Poems

Poem #23: Dalawang Salita

Pinikit ko ang aking mga mata

At sa pagdilat ko, wala ka na

Kaya ipinikit ko ulit ang mga ito

Dahil baka sakaling sa pagdilat ko

Nariyan ka na, nakangiti habang naghihintay

Naghihintay sa akin para hawakan ang iyong kamay

Heto na

Ipipikit ko na

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim

Huminga ako ng malalim

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata

At sa pagdilat ko, nariyan ka na

Pero sana pala hindi ko na lang ito ginawa

Sana hindi na lang nagtama ang mga mata nating dalawa

Dahil ang akala kong ikaw na nakangiti sakin

Umiiyak nang dahil rin pala sa akin

Sinubukan kong hindi ka tignan

Sinubukan kong ikaw ay layuan

Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa at tumakbo ng malayong-malayo

Malayo sa aking kinatatayuan. Malayo sa’yo. Malayo sa alala mo

Ngunit mistulang ang mga mata mo’y hinahatak ako palapit

At sa isang iglap, naramdaman ko lahat. Saya. Lungkot. Galit

Saya sapagkat hindi ko malilimutan ang araw na narinig ko sa’yo ang matamis mong “oo”

Lungkot dahil sa hindi mo pagkapit sa “tayo”

Galit sapagkat hindi ko maunawaan ang dahilan mo para iwanan ako, sinta

Ngunit sa kabila ng mga emosyong ito, ay hindi ko matatago ang mga salitang mahal kita

Dalawang salita

Mahal kita

Katotohanan? Kasinungalian?

Dalawang salita. Maraming kahulugan

Mahal kita. Minamahal kita. Minahal kita

Minahal kita ngunit binalewala mo

Minahal kita ngunit sugat lang pala ang iiwan mo

Minahal kita kahit mukha na akong tanga kakamahal sa’yo

Minahal kita kahit wala naman akong halaga sa’yo

Kaya mahal, nais ko sanang humingi ng tawad

Patawad kung hindi ko matanggap na kailanma’y hindi magiging ako

Patawad kung hindi ako sumuko sa’yo

Patawad dahil hindi ko kayang pigilan ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata

At higit sa lahat, patawad kung hindi ko magawang bitawan ka

Ngunit mahal, may nais sana akong itanong sa’yo

Minahal mo ba ako?

Dahil kung minahal mo ako

Hindi mo ako iiwan nang ganito

Walang paalam, walang pasabi. Wala

Umalis ka at ako ‘tong si tanga, umasa na babalik ka

At ngayon, nandito ka sa aking harapan

Umiiyak na para bang ikaw ang iniwanan

Mahal, ako ay lubos na nagtataka

Sapagkat kailanma’y hindi ko ito inakala

“Mahal kita”

Iyan ang mga sinabi mong salita

Dalawang salita

At isa na naman akong tanga

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s