Life

Rants, Rants and More Rants

I will rant a few things about my life. Expect this to be quite long and this is partly written with my native language.

rant

  • Pagiging masungit ko

Real talk ‘yun. No bullshit. At ‘yun ang problema ko. Kasi as much as I want na maging masungit, hindi ‘yun ang nire-require ng society. They expect you to be nice, generous, friendly, polite, etc. But guess what? Hindi lahat ng tao ganun. May mga taong masungit at suplada by nature. Can you blame them? Can you blame us? No. Kasi kung ang mundo at mga tao ngayon na rin lang ang pakikisamahan mo, talagang nakakapagod maging mabait. Sobra. Pero may mas nakakainis pa doon. ‘Yun ay ‘yung kapag pinipilit ka ng tao at sitwasyon na maging mabait.’Yun talaga ang pinaka-nakakainis. Kapag naman nagsungit ka, masama agad tingin sa’yo. They didn’t even try to know who you are. Judgment agad. Nakakapikon. Buti sana kung they deserve to be treated nicely, e. Kaya hindi ko na lang sila pinapansin. Besides, that is my way of dealing with people I don’t like. Snob lang. Mapapagod lang ako sa kakaintindi ng mga ugaling hindi ko naman gusto. Okay na ‘yun. Less complications. No explanations. Let them think what they want of you. It was none of your business, anyway.

Siguro nga, medyo twisted ang way ko ng reasoning. But that’s who I am. No once can blame me. I shouldn’t feel sorry about being me.

  • Those people na feeling close

Kung makipag-usap sakin, akala mo naman friends kami. Maybe they wanted to be my friend. But what if I don’t want to? ‘Di ba parang nakakainis ‘yun? Kaibigan ang tingin mo sa isang tao pero hindi pala ganun ‘yung tingin niya sa’yo. I wonder why can’t they accept the fact that not all people can be someone’s friend. Especially me. Kapag ayaw ko, ayaw ko. That’s final. No one tells me kung ano ang dapat ikilos ko sa mga taong pinakikisamahan ko. Because I know better. And I’m not stupid.

  • School shits

Actually, marami akong issues sa school na pinapasukan ko. I’m in Senior High School, by the way. Nakakainis lang. Kasi ‘yung batch namin, which is ‘yung first batch ng K to 12 in our country, ay parang experiment lang. Para kaming test subjects. Sinubukan ang ganitong lessons, programs kung magwo-work ba, etc. Kasi ngayong nasa SHS na kami, kami pa ‘yung mas walang alam kaysa sa mga lower years. As in. Wala talaga kaming kaalam-alam. ‘Yung mga naituro sa lower years ngayon? Hindi namin alam. ‘Yung turo ng mga teachers? Can’t even mention it! Mas marami pang mga school activities kaysa sa mga lessons! So in short, ang tanging natutunan namin ay ang mag-chill. Another problem is ‘yung mga teachers. Kasi ‘yung iba, nagsesermon na lang lagi instead na magturo, e. As if naman may natututunan kami doon. Problema din ‘yung ibang undisciplined students. Kaya kahit gusto ko matuto, hindi ko rin magawa dahil palaging nauubos ng oras ng teachers kakasaway sa mga estudyante. As much as I want na mag-transfer, hindi ko magawa dahil hassle lang. Ilang buwan na lang naman ang titiisin ko.

  • Being selfish

Of course, everyone is selfish. But you know what? Being selfish is what makes you less of a good person. Someone asks you to give them food and you refuse? You’re selfish. You have something that others don’t have and you don’t want to share it with them? You’re selfish. You’re sitting inside a bus instead of letting a woman or the elderly sit and letting them stand? You’re selfish. Ayan. Ayan ang nagiging criteria para sabihing madamot o makasarili ang isang tao. But is that wrong? Is being selfish wrong? Masama bang isipin ang sarili mo bago ‘yung iba? Be considerate, you say? Why won’t they be the one who has to be considerate? Kami ba dapat ang magkaroon ng konsiderasyon? O dapat ‘yung iba? What if someone refuses to give others the food they have because it’s their last one? What if someone doesn’t share his things to others because they worked hard for it themselves? What if someone refuses to let a woman or elderly sit inside a bus because he or she is maybe tired of his or her life and is just someone who wanted to rest? Who’s selfish now?

  • Childish people and people younger than me

Eto siguro ang pinaka hindi ko natitiis. I don’t like childish people kasi mahirap sila kausap. You will say something, hindi sila makikinig. Why is it so hard to shut up and listen? I also don’t like people younger than me. Why? Kasi mababaw sila. Isang side lang ng story ang laging tinitignan. Sariling point of view lang ang iniisip. Laging pinipilit na sila ‘yung tama kahit hindi. Puro fun. And lastly, kapag nakakagawa sila ng mali, ang reason lagi ay: “Bata pa ‘ko, e.” What the hell, right? Same rin sa mga childish people. Wala sa edad ang pagiging mature. Nasa isip ‘yan. Hindi ko naman sinasabi na magseryoso ka buong buhay mo. What I mean is, dapat balance ang fun at pagiging seryoso sa buhay.

  • Mga taong walang kusa

Example. Sa school. Group works or projects. ‘Yung mga ka-grupo mo, aasa sa’yo. Maghihintay ng utos mo as a leader. ‘Di ba nakakainis ‘yun? Knowing na may gagawin kayong project or school work, tatanungin pa kung anong gagawin. Don’t they know what to do? Kahit ba mag-volunteer man lang hindi naisip? Maghihintay lang talaga ng utos mula sa leader? So paano pala kung nawalan ng pakialam ‘yung leader? Nganga lahat? Ganun ba ‘yon? Is that how a group works? Hell no. Eto nakakainis pang isa. Let’s say na nag-utos ka na. Tapos hindi mo alam kung kumikilos ba ‘yung mga ka-grupo mo kasi wala silang sinasabi sa’yo. Hindi ka nila inu-update sa kung ano nang nangyayari sa pinapagawa mo. Talagang hihintayin nila na magtanong ka. In short, walang kusa. ‘Di ba nakakainis?

  • Shut up, don’t explain

One of my major rules or let’s say motto ko sa buhay. Kapag may sinasabi sakin ang isang tao lalong-lalo na kung sinisisi ako. I shut up. I don’t explain. Why? Kasi nakakapagod magpaliwanag kung alam ko naman na hindi ako papakinggan. What’s the use of explaining, right? They chose to close their minds and they chose to refuse to hear whatever you have to say. So why bother?

This is just one of my rants sa buhay. Marami-rami pa dapat pero okay na ‘yan.

And thus, my ranting ends here.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s