Poems

Poem #15: Seenzoned

Seenzoned

Simpleng salita lang ngunit minsa’y sobrang nakakasakit na

Sapagkat ang katumbas ng salitang ito ay ang salitang pamba-balewala

Alam kong mayroong iba’t-iba’t rason kung bakit nase-seen ang isang tao

Ngunit ang pinakamasakit ay noong sinabi kong “mahal kita” ngunit binalewala mo lang ito

Ganun ba ako kasama para hindi mo ako pansinin?

O baka naman sadyang ayaw mo lang ako kausapin?

O baka naman hindi mo nagustuhan ang mensaheng ipinarating ko sa’yo?

Pasensya na, ha? Nagmamahal lang ako

Alam mo ba kung gaano kahirap sabihin ang mga salitang sinabi ko?

Alam mo ba kung ilang masasakit na salita ang natanggap ko sa mga kaibigan ko?

Siraulo raw ako kasi aamin ako sa isang taong hindi naman ako kayang mahalin

Pero handa kong gawin ang lahat. Ako lamang ay iyong mapansin

Kaya ginawa ko lahat

Nilapitan kita

Kinausap kita

Hanggang sa naging magkaibigan tayong dalawa

Hanggang sa naging sobrang malapit tayo sa isa’t-isa

Ang sama ba?

Pasensya na ulit. Nagmamahal lang ako

Habang tumatagal ang pagkakaibigan nating dalawa

Mas lalo na palang lumalalim ang pag-ibig ko sa’yo, sinta

Hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa o malulungkot sa sitwasyong meron ako

Sapagkat nasa tabi mo na nga ako ngunit hindi mo pa rin maramdaman ang pagmamahal ko sa’yo

Sino nga ba ang manhid sa ating dalawa?

Ikaw na hindi maramdaman na mahal kita?

O ako na hindi matanggap na hindi mo ako mahal?

Pasensya na ulit, mahal

Bakit mo nga ba binalewala ang pagsasabi ko ng mahal kita?

Dahil ba hindi mo matanggap?

Dahil ba akala mong ako ay nagpa-panggap?

Dahil ba sa kaibigan lang ang turing mo sa akin?

O dahil sa ibang tao mo gustong marinig ang ginawa kong pag-amin?

Ang sakit ng ginawa mo. Alam mo ba ‘yun?

Kung hindi mo ako mahal, sana sinabi mo

Kung hanggang kaibigan lang ako, sana sinabi mo

Kung siya, sana sinabi mo

Hindi ‘yung pinag-mukha mo akong tanga kakahintay sa sagot mo

Hindi ko alam kung pinaasa mo ba ako

O sadyang tanga lang ako para umasa sa’yo

Huwag ka mag-alala dahil bibitawan din kita

Bigyan mo lang ako ng sagot sa pagsasabi ko ng mahal kita

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s