Poems

Poem #22: Ulan

Mga patak ng ulan, ingay ng mga tao at sasakyan sa daan

Mga taong, nag-iinit ang ulo dahil sa walang tigil na pag-ulan

Mga sasakyang nagkabuhol-buhol dahil sa pagmamadali at mistulang hindi makapaghintay

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito ay nakilala kita, na kalauna’y magiging rason ko para mabuhay

Sa bawat tunog ng ulan na pumapatak sa daan, nakilala kita

Nakilala kita, na hindi ko alam, ay mamahalin ko pala ng sobra

Sobra-sobra. Hanggang sa puntong hindi ko na kayang mawala ka

Hanggang sa puntong, hindi ko alam, wala ka na pala

“Ang pag-ibg ay parang isang ulan.” Iyan ang madalas sabihin ng iba

Noong una, ako ay nagtataka. Kung bakit nila pinagku-kumpara ang dalawa

Hanggang sa nakilala kita

Hanggang sa nawala ka na

“Ang pag-ibig ay parang isang ulan.”

Sapagkat ang pagdating nito ay hindi inaasahan

Hindi ko inaasahan, mahal

Hindi ko inaasahan na ako ay magmamahal

Hindi ko inaasahan ang pagdating mo sa buhay ko

At mas lalong hindi ko inaasahan, ikaw din pala ang sisira nito

Nang ikaw ay aking makilala, ako’y mistulang nakatayo sa isang bangin

At sa dulo ng bangin ay hindi ko alam. Kung ikaw ba ay nandoon para ako ay sagipin

“Ang pag-ibig ay parang isang ulan.”

Sapagkat nagbibigay ito ng mga senyales bago ito bumagsak sa daan

Oo. Senyales. Mga senyales na nagpapahiwatig na gusto mo siya. Na mahal mo siya

Ngunit minsan, ito rin ang nagiging dahilan kung bakit akala mo gusto ka niya. At akala mo, mahal ka niya

Akala ko noong una, masakit ang mahulog sa isang taong hindi ka naman sasaluhin

Pero mas masakit pa pala ang mahulog sa taong sinalo ka, ngunit sa huli ay binitawan ka din

Akala ko, mas masakit magmahal ng taong hindi ka naman mahal

Ngunit, mas masakit pa pala ang magmahal ng taong mahal ka, pero sa huli ay bumitaw sa inyong dalawa

“Ang pag-ibig ay parang isang ulan.”

Sapagkat maaari mo itong maramdaman ngunit hindi mo pwedeng pigilan

‘Yung bang gustong-gusto mo siyang iwasan?

Gustong-gusto mong layuan?

Pero ano? ‘Di ba hindi mo magawa? Hindi mo mapigilang lapitan siya at kausapin?

Hindi mo mapigilang hindi siya makita. Hindi mo mapigilang hindi siya pansinin

Kasi, wala na. Gusto mo na siya

Mahal mo na siya

“Ang pag-ibig ay parang isang ulan.”

Sapagkat ang ulan ay titila, kung kailan nagsisimula palang ang iyong kasiyahan

Nagsisimula palang ako kung paano magmahal. Nagsisimula palang akong matuto kung paano maging masaya

Isang kasinungalingan lang, at sa isang iglap, lahat ng kasiyahang naramdaman ko’y biglang naglaho at napalitan na lamang ng lunkot at luha

Kaya mahal, isang pakiusap ko lang

Maaari mo na bang bitawan ang aking kamay na matagal nang bumitaw sa iyo?

Dahil mahal kita. At nais kong maging masaya ka. Sa piling ng taong mahal ka at mahal mo

Huwag kang mag-alala kung nasasaktan man ako ngayon

Sapagkat mas mahalaga sakin ang kasiyahan mo ngayon, kaysa sa sakit na dinulot mo noon

Advertisements

One thought on “Poem #22: Ulan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s