Poems

Poem #19: Sana

Isang salita lang ito ngunit ito’y nababalot ng iba’t-ibang emosyon

Pagsisisi, panghihinayang. Mga emosyong naramdaman mo sa paglipas ng panahon

Sana. Sana. Sana

Tuwing bibigkasin ko ba ang salitang iyan, may mababago ba

Maibabalik ba ng salitang iyan ang mga oras at panahong nawala?

Mababago ba ng salitang iyan ang mga maling desisyon na nagawa ko?

Magagawa ba ng salitang iyan maitama ang lahat ng pagkakamali ko?

Hindi naman, tama?

Ngunit nagkulang ba ako?

O baka hindi ko ginawa kung anong makakaya ko?

Siguro nga. Dahil kaslanan ko din naman

Akala ko kasi kaya ko na

Akala ko ayos na

Pero hindi pala

Dahil lahat ng ‘yun ay puro lang akala

Masyado akong naging bilib sa sarili ko

Kaya hindi ko na naisip ang ibang tao

Nakalimutan ko sila

Dahil masyado na akong naging abala

Ngayon, nagsisisi ako na sinayang ko ang lahat

Mga pagkakataong kung saan kailangan kong gawin ang dapat

Sana maibalik ko pa ang oras at panahon na nawala

Nang sa ganun, lahat ng pagkakamali ko ay magawa kong itama

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s