

Na kung dati ay puro lamang ito biruan

Mahal, ayoko nang maniwala sa’yo

Ayoko nang magpaloko sa’yo

Dahil hindi sapat ang rasong “mahal pa rin kita”

Para paniwalaan at pagkatiwalaan ulit kita

Oo. Sineryoso mo na ako ngayon

Ngunit ako naman ang makikipaglaro ngayon

Dahil nais kong ibalik sa’yo ang sakit na iyong binigay

Na naging dahilan ng pagkasira ko at ng aking buhay

Gago ka? Mas gago ako

Dahil ngayong minamahal mo na ako

Ang siya namang pananakit ko sa’yo

At ngayong hindi mo na kayang ako ay mawala

Ang siya namang paglayo ko sa’yo, sinta

Alam kong mas masahol pa ako sa hayop, mahal

Dahil ngayong sineryoso mo na ako

Siya namang paglaro ko sa’yo

At ngayon na ang kinakapitan mo ay tanging ako

Ang siyang pagbitaw at pag-iwan ko sa’yo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s