Poems

Poem #24: Nalaman ko ang salitang tanga nang makilala kita

Mahilig tayong umalala ng mga bagay tungkol sa ating pagkawasak

Mga alaala, masaya man o masakit

Mga salitang lumalabas sa bibig

Mga liham, rosas, regalo

Mga bagay na simple ngunit ang tangi kong naaalala ay ang tayo

Mga alaala na winasak ng mga salitang, “Maghiwalay na tayo.”

Mga salitang binago dahil sa mga nasirang pangako

Mga liham, rosas, regalo na itinago sa kasuluk-sulukan ng kwarto

Mga bagay na simple lamang ngunit ang tanging laman ng isip ko at palagi kong naaalala ay ang nasirang tayo

Mahilig tayong umalala ng mga bagay sa nakaraan

Mahilig tayong magbasa ng mga nakalipas na mensahe sa pag-asang babalik sila

Mahilig tayong tumingin ng mga pinaglumaang litrato, umaasa, na sa isang iglap ay mabubuhay ito at sasabihing muli ang mga salitang, “Mahal kita.”

Mahilig tayong magpaka-tanga sa mga taong wala namang kwenta at hindi tayo pinahahalagahan

Mahilig tayong magmahal. Mahilig tayong magbigay ng pagmamahal ngunit sa kabila nito ay isang katanungan ang namamalagi sa isipan

“Bakit ikaw pa?”

Sa pitong bilyong taong nabubuhay ngayon sa mundo, bakit ikaw?

Bakit ikaw, na walang ibang ginawa kung hindi ang manloko?

Bakit ikaw, na walang ibang ginawa kung hindi ang maglaro?

Bakit ikaw, na puro lamang kasinungaingan ang pinagsasasabi?

Bakit ikaw? Na kahit anong layo, pagtanggi, pagbitaw at paglimot sa nararamdaman ko, babalik at babalik ako sa’yo at ikaw, ikaw at ikaw pa rin ang pinipili

Nakakapagod na

Ngunit alam ko sa sarili ko na sa oras na bumalik ka ay buong-buo kitang tatanggapin

Tatanggapin ulit kita. Mamahalin ulit kita

At katulad lang ng dati, magiging masaya tayong dalawa

At katulad lang din ng dati, masisira ulit tayong dalawa

Sasaktan mo ‘ko. Patatawarin kita

Nakakatanga na

Ngunit sa puntong ‘to, sa tanda kong ‘to, gusto ko pa rin ang maging mahalaga sa’yo

Gusto kong maging tayong muli

Gusto kong ikaw ang pumuna sa lamig na nararanasan ko tuwing gabi

Gusto kong maramdaman ang mga halik at mga yakap mo sa tuwing sasabihin mong mahal mo ako

Ikaw lang ang gusto ko

Pero sino nga ba ang niloko ko?

Dahil ngayo’y mananatili na lamang isang pangarap ang mga nais ko

Isang pangarap na kailanma’y hindi mangyayari

Sapagkat ikaw ay hindi na aking pag-aari

Mahilig akong umalala ng mga bagay tungkol sa aking pagkawasak

Hilig kong ikulong ang aking sarili sa bangungot na dala ng nakaraan

Hilig ko ang paasahin ang sarili ko at yakapin ng mga salitang iyong binibitawan

Hilig kong pagmasdan ang mga punit na liham, sira-sirang mga regalo at mga nalantang bulaklak na hanggang ngayo’y nakatago pa rin sa isang kahon na nakalagay sa kasuluk-sulukan ng aking kwarto, naaalikabukan na sila

Pero sino nga ba ang niloko ko? Sapagkat kahit sa tinagal-tangal na ng kahong ito na nakatago sa sulok ng kwarto ko, nandirito pa rin. Nandirito pa rin ang mga alaala mo. At hindi ito magiging katulad ng kahong iyon. Sapagkat nandirito pa rin ang sakit na iyong dinala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s