Poems

Poem #25: Para sa’yo

Nagsulat sa maraming pahina ngunit iisa lang ang pinapahayag

“Tama na.”

Para sa’yo sa mga panahong wala kang magawa

Wala kang magawa kung hindi ipikit ang mga mata

Takpan ang mga tenga at itikom ang bibig para maitago ang mga salitang gustong kumawala

Sinisigaw ang mga salitang, “Ayoko na! Pagod na ako! Pwede bang tama na?”

Para sa’yo ang tulang ito

Para sa’yo sa mga pagkakataong tango lang nang tango, oo lang nang oo

Sapagkat sa oras na sinabi mong, “Hindi!” ay ikaw pa ang magmumukhang masama at ikaw, ikaw pa ang masasabihan na kasing-tigas ka ng bato

Para sa’yo sa mga sandaling gusto mong magsalita

Pero hindi mo magawa. Dahil sa daan-daang daliri na nakaturo sa’yo

Sabay-sabay nilang sinasabing, “Ang sama-sama mo! Paano naman kami? Paano naman ako?”

Sa lakas ng kanilang mga boses ay unti-unting natatabunan ang mga salitang nais mo sanang sabihin

Nagpapadala sa takot, sa pangamba na baka masaktan mo sila, na baka ikaw pa ang maging masama

Nagpapanggap na wala kang alam sa pinaggagawa nila, sa pang-aabusong akala nila, “Pasensya na! Nagkamali ako! Hindi na mauulit!” ay ayos na.

Tama na

Tama na ang ilang beses mong pinagbigyan ang mga sinasadyang pagkakamali

Tama na ang pagtatago ng mga salita at damdamin

Tama na ang pagpapadala sa takot kung ikaw naman ang nasa tama

Tama na. Tama na. Tama na

Tama na ang pinagbigyan mo sila.

At sa pagkakataong ito, ikaw, ang sarili mo, ang unahin mo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s