Poems

Poem #21: Kwento

Gumawa tayo ng isang kwento

Isang kwento kung saan tayong dalawa lang ang bida

Kung saan ang unang pagkikita natin ay hindi ganun kaaya-aya

Palaging nagbabayangan, nag-aasaran, nagtatalo

Mistulang aso’t pusa na hindi magka-sundo

Gumawa tayo ng isang kwento

Kung saan ang ating pagbabangayan, ay unti-unting napunta sa isang kakaibang pagtitinginan

Na kung saan ang pagtitinginang ito ay mapupunta rin sa pagmamahalan

Pagmamahalang kung saan mamahalin natin ng sobra ang isa’t-isa

Mamahalin kita ng sobra. Hanggang sa puntong hindi ko na kayang mawala ka pa

Mahal, nais ko sanang humiling sa’yo

At sana, ako’y mapagbigyan mo

Hiling ko na sana’y hayaan mong magpanggap ako

Magpanggap na may “tayo”

Magpapanggap ako, mahal

Magpapanggap ako na may pakialam ka sa isang tulad ko

May pakialam ka sa kung sino ang mga kasama ko

Kung nakakain na ba o kung nasaan man ako

Kung nakauwi ba ako ng maayos o kung ano man ang nararamdaman ko

Mahal, magpapanggap ako

Magpapanggap ako na ayaw mo akong mawala sa piling mo

Na ayaw mong magkaroon ako ng iba bukod sa’yo

Magpapanggap ako na ayaw mong makahanap ako ng ibang mas maganda bukod sa’yo

Sapagkat gusto mong ikaw lang. Ikaw lang ang tanging babae sa buhay ko

Mahal, magpapanggap ako

Magpapanggap ako na ako ang iyong pinapangarap

Na nais mong makulong sa aking mga yakap

Magpapanggap ako na gusto mong ako ay iyong makasama

Na ako, ako lamang ang iyong mamahalin hanggang sa ating huling hininga

Pero teka

Teka lang pala, mahal

Hindi ko na pala kailangang magpanggap

Dahil ngayon, andito ka na sa aking harapan, ang babaeng matagal ko nang pinapangarap

Nandito ka na sa aking harapan, naglalakad patungo sakin

Sapagkat tayo’y mangangako sa harap ng Panginoon, na tayo’y magsasama sa dulo ng walang hanggan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s