Poems

Poem #20: Mahal kita… biro lang

Simulan natin sa umpisa, mahal

Simulan natin sa kung paano mo ako unang kinamusta at kinausap

Simulan natin sa kung paano ang simpleng pangangamusta ay napunta sa isang mahaba-habang pag-uusap

Kung saan ang ating simpleng pag-uusap ang naging sanhi ng iba’t-ibang nararamdaman

Mga nararamdamang hindi mo alam kung ito ba ay may patutunguhan

Naalala mo pa ba, mahal?

Kung paano mo ako pakiligin ng iyong mga matatamis na salita?

Kung paano mo ako palaging tinatanong ng, “Kumain ka na ba?”

Kung paano mo ako pinasasaya sa tuwing tayo ay nagbibiruan?

Kung paano tayo mag-usap mula gabi hanggang kinaumagahan?

Kung paano mo ako tawagan ng halos araw-araw ng walang palya?

Kung paano ang iyong malalim na boses ay lubos saki’y nagpapasaya?

Kung paano natin kantahan ang isa’t-isa hanggang sa tayo ay makatulog?

Kung paano mo sinabing “mahal kita” na saki’y lubos na nakapagpabagabag?

Ngunit, mahal

Ako ay iyong mahal

Ngunit ikaw ba ay mahal ko rin?

O baka kailangan ko na itong tapusin?

Naguguluhan ang aking isipan at damdamin

Sapagkat hindi ko alam ang aking gagawin

Kung ikaw ba ay totoong mahal ko?

O baka para saki’y isa itong laro?

Patawarin mo ako, mahal

Hindi ko sinasadyang humantong tayo sa ganito

Dahil sadyang nadala lamang ako

Patawad kung hindi man magkatulad ang nararamdaman nating dalawa

Sapagkat hindi ko maaaring ipilit sa aking sarili na mahal kita kahit hindi naman pala

Ngunit, mahal

Tunay nga ba na ako ay mahal mo?

O pinag-lalaruan mo lang din ako?

Totoo ba ang iyong mga kinikilos at salita?

O pinag-mumukha mo lang akong tanga?

Patas lang pala tayo, mahal

Parehong naglalaro

Parehong hindi seryoso

Parehong hindi nagmamahalan

Parehong nag-bibiruan

Noong una, ako ay nag-aalangan

Sapagkat ayokong ika’y aking masaktan

Ngunit nang tinapos ko ang lahat-lahat sa atin

Doon ako nakaramdam ng kasiyahan

Hindi ka naman siguro nasaktan sa desisyon ko

Sapagkat parehas lamang tayong naglaro

Hindi rin naman siguro ako kawalan

Dahil para sa’yo? Isa lamang akong laruan

Ngunit ako’y wala nang pakialam pa

Dahil ang lahat sa atin ay tinapos ko na

Kaya iiwan ko na ang lahat, kasama ng mga alaala

Sapagkat ako’y naging mas masaya mula nang ikaw ay mawala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s