Short Stories · Unsent Letters (Her)

Fourth

Dear Adrian,

Gusto ko sanang mag-thank you sa’yo for letting me be your friend again. Hindi ko inakala na pwede pa pala tayong bumalik sa dati. Sobrang thankful ako dahil hinayaan mo ulit akong maging parte ng buhay mo. At dahil ikaw ang bestfriend ko, sana mapagbigyan mo ‘yung wish ko.

I want you to be the photographer of my wedding. Isa ka sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko, Adrian kaya sana pumayag ka. Alam kong hindi kayo masyadong magkasundo ni Angelo pero ikaw ang gusto kong maging photographer sa kasal ko. It’s a selfish request, I know. But please. May tiwala ako sa’yo at sa kakayahan mo. Alam ko namang magaling ka. Isa pa, pangarap mong maging photographer, ‘di ba? Proud ako sa’yo dahil naabot mo na ang pangarap mong ‘yun. Siguro naman papayag ka sa wish ng bestfriend mo, ‘di ba?

You know what? I never thought na magmamahal pa ulit ako. Masyado kasi akong nasaktan dati, e. Una ‘yung parents ko. Tapos ikaw. Sobra na ‘yung sakit para tumigil akong maniwala sa love. Too hurt to trust again. To love again. Pero talaga sigurong  mapaglaro ang tadhana ‘no? Kung kailan tanggap ko na na baka wala na ulit magmamahal sakin, saka naman dumating si Angelo. He made me happy again. He made me fall in love again. He made me believe in love again. I love him, Adrian. And I know mahal niya rin ako. Kaya isa rin sa mga hiling ko na sana magkasundo na ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko masyadong nake-kwento sa’yo si Angelo kasi alam kong ayaw mo sa kanya. Sabi mo, sasaktan niya lang ako. Nakakatawa ‘no? No offense pero talagang sa’yo pa talaga nanggaling ‘yun ‘no?

Pero thankful ako ng sobra kay Angelo kasi kahit kailan hindi niya ‘ko iniwan. Pinatunayan niya ang sarili niya sakin. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip nang niyaya niya ‘kong magpakasal. Sigurado ako sa kanya. Kahit na nasabi ko na dati na sigurado ako sa’yo. This time, iba na talaga. Isa pa, sa kanya ko na lang ulit ‘to naramdaman, e. Mas naging masaya ako. Nakakatawa ‘di ba? Sa huling sulat ko sa’yo, para akong mamamatay sa sakit. Ilang beses pa kitang iniyakan. Mahal ko si Angelo. Mahal na mahal. Dahil sa kanya kaya nagagawa ko na ulit ngumiti at maging masaya. At dahil ‘yun sa kanya.

Pasesnsya na pala. Puro yata ako Angelo samantalang para naman sa’yo ang sulat na ‘to. Kamusta ka na ba? Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam. Kung sabagay, busy ka sa work mo. In fairness, medyo sikat ka na. Ang dami nang kumukuha sa’yo bilang photographer. ‘Wag mo ‘kong kakalimutan, ha? Alam mo hanggang ngayon, wala pa rin akong alam sa girlfriend mo. Bihira ka kasi mag-kwento about sa kanya. Noong huling beses na tinanong kita, ang sabi mo nag-away kayo kaya ayaw mo siyang pag-usapan. Kaya hindi na rin kita pinilit. Pero sana ipakilala mo siya sakin sa kasal ko, ha? Kung hindi magtatampo talaga ako sa’yo.

Ang tagal na rin pala nating magkakilala, ‘no? 8? 9 years? Ang dami na nating pinagdaanan pero natutuwa ako dahil sa pagkakaibigan tayo humantong. Hindi man nag-work ang relationship natin, at least natira ‘yung friendship. Hindi ka nawala sakin at masaya ako. Masayang-masaya. Kahit na sinaktan mo ako noon, nagpapasalamat pa rin ako dahil nangyari ‘yon. Kung hindi dahil doon, malamang mahina pa rin ako. Natuto akong maging malakas at matatag. Kaya nagpapasalamat ako sa’yo dahil ikaw ang nagturo sakin ng mga ‘yon. You’ve been a big part of my life, Adrian. And you will always be.

Love,

Andrea

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s