Poems

Poem #17: Martyr

Mahal, mahal kita

Mahal kita dahil sa’yo ako nakakaramdam ng kasiyahan

Mahal kita dahil ikaw lang ang nagpaparamdam sa akin ng aking kahalagahan

Mahal kita dahil handa mong gawin ang lahat para sakin

Mahal kita dahil iyon ang sinisigaw ng aking isip at damdamin

Pero ako? Ako ba ay iyong mahal?

Ako ba ay mahal mo?

O nagi-ilusyon lang ako?

Ako ba ay mahal mo?

O ako lang ang nag-iisip nito?

Palagi akong nasa tabi mo

Ngunit siya lang ang nakikita mo

Mahal kita. Mahal mo siya

Mahal ka rin kaya niya?

Mahal kita kahit hindi mo ako napapansin

Mahal kita kahit hindi ka sakin tumitingin

Mahal kita kahit nagmumukha na akong tanga

Mahal kita kahit ako ay ubos na ubos na

Ngunit nakakapagod rin pala sa paglipas ng panahon

Ang umasa at humiling na sana’y bigyan mo ako ng atensyon

Na sana ako naman ang iyong mahalin at alagaan

Na sana’y hayaan mo ako dyan sa puso mo manirahan

Ngunit alam kong hindi ito kalianma’y matutupad

Dahil siya ay walang ibang katulad

Siya lang ang nariyan sa puso mo

At siya lang ang mamahalin mo

Ngunit mahal ka din ba niya?

Katulad ng pagmamahal mo sa kanya?

Mahal ka din ba niya?

Ngunit bakit iba ang nagmamay-ari sa kanya?

Parehas lang pala tayo, mahal

Nagmamahal ng taong hindi tayo mahal

Umaasa, nag-aabang, nag-hihintay, nagmumukhang-tanga

Sa isang taong mahal natin, na nagsimula lamang sa simpleng pag-hanga

Ang hirap magmahal

Kung hindi ka naman mahal

Ang hirap umasa

Kung wala alam mong wala ka ng pag-asa

Patawarin mo ako kung hindi ko malimutan ang nararamdaman ko para sa’yo

Sapagkat binigay ko na sa iyo ang lahat-lahat ng meron ako

Huwag ka mag-aalala sapagkat lilimutin din kita

Hayaan mo lang mahalin kita, pansamantala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s