Short Stories · Unsent Letters (Her)

Final

Dear Adrian,

99 days.

99 days na ang nakalipas sumula noong araw na ‘yun. Kamusta ka na? Sana masaya ka. Ako, okay naman. Medyo naninibago lang ako sa buhay ko ngayon. Wala na nga pala akong balita sa’yo. Sinubukan kong mag-text sa’yo, tumawag, mag-send ng e-mail pero hindi ka sumasagot. Bakit ba, Adrian? Hindi naman ‘to ‘yung unang beses na nawala ka nang hindi nagpapaalam. Nang walang rason. Magaling ka talaga sa ganito ‘no? Sa pang-iiwan. Pagkatapos lahat ng pinagdaanan natin? Pagkatapos kong iwan si Angelo para sa’yo? Pagkatapos kong itigil ‘yung kasal para lang makasama ka? Bakit mo ba ‘to ginagawa? Kasi nakakalito ka na, e. Isa pa, kung hindi lang dahil sa’yo, kung hindi lang dahil sa mga sinabi mo noong araw na ‘yun, sigurado ako na habang buhay ako maniniwala sa ilusyon ko na si Angelo ang mahal ko at hindi ikaw.

Dalawang salita, Adrian. Dalawang salita lang ang sinabi mo pero nabago mo agad ‘yung buong buhay ko. Sa isang iglap, sa’yo na naman umikot ang mundo ko. Isang sabi mo lang na mahal mo ako, eto na naman akong si tanga. Kasi mahal kita, e. After all those years? Ikaw pa rin? Bullshit. Nakakainis na nga, e. Alam kong nakasakit ako ng maraming tao. Pero pinili pa rin kita. I chose to be with you tapos ano? Umalis ka. Umalis ka na naman. Bakit, Adrian? Sana naman sabihin mo kasi litong-lito na talaga ako, e. You know what’s the funny thing? Kasi umaasa pa rin ako na babalikan mo ‘ko. Umaasa ako na isang araw, babalik ka at sasabihin mo ulit na mahal mo ‘ko. Please lang ‘wag kang duwag, Adrian. Sana naman isang araw magawa mo na ipaglaban ako. Pero kung hindi, sige. Papakawalan na kita at sana maging masaya ka sa buhay mo.

Goodbye,

Andrea

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s